Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • ijwbq artikulo 166
  • Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?
  • Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang sagot ng Bibliya
  • Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pera?
  • Bakit nagbababala ang Bibliya tungkol sa pag-ibig sa pera?
  • Paano tayo makikinabang sa payo ng Bibliya tungkol sa pera?
  • Pera
    Gumising!—2014
  • Balanseng Pananaw sa Pera
    Gumising!—2015
  • Ano ang Tamang Pangmalas sa Pera?
    Gumising!—2007
  • Paano Ka Magkakaroon ng Timbang na Pangmalas sa Salapi?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2001
Iba Pa
Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
ijwbq artikulo 166
Taong kumukuha ng maraming pera.

Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?

Ang sagot ng Bibliya

Hindi. Walang sinasabi ang Bibliya na masama ang pera, o tinukoy man itong ugat ng lahat ng masasamang bagay. Nakakalito at hindi kumpleto ang pagsipi sa Bibliya sa mga pananalitang “pera ang ugat ng lahat ng kasamaan.” Ang aktuwal na sinasabi ng Bibliya ay “ang pag-ibig sa salapi [o, pera] ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan.”a—1 Timoteo 6:10, Ang Biblia—Bagong Salin sa Pilipino, amin ang italiko.

  • Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pera?

  • Bakit nagbababala ang Bibliya tungkol sa pag-ibig sa pera?

  • Paano tayo makikinabang sa payo ng Bibliya tungkol sa pera?

  • Mga teksto sa Bibliya tungkol sa pera

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pera?

Sinasabi ng Bibliya na kapag ginamit nang tama ang pera, ito ay kapaki-pakinabang, at puwedeng maging “proteksiyon.” (Eclesiastes 7:12) Pinupuri din ng Bibliya ang mga bukas-palad, kasama na ang pagbibigay ng pera bilang regalo.​—Kawikaan 11:25.

Pero binababalaan ng Bibliya ang mga taong inuuna sa kanilang buhay ang pagkakamal ng pera. Sinabi nito: “Huwag nawang makita sa pamumuhay ninyo ang pag-ibig sa pera, at maging kontento na kayo sa mga bagay na mayroon kayo.” (Hebreo 13:5) Itinuturo nito na dapat gamitin nang tama ang pera at huwag magkamal ng kayamanan. Sa halip, dapat tayong maging kontento sa mga bagay na talagang kailangan natin, gaya ng pagkain, damit, at tirahan.​—1 Timoteo 6:8.

Bakit nagbababala ang Bibliya tungkol sa pag-ibig sa pera?

Hindi magmamana ng buhay na walang hanggan ang mga taong sakim. (Efeso 5:5) Isa pa, ang kasakiman ay isang uri ng idolatriya, o huwad na pagsamba. (Colosas 3:5) At dahil sa pagsisikap nilang makuha ang gusto nila, wala na silang pakialam sa mga tamang prinsipyo sa buhay. Ang mga “nagmamadaling yumaman ay hindi mananatiling walang-sala” ang sabi ng Kawikaan 28:20. Baka matukso pa nga silang gumawa ng krimen, gaya ng pamba-blackmail, pangingikil, pandaraya, pangingidnap, o pagpatay.

Hindi man mauwi sa masamang paggawi ang pag-ibig sa pera, mayroon pa rin itong masamang resulta. Sinasabi ng Bibliya na “ang mga determinadong yumaman ay nahuhulog sa tukso at sa bitag at sa maraming walang-saysay at nakapipinsalang pagnanasa.”​—1 Timoteo 6:9.

Paano tayo makikinabang sa payo ng Bibliya tungkol sa pera?

Kung hindi natin ipagpapalit ang paggawa ng tama at mga bagay na gusto ng Diyos para lang sa pera, magkakaroon tayo ng paggalang sa sarili at makukuha natin ang pagsang-ayon at suporta ng Diyos. Nangangako ang Diyos sa mga gustong-gustong sumunod sa kaniya: “Hinding-hindi kita iiwan, at hinding-hindi kita pababayaan.” (Hebreo 13:5, 6) Tinitiyak din niya sa atin na “ang taong tapat ay tatanggap ng maraming pagpapala.”​—Kawikaan 28:20.

Mga Teksto sa Bibliya Tungkol sa Pera

Eclesiastes 7:12: “Ang pera ay proteksiyon.”

Ibig sabihin: Kapag ginamit nang tama, ang pera ay puwedeng maging kapaki-pakinabang dahil nakakadagdag ito sa kapanatagan.

Lucas 12:15: “Kahit sagana ang isang tao, ang mga ari-arian niya ay hindi makapagbibigay sa kaniya ng buhay.”

Ibig sabihin: Hindi pera ang pinakamahalagang bagay sa buhay, at hindi ito ang kailangan para maligtas.

1 Timoteo 6:10: “Ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang bagay, at dahil sa pagpapadala sa pag-ibig na ito, ang ilan ay nailihis sa pananampalataya at dumanas ng maraming kirot.”

Ibig sabihin: Hindi mali ang magkaroon ng pera. Pero ang mga taong umiibig sa pera—na ginagawa itong pinakamahalaga sa buhay—ay maraming problema, gaya ng pagkawasak ng pamilya at mahinang kalusugan dahil sa sobrang pagtatrabaho.

Hebreo 13:5: “Huwag nawang makita sa pamumuhay ninyo ang pag-ibig sa pera, at maging kontento na kayo sa mga bagay na mayroon kayo.”

Ibig sabihin: Imbes na gawin ang lahat para yumaman, matalino tayo kung magiging kontento tayo sa mga bagay na talagang kailangan lang natin.

Mateo 19:24: “Mas madali pang makakapasok ang isang kamelyo sa butas ng karayom kaysa makapasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.”

Ibig sabihin: Inalok ni Jesus ang isang mayaman para maging tagasunod niya. Tinanggihan ito ng mayaman dahil hindi niya maiwan ang kaniyang kayamanan. Kaya nagbigay ng babala si Jesus. Ang taong inuuna sa buhay ang kayamanan imbes na ang Diyos ay mawawalan ng pagkakataong mabuhay magpakailanman.

a Ganito ang ibang salin sa tekstong ito: “Ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng nakapipinsalang bagay.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share