Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lff aralin 48
  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo
  • Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • PAG-ARALAN
  • SUMARYO
  • TINGNAN DIN
  • Paano Tayo Makapipili ng Mabubuting Kaibigan?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2011
  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Pumili ng mga Kaibigang Nagmamahal sa Diyos
    Kung Paano Mananatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Tunay na Pagkakaibigan sa Daigdig na Salat sa Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
lff aralin 48
Aralin 48. Apat na magkakaibigan na nagse-selfie.

ARALIN 48

Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo

Printed Edition
Printed Edition
Printed Edition

Masaya tayo kapag may malalapít tayong kaibigan. At kapag may problema, matutulungan nila tayo. Pero may babala ang Bibliya: Hindi lahat ay mabubuting kaibigan. Kaya paano ka makakapili ng mabubuting kaibigan? Pag-isipan ang mga tanong na ito.

1. Paano makakaimpluwensiya sa iyo ang mga kaibigan mo?

Puwede nating magaya ang mga tao na lagi nating kasama​—mabuting impluwensiya man sila o masama. At totoo ito kapag personal natin silang kasama o kahit sa social media. Sinasabi ng Bibliya: “Ang lumalakad na kasama ng marurunong ay magiging marunong, pero ang sumasama sa mga mangmang [ang mga hindi umiibig kay Jehova] ay mapapahamak.” (Kawikaan 13:20) Kung mahal at sinasamba ng mga kaibigan natin si Jehova, matutulungan nila tayo na maging malapít sa kaniya at makapagdesisyon nang tama. Pero kung hindi sumasamba kay Jehova ang mga kaibigan natin, puwede nila tayong mailayo sa kaniya. Kaya pinapayuhan tayo ng Bibliya na piliing mabuti ang mga kaibigan natin. Kapag mahal ng mga kaibigan natin si Jehova, makikinabang tayo pati na rin sila. Magagawa nating “patuloy [na] pasiglahin ang isa’t isa at patibayin ang isa’t isa.”​—1 Tesalonica 5:11.

2. Ano ang nararamdaman ni Jehova sa mga pinipili nating kaibigan?

Pinipiling mabuti ni Jehova ang mga kaibigan niya. “Ang matuwid ay matalik niyang kaibigan.” (Kawikaan 3:32) Ano kaya ang mararamdaman ni Jehova kung pipili tayo ng mga kaibigan na hindi nagmamahal sa kaniya? Siguradong malulungkot siya! (Basahin ang Santiago 4:4.) Pero kung iiwasan natin ang masasamang kasama at lalapit tayo kay Jehova pati na sa mga nagmamahal sa kaniya, matutuwa siya sa atin at kakaibiganin niya tayo.​—Awit 15:​1-4.

PAG-ARALAN

Tingnan kung bakit mahalaga na pumili ng mga kaibigan at kung paano ka matutulungan ng mga kaibigan mo.

3. Iwasan ang masasamang kasama

Ang mga taong hindi nagmamahal sa Diyos at hindi sumusunod sa mga pamantayan niya ay masasamang kasama. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

VIDEO: Iwasan ang Masamang Kasama (6:​17)

  • Baka hindi natin namamalayan na nakikisama na tayo sa mga taong hindi nagmamahal kay Jehova. Paano ito puwedeng mangyari?

Basahin ang 1 Corinto 15:33. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Sino sa tingin mo ang masasamang kasama? Bakit?

Basahin ang Awit 119:63. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang dapat mong hanapin sa isang kaibigan?

Isang mangkok na punô ng mansanas. Isang bulok na mansanas na nilalangaw kaya nabubulok na rin ang ibang mansanas.

Puwedeng masira ng isang bulok na mansanas ang iba pang mansanas. Paano ka naman maiimpluwensiyahan ng masasamang kasama?

4. Puwede nating maging kaibigan kahit ang mga hindi natin kapareho

Mababasa sa Bibliya ang pagkakaibigan ng dalawang lalaki sa sinaunang Israel na sina David at Jonatan. Hindi sila magkaedad at magkaiba sila ng kalagayan sa buhay. Pero matibay ang pagkakaibigan nila. Basahin ang 1 Samuel 18:1. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Bakit hindi lang mga kaedaran natin o kapareho ng kalagayan natin sa buhay ang puwede nating maging kaibigan?

Basahin ang Roma 1:​11, 12. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Ano ang puwedeng gawin ng magkakaibigang mahal si Jehova para mapatibay nila ang isa’t isa?

Tingnan kung paano nakahanap ng mabuting kaibigan ang isang kabataan. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

VIDEO: Darating ang Kaibigan Nang Hindi Mo Inaasahan (5:​06)

  • Bakit nag-aalala ang mga magulang ni Akil sa mga pinili niyang kaibigan sa school?

  • Bakit gusto niya silang kaibiganin noong una?

  • Paano nawala ang kalungkutan niya?

5. Kung paano ka magkakaroon ng mabubuting kaibigan

Tingnan kung paano ka makakahanap ng tunay na kaibigan at kung paano ka magiging isang tunay na kaibigan. Panoorin ang VIDEO.

VIDEO: Ano ang Tunay na Kaibigan? (4:​14)

Eksena mula sa video na ‘Ano ang Tunay na Kaibigan?’ Isang kabataang kasama ng mga kaibigan niya na iba-iba ang edad, lahi, at kakayahan.

Basahin ang Kawikaan 18:24 at 27:17. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

  • Paano nagtutulungan ang mga tunay na magkakaibigan?

  • Mayroon ka bang ganiyang mga kaibigan? Kung wala, paano ka makakahanap nito?

Basahin ang Filipos 2:4. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

  • Para makahanap ng mga tunay na kaibigan, kailangan mong maging isang tunay na kaibigan. Paano?

Mga larawan: Kabataang babae na nakaupong kasama ng tatlong malalapít niyang kaibigan. 1. Kinausap niya ang isa sa kanila sa telepono. 2. Kinausap niya ang isang may-edad nang sister sa Kingdom Hall. 3. Binisita niya ang isa sa kanila na nagdadalamhati.

Para makahanap ng mga tunay na kaibigan, kailangan mong maging isang tunay na kaibigan

MAY NAGSASABI: “Kung masyado kang mapili sa kaibigan, hindi ka magkakaroon ng kaibigan.”

  • Ano ang sasabihin mo?

SUMARYO

Kapag pinili nating mabuti ang mga kaibigan natin, mapapasaya natin si Jehova at makikinabang tayo.

Ano ang Natutuhan Mo?

  • Bakit mahalaga kay Jehova ang mga pinipili nating kaibigan?

  • Anong mga kaibigan ang dapat nating iwasan?

  • Paano ka magkakaroon ng mabubuting kaibigan?

Subukan Ito

TINGNAN DIN

Tingnan kung paano tayo matutulungan ng mga tunay na kaibigan sa mahihirap na sitwasyon.

“Patibayin ang Pagkakaibigan Bago Dumating ang Wakas” (Ang Bantayan, Nobyembre 2019)

Alamin ang mga puwede mong gawin para makahanap ng mga tunay na kaibigan.

“Paano Ako Magkakaroon ng Mabubuting Kaibigan?” (Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1, kabanata 8)

Ano ang dapat mong malaman tungkol sa pakikipagkaibigan online?

Maging Matalino sa Paggamit ng Social Network (4:​12)

Sa kuwentong “Naghahanap Ako ng Kalinga ng Isang Ama,” alamin kung bakit iniwan ng isang lalaki ang dati niyang mga kaibigan.

“Binago ng Bibliya ang Kanilang Buhay” (Ang Bantayan, Abril 1, 2012)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share