Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patibayin ang Iyong Pananampalataya sa mga Bagay na Inaasahan Mo
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Oktubre
    • 10. Magbigay ng ilang halimbawa ng mga lingkod ng Diyos na hindi nakipagkompromiso ng kanilang katapatan. Ano ang nagbigay sa kanila ng lakas na gawin iyon?

      10 Sa Hebreo kabanata 11, inilarawan ni apostol Pablo ang mga pagsubok na binatá ng maraming lingkod ng Diyos na di-binanggit ang pangalan. Halimbawa, binanggit ng apostol ang mga babae na namatayan ng mga anak pero tinanggap ang mga ito sa pamamagitan ng pagkabuhay-muli. Binanggit din niya ang iba na “ayaw . . . tumanggap ng paglaya sa pamamagitan ng anumang pantubos, upang sila ay makapagkamit ng mas mabuting pagkabuhay-muli.” (Heb. 11:35) Hindi natin tiyak kung sino ang tinutukoy ni Pablo, pero may ilan, gaya nina Nabot at Zacarias, na binato hanggang sa mamatay dahil sa pagsunod sa Diyos at paggawa ng Kaniyang kalooban. (1 Hari 21:3, 15; 2 Cro. 24:20, 21) Maaari sanang “tumanggap ng paglaya” si Daniel at ang kaniyang mga kasama kung ikinompromiso nila ang kanilang katapatan. Sa halip, dahil sa kanilang pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, nagawa nilang ‘itikom ang mga bibig ng mga leon,’ at ‘patigilin ang puwersa ng apoy.’—Heb. 11:33, 34; Dan. 3:16-18, 20, 28; 6:13, 16, 21-23.

  • Patibayin ang Iyong Pananampalataya sa mga Bagay na Inaasahan Mo
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2016 | Oktubre
    • 12. Sino ang pinakamahusay na halimbawa ng pagbabata ng mga pagsubok, at ano ang nakatulong sa kaniya na magawa iyon?

      12 Matapos ilarawan ni Pablo ang mga lalaki at babae na may pananampalataya, itinampok naman niya ang pinakamahusay na halimbawa sa lahat—ang ating Panginoong Jesu-Kristo. “Dahil sa kagalakang inilagay sa harap niya,” ayon sa Hebreo 12:2, “nagbata siya ng pahirapang tulos, na hinahamak ang kahihiyan, at umupo sa kanan ng trono ng Diyos.” Dapat talaga nating “maingat [na] pag-isipan” ang halimbawa ng pananampalataya ni Jesus sa harap ng pinakamatitinding pagsubok. (Basahin ang Hebreo 12:3.) Tulad ni Jesus, hindi ikinompromiso ng mga sinaunang Kristiyanong martir na gaya ng alagad na si Antipas ang kanilang katapatan. (Apoc. 2:13) Gagantimpalaan sila ng pagkabuhay-muli sa langit—na nakahihigit sa “mas mabuting pagkabuhay-muli” na inasam ng sinaunang mga lingkod ng Diyos. (Heb. 11:35) Ilang panahon matapos isilang ang Kaharian noong 1914, ang lahat ng tapat na pinahiran, na natutulog sa kamatayan, ay binuhay-muli sa langit bilang mga espiritu para makasama ni Jesus na mamahala sa sangkatauhan.—Apoc. 20:4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share