Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 3/15 p. 30
  • Manatiling Matibay sa Pananampalataya!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Manatiling Matibay sa Pananampalataya!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Asal na Nakasalig sa Maka-Diyos na mga Simulain
  • Mga Pagpapala ang Dulot ng Pagtitiis
  • Kagayakan
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Aklat ng Bibliya Bilang 60—1 Pedro
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
  • Masama Bang Magpaganda ang Kababaihan?
    Gumising!—2005
  • Manghawakan Tayong Mahigpit sa Ating Mahalagang Pananampalataya!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1997
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 3/15 p. 30

Manatiling Matibay sa Pananampalataya!

Mga Tampok Mula sa Unang Pedro

ANG mga Saksi ni Jehova ay nakaharap sa iba’t ibang pagtukso, o mga pagsubok sa kanilang pananampalataya. Sa ilang bansa, ang kanilang gawaing pangangaral ng Kaharian ay isinasagawa sa gitna ng malaking pag-uusig. Ang nasa likod nito at ng iba pang pagsisikap na sirain ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay si Satanas na Diyablo. Ngunit hindi siya magtatagumpay, sapagkat pinatitibay ni Jehova ang kaniyang mga lingkod​—oo, matibay sa pananampalataya.

Si apostol Pedro ay nagkapribilehiyo na ‘palakasin ang kaniyang mga kapatid’ na noo’y “pinalumbay ng muli’t muling pagsubok.” (Lucas 22:32; 1 Pedro 1:6, 7) Kaniyang ginawa iyan sa kaniyang unang liham, isinulat mga 62-64 C.E. buhat sa Babilonya. Doon si Pedro ay nagpayo, nang-aliw, at pinatibay-loob ang mga Kristiyanong Judio at Gentil, tinulungan sila na daigin ang mga pagsalakay ni Satanas at manatiling “matibay sa pananampalataya.” (1 Pedro 1:1, 2; 5:8, 9) Ngayon na maikli na ang panahon ng Diyablo at totoong napakatindi ng kaniyang mga pagsalakay, tiyak na ang bayan ni Jehova ay makikinabang sa kinasihang mga salita ni Pedro.

Asal na Nakasalig sa Maka-Diyos na mga Simulain

Ang atin mang pag-asa ay makalangit o makalupa, ito’y dapat tumulong sa atin na magtiis ng mga pagsubok at kumilos sa isang paraang maka-Diyos. (1:1–​2:12) Ang pag-asang makamit ang makalangit na mana ay nagbibigay sa mga pinahiran ng kagalakan sa harap ng mga pagsubok, na ang totoo’y nagpapadalisay sa kanilang pananampalataya. Bilang isang espirituwal na bahay na si Kristo ang pundasyon, sila’y naghahandog ng espirituwal na mga hain na nakalulugod sa Diyos at sila’y namumuhay sa paraan na nagbibigay sa Kaniya ng kaluwalhatian.

Ang ating pakikitungo sa lahat ng ating mga kapuwa-tao ay dapat ugitan ng maka-Diyos na mga simulain. (2:13–​3:12) Ipinakita ni Pedro na tayo’y dapat pasakop sa mga taong namiminuno. Ang mga utusan sa bahay ay kailangang pasakop sa kani-kanilang panginoon, at ang mga babae ay sa kani-kanilang asawa. Ang maka-Diyos na asal ng isang babaing Kristiyano ay maaaring makatulong upang ang kaniyang di-sumasampalatayang asawa ay mahikayat sa tunay na pananampalataya. At ang isang sumasampalatayang lalaki ay dapat ‘makitungo sa kaniyang asawa sa marangal na paraan na gaya ng sa isang marupok na sisidlan.’ Lahat ng Kristiyano ay dapat makiramay sa damdamin ng kapuwa, magpakita ng pagmamahal-kapatid, gawin ang mabuti, at magtaguyod ng kapayapaan.

Mga Pagpapala ang Dulot ng Pagtitiis

Ang tapat na pagtitiis ng kahirapan ng mga tunay na Kristiyano ay magbubunga ng mga pagpapala. (3:13–​4:19) Kung tayo’y nagtitiis alang-alang sa katuwiran, tayo’y dapat maging maligaya. Isa pa, yamang si Kristo’y nagdanas ng hirap sa laman upang akayin tayo sa Diyos, tayo’y hindi na dapat mamuhay ayon sa mga pita ng laman. Kung tayo’y nagtitiis nang may katapatan sa mga pagsubok, tayo’y makakabilang sa mga totoong nagagalak sa pagkahayag ni Jesus. Ang pagbabata ng upasala dahil sa pangalan ni Kristo, o bilang kaniyang mga alagad, ay dapat magpaligaya sa atin sapagkat pinatutunayan nito na tayo’y may espiritu ni Jehova. Kaya habang tayo’y nagdurusa ayon sa kalooban ng Diyos, ating ipagkatiwala sa kaniya ang ating sarili at patuloy na gumawa ng mabuti.

Bilang mga Kristiyano, kailangang gampanan natin ang ating tungkulin nang may katapatan at tayo’y magpakumbaba sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos. (5:1-14) Ang matatanda ay kailangang magpastol nang may pagkukusa sa kawan ng Diyos, at ipapasan natin kay Jehova ang lahat ng ating kabalisahan, sa pagkaalam na talagang tayo’y minamahal niya. Kailangan ding manindigan tayo laban sa Diyablo at huwag masisiraan ng loob, sapagkat ang ating mga kapatid ay dumaranas ng katulad ng pagdurusang ating dinaranas. Laging tandaan na ang Diyos na Jehova ang magpapatatag at magpapatibay sa atin sa pananampalataya.

[Kahon/Larawan sa pahina 30]

Gayak ng Babae: Sa pagpapayo sa mga babaing Kristiyano, sinabi ni Pedro: “Ang inyong paggayak sana ay huwag ang sa panlabas na pagtitirintas ng buhok at sa pagsusuot ng mga gintong palamuti o pagbibihis ng panlabas na kasuotan, kundi ito sana’y maging ang lihim na pagkatao sa puso sa di-nasisirang kasuotan ng tahimik at mahinahong espiritu, na siyang napakahalaga sa paningin ng Diyos.” (1 Pedro 3:3, 4) Noong unang siglo C.E., ang mga babaing pagano ay malimit na may magagarang ayos ng buhok, na itinitirintas ang kanilang mahabang buhok na katulad ng mararangyang istilo at nilalagyan pa ng mga panggayak na ginto ang mga tirintas. Malamang, marami ang gayon ang ginawa bilang isang mapagpasikat na pagpaparangalan​—isang bagay na hindi nararapat sa mga Kristiyano. (1 Timoteo 2:9, 10) Gayunman, hindi lahat ng paggayak ay masama sapagkat isinali ni Pedro “ang pagbibihis ng panlabas na kasuotan”​—maliwanag na isang pangangailangan. Ang alahas ay ginagamit din ng mga lingkod ng Diyos noong mga sinaunang panahon. (Genesis 24:53; Exodo 3:22; 2 Samuel 1:24; Jeremias 2:32; Lucas 15:22) Gayunman, ang isang babaing Kristiyano ay may katalinuhang umiiwas sa mararangyang paggayak at mahalay na kasuotan at kung gumagamit man ng mga kosmetiko ay kinakailangang nasa lugar. Ang punto ng payo ng apostol ay na ang panloob na kagayakan ang dapat niyang ingatan, hindi ang panlabas. Upang maging tunay na kaakit-akit, siya’y kailangang manamit nang may kahinhinan at magkaroon ng ugaling katulad ng sa isa na natatakot sa Diyos.​—Kawikaan 31:30; Mikas 6:8.

[Credit Line]

Israel Department of Antiquities and Museums:

Israel Museum/David Harris

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share