Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nakapasok Ka Na ba sa Kapahingahan ng Diyos?
    Ang Bantayan—2011 | Hulyo 15
    • “Ang Salita ng Diyos ay Buháy”

      20. Sa anong dalawang bagay maaaring tumukoy ang Hebreo 4:12? (Tingnan ang talababa.)

      20 Nang isulat ni Pablo na “ang salita ng Diyos ay buháy,” hindi niya espesipikong tinutukoy ang Bibliya, o ang nasusulat na Salita ng Diyos.c Ipinakikita ng konteksto na ang tinutukoy niya ay ang mga pangako ng Diyos. Gustong sabihin ni Pablo na kapag nangako ang Diyos, hindi Niya ito kinalilimutan. Pinatunayan ito ni Jehova sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Ang aking salita [ay hindi] babalik sa akin nang walang resulta, kundi . . . tiyak na magtatagumpay sa bagay na pinagsuguan ko nito.” (Isa. 55:11) Kaya hindi tayo dapat mainip kapag hindi agad nangyayari ang mga inaasahan natin. “Patuloy na gumagawa” si Jehova para maisakatuparan ang kaniyang layunin.​—Juan 5:17.

      21. Paano mapatitibay ng Hebreo 4:12 ang may-edad nang mga miyembro ng “malaking pulutong”?

      21 Ilang dekada nang tapat na naglilingkod kay Jehova ang may-edad nang mga miyembro ng “malaking pulutong.” (Apoc. 7:9) Hindi inasahan ng marami sa kanila na tatanda sila sa sistemang ito ng mga bagay. Pero hindi sila pinanghihinaan ng loob. (Awit 92:14) Alam nilang ang pangako ng Diyos ay hindi mapapako​—buháy ito, at kumikilos si Jehova para tuparin ito. Yamang mahalaga sa Diyos ang kaniyang layunin, mapasasaya natin siya kung pahahalagahan din natin ito. Si Jehova ay nagpapahinga sa ikapitong araw na ito, palibhasa’y nakatitiyak siyang matutupad ang kaniyang layunin at na makikipagtulungan dito ang kaniyang bayan sa kabuuan. Kumusta ka naman? Nakapasok ka na ba sa kapahingahan ng Diyos?

  • Nakapasok Ka Na ba sa Kapahingahan ng Diyos?
    Ang Bantayan—2011 | Hulyo 15
    • c Sa ngayon, nagsasalita sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng kaniyang nasusulat na Salita, na may lakas na makapagpabago sa ating buhay. Kaya naman, kung palalawakin ang pagkakapit, ang mga salita ni Pablo sa Hebreo 4:12 ay maaaring tumukoy sa Bibliya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share