Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maghandog ng mga Hain na Nakalulugod kay Jehova
    Ang Bantayan—1989 | Disyembre 15
    • 8. Ano ang pakahulugan mo sa mga salita ni Pablo sa Hebreo 13:9?

      8 Ang di-nagbabagong personalidad at mga turo ni Jesus ay dapat magtulak sa atin na manghawakan sa itinuro niya at ng kaniyang mga apostol. Sa mga Hebreo ay sinabi: “Huwag kayong padadala sa sarisari at naiibang mga turo; sapagkat mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na awa, hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di-pinakikinabangan ng mga nag-aabala rito.”​—Hebreo 13:9.

  • Maghandog ng mga Hain na Nakalulugod kay Jehova
    Ang Bantayan—1989 | Disyembre 15
    • 10. Sang-ayon sa Hebreo 13:9, ano ang nagpapatibay sa puso?

      10 Samakatuwid ang mga Hebreo ay kailangang umiwas at huwag padala sa “sarisari at naiibang mga turo” ng mga nasa Judaismo. (Galacia 5:1-6) Hindi sa pamamagitan ng gayong mga turo kundi ‘sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na awa mapatitibay ang puso’ upang manatiling matatag sa katotohanan. Ang iba marahil ay nangangatuwiran tungkol sa mga pagkain at mga hain, sapagkat sinabi ni Pablo na ang puso ay hindi napatibay “sa pamamagitan ng mga pagkain, na di-pinakikinabangan ng mga nag-aabala rito.” Ang espirituwal na mga pakinabang ay bunga ng maka-Diyos na debosyon at pagpapahalaga sa pantubos, hindi sa walang-katuwirang pagkabahala tungkol sa pagkain ng mga ilang pagkain at pangingilin sa pantanging mga araw. (Roma 14:5-9) Isa pa, dahil sa inihandog na hain ni Kristo, ang mga paghahain na ginagawa ng mga Levita ay nawalang-bisa.​—Hebreo 9:9-14; 10:5-10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share