Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 2/15 p. 24-25
  • Kung Bakit Nakahihigit ang Pagsambang Kristiyano

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Bakit Nakahihigit ang Pagsambang Kristiyano
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Si Kristo ay Nakahihigit sa mga Anghel at kay Moises
  • Ang mga Kristiyano ay Pumapasok sa Kapahingahan ng Diyos
  • Nakahihigit na Pagkasaserdote at Tipan
  • Kailangan ang Pananampalataya!
  • Hebreo, Liham sa mga
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Aklat ng Bibliya Bilang 58—Mga Hebreo
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Nilalaman ng Hebreo
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
  • Nakahihigit sa mga Handog na Hayop ang mga Handog ng Papuri ng mga Kristiyano
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 2/15 p. 24-25

Kung Bakit Nakahihigit ang Pagsambang Kristiyano

Mga Tampok Mula sa Liham sa mga Hebreo

ANG Diyos na Jehova ay nagpakilala ng nakahihigit na mga katangian ng pagsamba nang suguin niya sa lupa ang kaniyang Anak, si Jesu-Kristo. Ganiyan nga sapagkat si Jesus, ang Tagapagtatag ng Kristiyanismo, ay nakahihigit sa mga anghel at sa propetang si Moises. Ang pagkasaserdote ni Kristo ay lubhang nakahihigit kung ihahambing sa pagkasaserdote ng mga Levita sa sinaunang Israel. At ang hain na inihandog ni Jesus ay makapupong nakahihigit sa inihaing mga hayop sa ilalim ng Kautusang Mosaiko.

Ang mga puntong ito ay nililiwanag sa mga liham sa mga Hebreo. Maliwanag na ito’y isinulat ni apostol Pablo sa Roma mga 61 C.E. at ipinadala sa mga Hebreong mananampalataya sa Judea. Simula pa noong una, ang mga Kristiyanong Griego at yaong mga nasa Asia ay naniniwala na si Pablo ang sumulat at ito’y sinusuportahan naman ng kapuwa malawak na pagkapamilyar ng manunulat sa Kasulatang Hebreo at sa kaniyang ginawang may lohikang pagbuo na karaniwan na sa apostol. Marahil ay hindi na niya binanggit dito ang kaniyang pangalan dahilan sa pagkamuhi sa kaniya ng mga Judio at dahilan sa siya’y kilala na “isang apostol sa mga bansa.” (Roma 11:13) Ngayon suriin natin nang malapitan ang nakahihigit na katangian ng Kristiyanismo, gaya ng isinisiwalat ng liham ni Pablo sa mga Hebreo.

Si Kristo ay Nakahihigit sa mga Anghel at kay Moises

Ipinakikita muna ang nakahihigit na katayuan ng Anak ng Diyos. (1:1–​3:6) Ang mga anghel ay nagpapatirapa sa kaniya, at ang kaniyang maharlikang pamamahala ay nakasalig sa Diyos. Kaya kailangang magbigay tayo ng pambihirang atensiyon sa mga sinalita ng Anak. Isa pa, alalahanin natin na bagaman ang taong si Jesus ay mas mababa kaysa mga anghel, siya’y itinaas sa ibabaw nila at ipinasakop sa kaniya ang tinatahanang lupa na darating.

Si Jesu-Kristo ay nakahihigit din kay Moises. Sa papaano? Bueno, si Moises ay isa lamang katulong sa Israelitang bahay ng Diyos. Gayunman, inilagay ni Jehova si Jesus upang mamahala sa buong bahay, o kongregasyon ng bayan ng Diyos.

Ang mga Kristiyano ay Pumapasok sa Kapahingahan ng Diyos

Sumunod na binanggit ng apostol na posibleng makapasok sa kapahingahan ng Diyos. (3:7–​4:13) Ang mga Israelita na pinalaya buhat sa pagkaalipin sa Ehipto ay hindi nakapasok doon sapagkat sila’y masuwayin at kulang ng pananampalataya. Subalit tayo ay makapapasok sa kapahingahang iyan kung tayo’y magsasagawa ng pananampalataya sa Diyos at masunuring susunod kay Kristo. Pagkatapos, sa halip na isang lingguhang Sabbath lamang ang ganapin, sa araw-araw ay tatamasahin natin ang nakahihigit na pagpapala na pamamahinga buhat sa lahat ng mga gawang mapag-imbot.

Ang pagpasok sa kapahingahan ng Diyos ay isang pangako ng kaniyang salita, na “higit na matalas kaysa anumang tabak na may dalawang talim at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu.” Ganiyan ang ginagawa nito sapagkat ito’y tumatagos hanggang sa pagkakilala ng mga motibo at mga saloobin, na pinagbubukod ang makalamang mga pita at ang saloobin ng kaisipan. (Ihambing ang Roma 7:25.) Kung ang ating “kaluluwa,” o buhay bilang isang indibiduwal, ay may kalakip na maka-Diyos na “espiritu,” o saloobin, tayo’y makapapasok sa kapahingahan ng Diyos.

Nakahihigit na Pagkasaserdote at Tipan

Sumunod ay ipinakita ni Pablo ang kahigitan ng pagkasaserdote ni Kristo at ng bagong tipan. (4:14–​10:31) Ang walang-salang si Jesu-Kristo ay may habag sa makasalanang mga tao sapagkat, tulad natin, siya’y sinubok sa lahat ng paraan. Isa pa, siya’y inatasan ng Diyos na “isang saserdote magpakailanman ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedek.” Di-tulad ng Levitikong matataas na saserdote, si Jesus ay may buhay na hindi na maaaring mapuksa at sa gayo’y hindi nangangailangan ng kahalili sa kaniyang gawaing pagliligtas. Siya’y hindi nangangailangang maghandog ng haing mga hayop, sapagkat kaniyang inihandog ang kaniyang lubhang nakahihigit na katawang walang kasalanan at nakapasok sa langit na taglay ang halaga ng kaniyang dugo.

Ang bagong tipan, na binigyang-bisa ng dugo ni Jesus, ay nakahihigit sa tipang Kautusan. Taglay ng mga nasa bagong tipan ang mga kautusan ng Diyos sa kanilang mga puso at nagtatamasa ng kapatawaran ng kasalanan. (Jeremias 31:31-34) Ang pasasalamat ukol dito ang magpapakilos sa kanila na ihayag sa madla ang kanilang pag-asa at makipagtipon sa kanilang mga kapananampalataya. Di-tulad nila, ang pusakal na mga makasalanan ay wala nang anumang hain para sa mga kasalanan.

Kailangan ang Pananampalataya!

Upang makinabang sa nakahihigit na bagong tipan, tayo’y nangangailangan ng pananampalataya. (10:32–​12:29) Kailangan din ang pagtitiis kung nais nating tanggapin ang ipinangako ni Jehova. Upang tayo’y mapatibay-loob na magtiis, nariyan ang isang ‘makapal na ulap’ ng mga Saksing bago pa ng panahong Kristiyano na nakapalibot sa atin. Gayunman, lalong higit na dapat nating matamang isaalang-alang ang walang kapintasang landasin ni Jesus sa ilalim ng pagdurusa. Anumang pagdurusa na ipinahintulot ng Diyos na dumating sa atin ay maaaring ituring na isang disiplina na makapagdudulot ng mapayapang bunga ng katuwiran. Ang pagkamaaasahan ng mga pangako ni Jehova ay dapat magpalaki ng ating pagnanasang makapaghandog sa kaniya ng banal na paglilingkuran “taglay ang maka-Diyos na takot at pagkasindak.”

Si Pablo ay nagtatapos sa pamamagitan ng mga pagpapayo. (13:1-25) Ang pananampalataya ay dapat magpakilos sa atin na magpakita ng pag-ibig kapatid, maging mapagpatuloy, alalahanin ang nagdurusang mga kapananampalataya, kilalaning marangal ang pag-aasawa, at maging “kuntento na sa kasalukuyang mga bagay.” Dapat nating tularan ang pananampalataya ng mga nangunguna sa kongregasyon at tayo’y sumunod sa kanila. Isa pa, iwasan natin ang apostasya, magbata sa upasalang binatá ni Jesus, “laging naghahandog sa Diyos ng isang hain ng papuri,” at patuloy na gumagawa ng mabuti. Ang gayong asal ay kabilang sa nakahihigit na katangian ng tunay na Kristiyanismo.

[Kahon/Larawan sa pahina 24]

Sarisaring Bautismo: Ang mga katangian ng pagsamba sa tabernakulo ng Israel ay may kinalaman “lamang sa mga pagkain at pag-inom at sarisaring bautismo.” (Hebreo 9:9, 10) Ang mga bautismong ito ay mga rituwal ng paghuhugas na kahilingan ng Kautusang Mosaiko. Ang mga sisidlan na naging marumi ay kailangang hugasan, at kasali sa seremonyal na paglilinis ang paglalaba ng kasuotan at paliligo ng isang tao. (Levitico 11:32; 14:8, 9; 15:5) Ang mga saserdote ay nagsipaligo at ang mga bagay may kinalaman sa mga handog na sinusunog ay hinugasan sa tubig. (Exodo 29:4; 30:17-21; Levitico 1:13; 2 Cronica 4:6) Subalit sa “sarisaring bautismo” ay hindi kasali ang rituwal ng ‘pagbabautismo ng mga saro, pitsel, at mga sisidlang tanso’ na ginagawa ng mga ibang Judio nang dumating na ang Mesiyas; ni tumutukoy man ang Hebreo 9:10 sa paglulubog sa tubig na ginanap ni Juan Bautista o sa bautismo ng mga taong sinasagisagan ang kanilang pag-aalay sa Diyos bilang mga Kristiyano.​—Mateo 28:19, 20; Marcos 7:4; Lucas 3:3.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share