Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • wp21 Blg. 3 p. 9-11
  • Sapat Na Ba ang Pagiging Mabuting Tao?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sapat Na Ba ang Pagiging Mabuting Tao?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • ANG TURONG SINUSUNOD NG MARAMI
  • ANO ANG MGA RESULTA?
  • Gusto ng Lahat na Magkaroon ng Magandang Kinabukasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Kung Paano Ka Magkakaroon ng Magandang Kinabukasan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • Introduksiyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
  • “Ang Maaamo ang Magmamay-ari ng Lupa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2018
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2021
wp21 Blg. 3 p. 9-11
Isang babaeng iniaalok ang upuan niya sa isang may-edad nang babae sa bus.

Sapat Na Ba ang Pagiging Mabuting Tao?

Sa loob ng maraming taon, iniisip ng marami na magkakaroon sila ng magandang kinabukasan kung magiging mabuting tao sila. Halimbawa, naniniwala ang mga taga-Silangan sa sinabi ng pilosopong si Confucius (551-479 B.C.E.): “Kung ano ang ayaw mong gawin sa iyo, huwag mong gawin sa iba.”a

ANG TURONG SINUSUNOD NG MARAMI

Naniniwala pa rin ang marami na kung mabuting tao ka, magiging maganda ang kinabukasan mo. Kaya naman sinisikap nilang maging magalang, magpakita ng magandang asal, magkaroon ng malinis na konsensiya, at gampanan ang papel nila sa lipunan. “Naniniwala ako na kung tapat ako,” ang sabi ng babaeng si Linh, na taga-Vietnam, “magiging maganda ang buhay ko.”

Ang babae ring iyon na nagbibigay ng pagkain sa mahihirap at walang bahay.

Gumagawa naman ng mabuti ang iba kasi iyon ang itinuturo ng relihiyon nila. Sinabi ng lalaking si Hsu-Yun, na taga-Taiwan: “Itinuro sa amin na kung mabuti ang ginagawa mo habang buháy ka pa, magiging masaya ka sa kabilang buhay. Pero kung masama ang ginagawa mo, papahirapan ka naman pagkamatay mo.”

ANO ANG MGA RESULTA?

Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng babae, malungkot siya at pagod na pagod habang karga ang kaniyang batang anak na lalaki.

Maraming pakinabang kapag gumagawa tayo ng mabuti sa iba. Pero nakita ng marami na hindi naman laging maganda ang nagiging resulta kahit gumawa ka ng mabuti. “Naranasan ko mismo na hindi ka naman laging pinagpapala kahit gumagawa ka ng mabuti,” ang sabi ni Shiu Ping, isang babaeng taga-Hong Kong. “Inalagaan kong mabuti ang pamilya ko at naging mabuting tao ako. Pero iniwan pa rin kaming mag-ina ng asawa ko.”

Nakita rin ng marami na hindi laging nakakatulong ang relihiyon para maging mabuti ang mga tao. “Umanib ako sa isang relihiyon at ako ang nag-oorganisa sa gawain ng mga kabataan,” ang sabi ni Etsuko, isang babaeng taga-Japan. “Nagulat ako nang makita ko na ang baba ng moral ng ilang karelihiyon ko, nag-aagawan sila sa posisyon, at ginagamit nila ang pondo ng simbahan sa maling paraan.”

“Inalagaan kong mabuti ang pamilya ko at naging mabuting tao ako. Pero iniwan pa rin kaming mag-ina ng asawa ko.”​—SHIU PING, HONG KONG

Nadismaya rin ang ilang deboto nang hindi nasuklian ang ginawa nilang kabutihan. Ganiyan ang naranasan ni Van, isang babaeng taga-Vietnam. “Araw-araw akong bumibili ng prutas, bulaklak, at pagkain para ialay sa altar ng mga namatay kong ninuno para pagpalain ako,” ang sabi niya. “Pero kahit maraming taon ko na itong ginagawa, nagkasakit pa rin nang malubha ang asawa ko. ’Tapos, namatay naman ang anak ko kahit bata pa siya habang nag-aaral sa ibang bansa.”

KUNG BAKIT HINDI SAPAT ANG PAGIGING MABUTING TAO

Tama lang na sikapin nating maging isang mabuting tao, pero hindi ito garantiya na magkakaroon ka ng magandang kinabukasan. Bakit? Pansinin ang sinasabi ng Banal na Kasulatan.

HINDI LAHAT AY GUMAGAWA NG MABUTI

“Kayang sirain ng isang makasalanan ang napakaraming mabubuting bagay.”​—ECLESIASTES 9:18.

Kahit gawin mo pa ang lahat para maging mabuting tao, puwede ka pa ring mapahamak dahil sa maling ginagawa ng iba. Halimbawa, kapag may pandemic, baka sinusunod mo nga ang sinasabi ng mga nasa awtoridad, kasama na ang physical distancing. Pero paano ang mga ayaw sumunod? Hindi ba’t puwede kang mapahamak pati na ang iba dahil sa kanila?

HINDI LAGING ALAM NG TAO KUNG ANO ANG MABUTI O MASAMA

“May daan na matuwid sa tingin ng isang tao, pero kamatayan ang dulo nito.”​—KAWIKAAN 14:12.

Gaya ng naranasan ng marami, akala nila, tama ang ginagawa nila. Pero nalaman nila sa bandang huli na mali pala iyon. Kahit na mabuti naman ang intensiyon ng isa, hindi niya maiiwasan ang masasamang resulta ng maling mga desisyong ginawa niya.

WALANG KASIGURUHAN ANG BUHAY

“Hindi ninyo alam ang magiging buhay ninyo bukas.”​—SANTIAGO 4:14.

Kahit gaano pa kabuti ang isang tao, puwede siyang mamatay anumang oras. Gaya na lang sa panahon ng COVID-19 pandemic, maraming boluntaryo ang namatay sa pagtulong sa iba. Tingnan din ang karanasan ni Liting, isang babaeng taga-China. Namatay ang tatay niya sa isang aksidente sa sasakyan. Sinabi niya: “Hindi ko maintindihan kung bakit namatay ang tatay ko. Ang bait-bait pa naman niya. Masipag siya, marunong makisama, at tapat. Siya lang ang namatay sa aksidente.”

Kung ang pagiging mabuting tao ay hindi garantiya na magkakaroon tayo ng magandang kinabukasan, ano? Para malaman ang sagot, kailangan natin ng maaasahang gabay na makakasagot sa mga tanong natin at makakapagsabi kung paano tayo magkakaroon ng magandang kinabukasan. Saan natin ito makikita?

a Para sa pagtalakay kung paano nakaimpluwensiya ang mga turo ni Confucius, tingnan ang kabanata 7, parapo 31-35, ng aklat na Ang Paghahanap ng Tao sa Diyos, na inilathala ng mga Saksi ni Jehova at available sa www.jw.org/tl.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share