Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Laging Magtiwala kay Jehova!
    Ang Bantayan—2015 | Abril 15
    • 2 Malamang na ganiyan kapanganib ang sitwasyon nang ibilanggo si apostol Pablo sa Roma sa ikalawang pagkakataon. Tutulungan kaya siya ng ibang Kristiyano? Posibleng naitanong iyan ni Pablo, dahil isinulat niya kay Timoteo: “Sa una kong pagtatanggol ay walang sinumang pumanig sa akin, kundi pinabayaan nilang lahat ako—huwag nawa itong singilin sa kanila.” Pero alam ni Pablo na hindi naman siya lubusang pinabayaan. Isinulat niya: “Ngunit ang Panginoon ay tumayong malapit sa akin at nagbigay ng kapangyarihan sa akin.” Binigyan ng Panginoong Jesus si Pablo ng kapangyarihan, o lakas, na kailangan niya. Isinulat pa nga ni Pablo na “iniligtas [siya] mula sa bibig ng leon.”—2 Tim. 4:16, 17.a

      3 Ang pagbubulay-bulay sa karanasang iyon ay tiyak na nagpatibay sa pagtitiwala ni Pablo na palalakasin siya ni Jehova sa mga pagsubok sa kasalukuyan at sa hinaharap. Sinabi pa nga niya: “Ililigtas ako ng Panginoon mula sa bawat balakyot na gawa.” (2 Tim. 4:18) Natutuhan ni Pablo na hindi man siya matulungan ng mga kapatid, nariyan si Jehova at ang kaniyang Anak!

  • Laging Magtiwala kay Jehova!
    Ang Bantayan—2015 | Abril 15
    • “BIBIG NG LEON”

      10-12. (a) Sa anong mga sitwasyon lalong mahirap ang pag-aalaga sa isang kapamilya na malubha ang sakit? (b) Kung magtitiwala ka kay Jehova sa mahihirap na sitwasyon, ano ang magiging epekto nito sa kaugnayan mo sa kaniya? Magbigay ng halimbawa.

      10 Kapag matindi ang problemang pinagdaraanan mo, maaaring madama mo ang nadama ni Pablo—na ikaw ay halos nasa loob na ng “bibig ng leon.” Sa ganitong mga sitwasyon, napakahalagang magtiwala kay Jehova. Halimbawa, baka nag-aalaga ka ng isang kapamilya na malubha ang sakit. Nanalangin ka kay Jehova na bigyan ka ng karunungan at lakas.b Palibhasa’y nagawa mo na ang lahat ng kailangan mong gawin, mapapanatag ka na dahil alam mong nakikita at nauunawaan ni Jehova ang sitwasyon mo. Ibibigay niya ang kailangan mo para makapagbata at makapanatiling tapat.—Awit 32:8.

  • Laging Magtiwala kay Jehova!
    Ang Bantayan—2015 | Abril 15
    • a Ang pagliligtas kay Pablo mula sa “bibig ng leon” ay maaaring literal o makasagisag.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share