Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w91 3/15 p. 31
  • Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng Diyos!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng Diyos!
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Tumiwala sa Makahulang Salita
  • Mag-ingat Laban sa mga Apostata
  • Ang Araw ni Jehova ay Dumarating!
  • Tartaro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Tartaro
    Glosari
  • Mga Tampok na Bahagi sa mga Liham ni Santiago at ni Pedro
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • Magbigay ng Pansin sa Makahulang Salita
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1991
w91 3/15 p. 31

Magbigay-Pansin sa Makahulang Salita ng Diyos!

Mga Tampok Mula sa Ikalawang Pedro

ANG makahulang salita, o mensahe ni Jehova, ay gaya ng isang ilawang nagliliwanag sa isang dakong madilim, at ang mga tunay na Kristiyano ay kailangang magbigay ng matamang pansin doon. Iyan ay hindi madali kung may mga bulaang guro na nagsisikap magpasok ng apostasya. Subalit ito’y magagawa sa tulong ng Diyos. At tayo’y kailangang matatag na kumapit sa salita ng Diyos kung nais nating makaligtas sa mabilis na dumarating na araw ni Jehova.

Ang ikalawang kinasihang liham ni apostol Pedro ay makatutulong sa atin na magbigay ng pansin sa makahulang salita ng Diyos. Isinulat ni Pedro ang liham na ito marahil buhat sa Babilonya noong mga 64 C.E. Sa kaniyang liham kaniyang itinaguyod ang katotohanan ng Diyos, siya’y nagbabala sa mga kapananampalataya tungkol sa tulad-magnanakaw na pagdating ng araw ni Jehova, at kaniyang tinulungan ang mambabasa na huwag padala sa kamalian ng mga taong lumalaban sa kautusan. Yamang ang araw ni Jehova ay halos narito na sa atin, tayo’y makikinabang nang malaki sa kinasihang mga salita ni Pedro.

Tumiwala sa Makahulang Salita

Bilang mga Kristiyano, tayo’y kailangang magsumikap na ipakita ang maka-Diyos na mga katangian at kailangang magbigay-pansin sa makahulang salita. (1:1-21) Upang maiwasan ang pagiging di-aktibo o walang bunga, kailangan na ating ‘lakipan ang ating pananampalataya ng kagalingan, kaalaman, pagpipigil-sa-sarili, pagtitiis, maka-Diyos na debosyon, pagmamahalang pangmagkakapatid, at pag-ibig.’ Nang makita ni Pedro na si Jesus ay nagbagong-anyo at narinig ang Diyos na nagsalita tungkol kay Kristo nang okasyong iyon, ang makahulang salita ay naging lalong may katiyakan. (Marcos 9:1-8) Sa kinasihang salitang iyan ay kailangang tayo’y magbigay-pansin.

Mag-ingat Laban sa mga Apostata

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng matamang pansin sa makahulang salita ng Diyos, tayo ay makapag-iingat laban sa mga apostata at iba pang masasamang tao. (2:1-22) Si Pedro’y nagbabala na ang mga bulaang guro ay lihim na papasok sa kongregasyon. Gayunman, si Jehova ay hahatol laban sa mga apostatang ito, gaya ng kaniyang paghatol sa masuwaying mga anghel, sa balakyot na sanlibutan noong kaarawan ni Noe, at sa mga lunsod ng Sodoma at Gomora. Ang mga bulaang guro ay humahamak sa bigay-Diyos na autoridad at hinikayat ang mahihina na sumama sa kanila sa gawang masama. Makabubuti pa ngang ang gayong mga apostata ay hindi nakaalam sa “landas ng katuwiran kaysa pagkatapos na magkaroon ng tumpak na kaalaman tungkol doon ay tumalikod sa banal na kautusan na ibinigay sa kanila.”

Ang Araw ni Jehova ay Dumarating!

Gaya ng mga taong nagbibigay-pansin sa makahulang salita sa mga huling araw na ito, huwag nating payagan ang ating sarili na maimpluwensiyahan ng mga manlilibak na tumutuya sa mensahe tungkol sa pagkanaririto ni Jesus. (3:1-18) Kanilang nalilimutan na ang Diyos na ang layunin ay puksain ang sistemang ito ng mga bagay ang pumuksa sa sanlibutan noong bago dumating ang Baha. Ang pagiging matiisin ni Jehova ay hindi dapat ituring na kabagalan, sapagkat ibig niyang ang mga tao ay magsisi. Ang sistemang ito ay pupuksain sa “araw ni Jehova” at hahalinhan ng ‘mga bagong langit at isang bagong lupa na tinatahanan ng katuwiran.’ Kung gayon, gawin natin ang ating buong kaya upang maging “walang dungis at walang kapintasan at nasa kapayapaan.” Sa halip na tayo’y mailigaw ng mga bulaang guro, tayo’y lumaki sa kaalaman kay Jesu-Kristo.

Isapuso natin ang mga salita ni Pedro. Huwag maglikat ng pagbabantay laban sa huwad na mga guro. Mamuhay na taglay ang pagkadama na kaylapit-lapit na ng araw ni Jehova. At laging magbigay-pansin sa makahulang salita ng Diyos.

[Kahon/Larawan sa pahina 31]

Ibinulid sa Tartaro: Si Jehova ay “hindi nagpigil ng pagpaparusa sa mga anghel na nagkasala, kundi, sa pamamagitan ng pagbubulid sa kanila sa Tartaro, ikinulong sila sa kalaliman sa pusikit na kadiliman upang ilaan sa paghuhukom.” (2 Pedro 2:4) Hindi ito ang makaalamat na Tartaro na sa Iliad ni Homer ay inilalarawan na isang lugar sa ilalim ng lupa na kung saan ang mas mabababang diyus-diyusan, si Cronus at iba pang mga espiritu ni Titan, ay nangakabilanggo. Ang Tartaro na nasa Bibliya ay yaong mababa, tulad-bilangguang kalagayan na doon ibinulid ng Diyos ang masuwaying mga anghel noong kaarawan ni Noe. (Genesis 6:1-8; 1 Pedro 3:19, 20; Judas 6) Ang “pusikit na kadiliman” ay bunga ng pagputol sa kanila ng Diyos buhat sa espirituwal na liwanag bilang mga pinalayas sa kaniyang pamilya. Bilang nakalaan sa kaparusahan na iginawad niya, sila’y may tanging madilim na kinabukasan. Ang Tartaro ay isang tagapagpauna sa pagbubulid kay Satanas sa kalaliman at sa kaniyang mga demonyo na mararanasan nila bago magsimula ang Sanlibong Taóng Paghahari ni Kristo. Ang kanilang pagkapuksa ay magaganap pagkatapos ng Sanlibong Taóng Paghahari ni Jesus.​—Mateo 25:41; Apocalipsis 20:1-3, 7-10, 14.

[Larawan]

Ang mabababang diyos ay ibinubulid ni Zeus sa isang makaalamat na Tartaro

[Credit Line]

National Archaeological Museum, Athens, Greece

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share