Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nakikita Mo ba ang “Isa na Di-nakikita”?
    Ang Bantayan—2014 | Abril 15
    • 10. (a) Ano ang itinagubilin ni Jehova sa mga Israelita noong Nisan 1513 B.C.E.? (b) Bakit sinunod ni Moises ang tagubiling iyon ng Diyos?

      10 Noong Nisan 1513 B.C.E., sinabi ni Jehova kina Moises at Aaron na tagubilinan ang mga Israelita na magpatay ng malusog na lalaking tupa o kambing at isaboy ang dugo nito sa mga hamba ng kanilang pintuan. (Ex. 12:3-7) Bagaman kakaiba ang tagubiling iyon, sumunod ba si Moises? Isinulat ni apostol Pablo tungkol kay Moises: “Sa pananampalataya ay ipinagdiwang niya ang paskuwa at ang pagsasaboy ng dugo, upang hindi galawin ng tagapuksa ang kanilang mga panganay.” (Heb. 11:28) Alam ni Moises na mapagkakatiwalaan si Jehova, at nanampalataya siya sa pangako ni Jehova na pupuksain Niya ang mga panganay na lalaki sa Ehipto.

      11. Bakit binabalaan ni Moises ang iba?

      11 Lumilitaw na nasa Midian noon ang mga anak ni Moises at malayo sa “tagapuksa.”a (Ex. 18:1-6) Pero binabalaan pa rin niya ang ibang pamilyang Israelita para hindi mapahamak ang mga panganay nilang lalaki. Buhay ang nakataya, at mahal ni Moises ang kaniyang mga kababayan. Sinasabi ng Bibliya: “Kaagad na tinawag ni Moises ang lahat ng matatandang lalaki ng Israel at sinabi sa kanila: . . . ‘Magpatay kayo ng hayop na pampaskuwa.’ ”​—Ex. 12:21.

      12. Anong mahalagang mensahe ang ipinahahatid sa atin ni Jehova?

      12 Sa tulong ng mga anghel, ang bayan ni Jehova ay naghahatid ng mahalagang mensahe: “Matakot kayo sa Diyos at magbigay sa kaniya ng kaluwalhatian, sapagkat dumating na ang oras ng paghatol niya, kaya sambahin ninyo ang Isa na gumawa ng langit at ng lupa at dagat at mga bukal ng mga tubig.” (Apoc. 14:7) Ngayon ang panahon para ihayag ang mensaheng ito. Dapat nating sabihan ang mga tao na lumabas sa Babilonyang Dakila para hindi sila “tumanggap ng bahagi ng kaniyang mga salot.” (Apoc. 18:4) Ang “ibang mga tupa” ay nakikiisa sa mga pinahirang Kristiyano sa pagsusumamo sa mga taong hiwalay sa Diyos na “makipagkasundo” sa kaniya.​—Juan 10:16; 2 Cor. 5:20.

      Isang Saksi ni Jehova na naghahandang mangaral, at parang nakikita niya ang mga anghel na pumipigil sa mapamuksang hangin

      Mapasisidhi ng pananampalataya sa mga pangako ni Jehova ang pagnanais mong ibahagi ang mabuting balita (Tingnan ang parapo 13)

      13. Paano sisidhi ang pagnanais nating ibahagi ang mabuting balita?

      13 Kumbinsido tayo na dumating na “ang oras ng paghatol.” Nananampalataya rin tayo na talagang apurahan ang gawaing pangangaral at paggawa ng alagad gaya ng sabi ni Jehova. Sa isang pangitain, “nakakita [si apostol Juan] ng apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na hinahawakang mahigpit ang apat na hangin ng lupa.” (Apoc. 7:1) Nakikita mo ba ang mga anghel na iyon na nakahanda nang pakawalan ang mapamuksang hangin ng malaking kapighatian? Patuloy na manampalataya sa mga pangako ni Jehova para sumidhi ang pagnanais mong ibahagi ang mabuting balita.

  • Nakikita Mo ba ang “Isa na Di-nakikita”?
    Ang Bantayan—2014 | Abril 15
    • a Maliwanag na nagsugo si Jehova ng mga anghel para ilapat ang hatol sa mga Ehipsiyo.​—Awit 78:49-51.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share