Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Sanlibutan ay Hindi Karapat-dapat sa Kanila
    Ang Bantayan—1987 | Enero 15
    • 7. (a) Sino “sa pamamagitan ng pananampalataya ang nagsilupig ng mga kaharian sa pagbabaka”? (b) Sino ang “nagsigawa ng katuwiran” sa pamamagitan ng pananampalataya?

      7 Sa pananampalataya ay napagtatagumpayan natin ang bawat pagsubok ng ating katapatan at maisasagawa natin ang anumang kasuwato ng banal na kalooban. (Basahin ang Hebreo 11:33, 34.) Sa pagbanggit sa iba pang mga gawa ng pananampalataya, maliwanag na ang nasa isip ni Pablo ay mga Hebreong hukom, mga hari, at mga propeta, sapagkat kababanggit lamang niya ng gayong mga tao. “Sa pamamagitan ng pananampalataya” ang mga hukom na gaya nina Gideon at Jepte ay “nagsilupig ng mga kaharian sa pagbabaka.” Gayundin si Haring David, na sumupil sa mga Filisteo, Moabita, Siryano, Edomita, at mga iba pa. (2 Samuel 8:1-14) Gayundin sa pamamagitan ng pananampalataya, ang matuwid na mga hukom ay “nagsigawa ng katuwiran,” at dahil sa matuwid na payo ni Samuel at mga iba pang propeta ang mga iba ay naudyukan na umiwas o umalis sa gawang masama.​—1 Samuel 12:20-25; Isaias 1:10-20.

  • Ang Sanlibutan ay Hindi Karapat-dapat sa Kanila
    Ang Bantayan—1987 | Enero 15
    • 10. Sino ang “nagsipatay ng bisa ng apoy” sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang nakakatulad na pananampalataya ay nagpapangyari na gawin natin ang ano?

      10 Ang tagapag-ingat-katapatang mga Hebreong kasamahan ni Daniel na sina Shadrach, Meshach, at Abednego ay sa katunayan “nagsipatay ng bisa ng apoy.” Nang sila’y mapasapanganib ng kamatayan sa isang sukdulang-init na hurno, kanilang sinabi kay Haring Nabukodonosor na, sa iligtas man sila o hindi ng kanilang Diyos, sila’y hindi maglilingkod sa mga diyos ng hari ng Babilonya o sasamba sa imahen na kaniyang itinayo. Hindi naman pinatay ni Jehova ang apoy sa hurnong iyon, ngunit kaniyang tiniyak na hindi makapipinsala iyon sa tatlong Hebreo. (Daniel 3:1-30) Nakakatulad na pananampalataya ang nagpapangyari na tayo’y makapanatiling tapat sa Diyos hanggang sa sukdulan ng posibleng kamatayan buhat sa mga kamay ng kaaway.​—Apocalipsis 2:10.

      11. (a) Sa pamamagitan ng pananampalataya, sino ang “nakatanan sa talim ng tabak”? (b) Sino ang mga “pinalakas” sa pamamagitan ng pananampalataya? (c) Sino ang “naging magigiting sa digmaan” at “nagpaurong ng mga hukbong tagaibang bayan”?

      11 Si David ay “nakatanan sa talim ng tabak” ng mga tauhan ni Haring Saul. (1 Samuel 19:9-17) Ang mga propetang si Elias at si Eliseo ay nakaligtas din sa kamatayan sa tabak. (1 Hari 19:1-3; 2 Hari 6:11-23) Subalit sino yaong ‘nagsilakas sa kahinaan sa pamamagitan ng pananampalataya’? Bueno, ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga tauhan ay itinuring ni Gideon na lubhang mahina upang makapagligtas sa Israel buhat sa mga Midianita. Subalit siya’y “pinalakas” ng Diyos, na nagbigay sa kaniya ng tagumpay​—sa tulong ng 300 mga lalaki lamang! (Hukom 6:14-16; 7:2-7, 22) “Buhat sa mahinang kalagayan” nang putulin ang kaniyang buhok, si Samson ay “pinalakas” ni Jehova at kaniyang pinatay ang maraming Filisteo. (Hukom 16:19-21, 28-30; ihambing ang Hukom 15:13-19.) Marahil ay naisip din ni Pablo si Haring Hezekias bilang isa na “pinalakas” buhat sa mahinang kalagayan ng kaniyang hukbo at maging ng katawan man niya. (Isaias 37:1–38:22) Kabilang sa mga lingkod ng Diyos na “naging magigiting sa digmaan” ay si Hukom Jepte at si Haring David. (Hukom 11:32, 33; 2 Samuel 22:1, 2, 30-38) At sa mga “nagpaurong ng mga hukbong tagaibang-bayan” ay kasali si Hukom Barak. (Hukom 4:14-16) Lahat ng mga dakilang gawang ito ay dapat kumumbinsi sa atin na sa pananampalataya ay mapagtatagumpayan natin ang bawat pagsubok sa ating katapatan at magagawa natin ang anuman na naaayon sa kalooban ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share