Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Trabaho at Pera
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Ano ang balanseng pananaw sa pera?

      Sinasabi ng Bibliya na “ang pera ay proteksiyon,” pero sinasabi rin nito na hindi lang ito ang kailangan ng tao para maging tunay na masaya. (Eclesiastes 7:12) Kaya sinasabi ng Bibliya na huwag nating ibigin ang pera, kundi ‘maging kontento sa mga bagay na mayroon tayo.’ (Basahin ang Hebreo 13:5.) Kung kontento tayo sa mga bagay na mayroon tayo, hindi natin hahangarin ang mga bagay na wala tayo. Kaya hindi tayo mangungutang nang hindi naman kailangan. (Kawikaan 22:7) At makakaiwas tayo sa panganib ng pagsusugal at sa mga alok na nagsasabing mabilis tayong yayaman.

  • Ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Trabaho at Pera
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 5. Makikinabang tayo kung kontento tayo

      Maraming tao ang gustong kumita nang kumita ng pera. Pero hindi iyan ang ipinapayo ng Bibliya. Basahin ang 1 Timoteo 6:​6-8. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang payo sa atin ng Bibliya?

      Kahit kaunti lang ang pag-aari natin, puwede pa rin tayong maging masaya. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: ‘Makontento sa mga Bagay sa Kasalukuyan’ (3:​20)

      • Kahit mahirap ang buhay, bakit masaya pa rin ang mga pamilya sa video?

      Paano kung marami na tayong pag-aari pero hindi pa rin tayo nakokontento? Tingnan kung bakit ito mapanganib ayon sa isang ilustrasyon ni Jesus. Basahin ang Lucas 12:​15-21. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang matututuhan mo sa ilustrasyong ito ni Jesus?​—Tingnan ang talata 15.

      Basahin at ikumpara ang Kawikaan 10:22 at 1 Timoteo 6:10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Sa tingin mo, ano ang mas mahalaga? Ang kaugnayan mo kay Jehova o ang pagkakaroon ng maraming pera? Bakit?

      • Ano ang puwedeng maging problema kapag lagi nating gustong magkapera?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share