LOIDA
Ang lola ni Timoteo at lumilitaw na ina ng kaniyang inang si Eunice. Hindi siya ang lola ni Timoteo sa panig ng ama at ipinahihiwatig ito ng salin ng Syriac na “ang ina ng iyong ina.” Si Loida ay pinapurihan ni Pablo, na nagsabing si Loida ay isang babaing Kristiyano na may ‘pananampalatayang walang pagpapaimbabaw.’ (2Ti 1:5) Lumilitaw na ang tirahan ng kanilang pamilya ay sa Listra. (Gaw 16:1, 2) Ang paghahambing ng 2 Timoteo 1:5 sa 2 Timoteo 3:15 ay nagpapahiwatig na kapuwa tinuruan nina Loida at Eunice si Timoteo mula sa Kasulatan.