Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dakong Banal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • 3. Ang Kabanal-banalan, ang kaloob-loobang silid. Sa Levitico 16:2, tinatawag itong “dakong banal [sa Heb., haq·qoʹdhesh, “banal”] sa loob ng kurtina.” Lumilitaw na ang silid na ito ang nasa isip ni Pablo nang banggitin niya ang pagpasok ni Jesus sa langit, anupat sinabi niya na si Jesus ay hindi pumasok sa isang “dakong banal [sa Gr., haʹgi·a, “mga banal”] na ginawa ng mga kamay.” (Heb 9:24) Sa Hebreo 10:19, may binanggit si Pablo na “dakong banal” (NW) o “ang pinakabanal” (KJ) (sa literal, ang mga banal, o ang mga dakong banal, anupat ang anyong pangmaramihan nito ay nagpapahiwatig ng kadakilaan).

  • Dakong Banal
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
    • Makasagisag na Kahulugan. Ang kaayusang itinatag ng Diyos upang maipagbayad-sala ang tao sa pamamagitan ng hain ni Jesu-Kristo ay tinatawag na ang “mas dakila at lalong sakdal na tolda na hindi ginawa ng mga kamay.” Isinulat ng apostol na si Pablo na si Kristo ay pumasok “nang minsanan sa dakong banal” ng dakilang espirituwal na templong ito “at nagtamo ng walang-hanggang katubusan para sa atin.” (Heb 9:11, 12) Nang si Kristo ay magtungo sa langit at humarap kay Jehova, pumasok siya sa dakong isinasagisag ng kaloob-loobang silid ng tabernakulo, samakatuwid nga, ang Kabanal-banalan. (Heb 9:24, 25) Kung gayon ang tabernakulo at ang mga paglilingkod doon ay nagsilbing “isang makasagisag na paglalarawan at isang anino ng makalangit na mga bagay.”​—Heb 8:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share