Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Aralin 10. Lalaking nakatingin sa Bibliya habang itinuturo ito sa kaniya ng isang brother sa isang pulong ng mga Saksi ni Jehova.

      ARALIN 10

      Ano ang Maitutulong sa Iyo ng mga Pulong ng mga Saksi ni Jehova?

      Nakadalo ka na ba sa isang pulong, o pagtitipon, ng mga Saksi ni Jehova? Kung hindi pa, baka mag-alangan ka kasi unang beses ka pa lang dadalo. Baka maisip mo: ‘Ano ba ang ginagawa sa mga pulong? Bakit ito mahalaga? At bakit kailangan kong dumalo?’ Sa araling ito, alamin kung paano makakatulong ang mga pulong para mapalapít ka sa Diyos, at kung paano ka makikinabang dito.

      1. Bakit nagpupulong ang mga Saksi ni Jehova?

      Sinabi ng isang manunulat ng Bibliya ang pinakamahalagang dahilan kung bakit dapat magpulong: “Sa malaking kongregasyon, [o, “pagtitipon,” talababa] pupurihin ko si Jehova.” (Awit 26:12) Masaya ring nagtitipon ang mga Saksi ni Jehova ngayon. Sa buong mundo, linggo-linggo silang nagtitipon para purihin ang Diyos, umawit, at manalangin sa kaniya. Sa loob ng isang taon, may malalaking pagtitipon din sila.

      2. Ano ang matututuhan mo sa mga pulong?

      Itinuturo sa mga pulong ang Salita ng Diyos, at ‘ipinapaliwanag ang kahulugan nito sa simple at malinaw na paraan.’ (Basahin ang Nehemias 8:8.) Kapag dumalo ka, matututo ka tungkol kay Jehova at sa magagandang katangian niya. Habang nalalaman mo kung gaano ka niya kamahal, mas mapapalapít ka sa kaniya. Makikita mo rin kung paano ka niya matutulungan na maging masaya sa buhay.​—Isaias 48:​17, 18.

      3. Ano ang maitutulong ng pakikipagsamahan mo sa iba sa mga pulong?

      Inutusan tayo ni Jehova na “isipin natin ang isa’t isa para mapasigla natin ang bawat isa na magpakita ng pag-ibig at gumawa ng mabuti, at huwag nating pabayaan ang pagtitipon natin.” (Hebreo 10:​24, 25) Sa mga pulong, makikilala mo ang mga taong talagang mahal ang isa’t isa. At gaya mo, interesado rin silang matuto pa tungkol sa Diyos. Nakakapagpatibay at magagandang usapan mula sa Bibliya ang maririnig mo roon. (Basahin ang Roma 1:​11, 12.) Makakakilala ka ng mga tao na masaya pa rin kahit may mga problema. Ito ang ilang dahilan kung bakit gusto ni Jehova na regular tayong magtipon!

      PAG-ARALAN

      Alamin ang nangyayari sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova at kung bakit mahalagang magsikap na dumalo.

      4. Ang mga pulong ng mga Saksi ni Jehova

      Noong unang siglo, regular na nagtitipon ang mga Kristiyano para sambahin si Jehova. (Roma 16:​3-5) Basahin ang Colosas 3:16. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano sumasamba kay Jehova ang unang mga Kristiyano?

      Ngayon, regular ding nagtitipon ang mga Saksi sa kanilang lugar ng pagsamba. Para magkaideya ka sa kanilang mga pulong, panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, tingnan ang larawan ng isang kongregasyon na nagtitipon, at talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall? (2:​12)

      • Ano ang pagkakapareho ng mga ginagawa sa Kingdom Hall at ng nabasa mong teksto sa Colosas 3:16?

      • May iba ka pa bang nakita sa video o sa larawan na nagustuhan mo?

      Basahin ang 2 Corinto 9:7. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit hindi nanghihingi o nangongolekta ng pera ang mga Saksi ni Jehova sa mga pulong nila?

      Tingnan ninyo ng nagtuturo sa iyo ang mga tatalakayin sa susunod na pulong.

      • Anong bahagi ng pulong ang interesado ka o sa tingin mo ay makikinabang ka?

      Alam mo ba?

      Sa jw.org, makikita mo kung kailan at saan may mga pulong sa buong mundo.

      Mga larawan: Eksena sa Kingdom Hall bago, habang, at pagkatapos ng pulong. Makikita ang mga eksenang ito sa larawan A hanggang D. A. Lalaking Saksi na nagbibigay ng pahayag na mula sa Bibliya sa isang pulong. B. Babaeng Saksi na nagbibigay ng komento sa isang tanong-sagot na bahagi ng pulong. C. Lalaking Saksi na nakikipag-usap sa isang pamilya pagkatapos ng pulong. D. Lalaking Saksi na nagbukas ng pinto para sa isang may-edad nang lalaki na dadalo sa pulong.
      1. Sa mga pulong namin, may mga pahayag, mga video, at pagsasanay kung paano mangangaral. Sinisimulan at tinatapos ang mga pulong sa awit at panalangin

      2. Sa ilang bahagi ng pulong, puwedeng magkomento ang mga tagapakinig

      3. Welcome ang lahat​—mga pamilya, walang asawa, matatanda, at mga bata

      4. Wala kang babayaran sa mga pulong. Hindi nanghihingi o nangongolekta ng mga abuloy ang mga Saksi ni Jehova

      5. Kailangan ng pagsisikap para makadalo sa mga pulong

      Tingnan ang halimbawa ng pamilya ni Jesus. Taon-taon, pumupunta sila sa templo. Naglalakad sila nang mga 100 kilometro sa mabundok na ruta mula Nazaret papuntang Jerusalem. Basahin ang Lucas 2:​39-42. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Sa tingin mo, madali lang bang maglakbay papuntang Jerusalem?

      • Bakit kailangan mo ring magsikap para makadalo sa mga pulong?

      • Sa tingin mo, sulit kaya ito? Bakit?

      Mga larawan: Sina Jose, Maria, Jesus, at isa sa mga kapatid ni Jesus na naghahanda sa paglalakbay. 1. Si Jose na ikinakarga ang mga gamit nila sa isang asno, at si Maria na naghahanda ng mga baon nila. 2. Isang mapa na nagpapakita ng ruta mula sa Nazaret hanggang Jerusalem.

      Sinasabi ng Bibliya na napakahalagang magtipon para sumamba kay Jehova. Basahin ang Hebreo 10:​24, 25. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit kailangan tayong regular na dumalo sa mga pulong?

      MAY NAGSASABI: “Hindi mo kailangang dumalo sa mga pulong. Puwede mo namang pag-aralan ang Bibliya sa bahay mo.”

      • Anong teksto o halimbawa sa Bibliya ang nagpapakita na gusto ni Jehova na magpulong tayo?

      SUMARYO

      Tutulong sa iyo ang pagdalo sa mga pulong na matuto pa tungkol kay Jehova, mapalalim ang pakikipagkaibigan mo sa kaniya, at masamba mo siya kasama ng iba.

      Ano ang Natutuhan Mo?

      • Bakit gusto ni Jehova na magpulong o magtipon tayo?

      • Ano ang matututuhan mo kapag dumalo ka sa mga pulong ng mga Saksi ni Jehova?

      • Sa tingin mo, may iba pa bang maitutulong sa iyo ang pagdalo sa mga pulong?

      Subukan Ito

      TINGNAN DIN

      Kung nagdadalawang-isip kang dumalo sa pulong, makakatulong sa iyo ang karanasang ito ng isang lalaki.

      Hindi Namin Makakalimutan ang Pagbati (4:16)

      Tingnan kung paano na-enjoy ng isang kabataan ang pulong, at kung ano ang ginawa niya para lagi siyang makadalo.

      Gustong-gusto Ko ang mga Pulong! (4:34)

      Alamin kung ano ang nadarama ng iba tungkol sa mga pulong.

      “Bakit Magandang Dumalo sa mga Pulong sa Kingdom Hall?” (Artikulo sa jw.org/tl)

      Tingnan kung paano nagbago ang buhay ng isang dating miyembro ng gang nang dumalo siya sa pulong ng mga Saksi ni Jehova.

      “Hindi Ako Umaalis Nang Walang Baril” (Ang Bantayan, Hulyo 1, 2014)

  • Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. Nagbago ang mundo mula noong 1914

      Panoorin ang VIDEO.

      VIDEO: Nagbago ang Mundo Mula Noong 1914 (1:​10)

      Inihula ni Jesus ang mga mangyayari sa mundo kapag naging Hari na siya. Basahin ang Lucas 21:​9-11. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Alin sa mga pangyayaring ito ang nakikita mo na at nababalitaan?

      Sinabi ni apostol Pablo ang magiging ugali ng mga tao sa mga huling araw. Basahin ang 2 Timoteo 3:​1-5. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Alin sa mga ugaling ito ang nakikita mo na ngayon?

      Mga larawan: Mga pangyayari sa mundo at mga ugali ng tao sa mga huling araw. 1. Lider ng militar habang sumisigaw sa entablado at nakataas ang kamay. 2. Mga gusaling nawasak ng lindol. 3. Mga eroplano ng militar. 4. Mga taong naka-face mask habang naglalakad. 5. Ang Twin Towers sa New York na nasusunog dahil sa pag-atake ng terorista. 6. Lalaking gumagamit ng droga. 7. Asawang lalaki na sumisigaw habang sinasaktan ang asawa niya. 8. Iba’t ibang droga at alak. 9. Dalawang babae na nakasuot ng magagarbong damit at alahas habang nagse-selfie. 10. Isang DJ na nangunguna sa isang concert. 11. Mga nagra-riot na may inihahagis na Molotov cocktail.

      6. Ipakitang naniniwala ka na namamahala na ang Kaharian ng Diyos

      Basahin ang Mateo 24:​3, 14. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Anong mahalagang gawain ang nagpapakita na namamahala na ang Kaharian ng Diyos?

      • Paano ka makakatulong sa gawaing ito?

      Namamahala na ang Kaharian ng Diyos, at malapit na itong mamahala sa buong mundo. Basahin ang Hebreo 10:​24, 25. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang dapat nating gawin “habang nakikita nating papalapit na ang araw”?

      Mga larawan: 1. Isang Bible study na dumadalo sa pulong ng mga Saksi ni Jehova. 2. Nangangaral din siya sa isang kakilala niya.

      Kung may nalaman ka na puwedeng makatulong at makapagligtas sa iba, ano ang gagawin mo?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share