Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Mamuhay Bilang mga Anak ng Diyos
    Ang Bantayan—1986 | Hulyo 15
    • 9. Sa anong diwa na ang inianak-sa-espiritung Kristiyano ay “hindi makapamimihasa sa pagkakasala,” at bakit nga gayon?

      9 Susunod ay nakikita ni Juan ang pagkakaiba ng mga anak ng Diyos at ng mga anak ng Diyablo. (Basahin ang 1 Juan 3:9-12.) Ang sinomang “ipinanganak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala,” o namimihasa rito. Ang “binhi [ni Jehova] sa pag-aanak,” o banal na espiritu na nagbibigay sa isa ng “isang bagong kapanganakan” na taglay ang makalangit na pag-asa, ay nananatili sa indibiduwal maliban sa ito’y tanggihan niya at sa gayo’y ‘pinamimighati’ ang espiritu, kaya naman inaalis iyon ng Diyos sa kaniya. (1 Pedro 1:3, 4, 18, 19; Efeso 4:30) Upang manatiling isa sa mga anak ng Diyos, ang inianak-sa-espiritung Kristiyano ay “hindi maaaring mamihasa sa pagkakasala.” Bilang isang “bagong nilalang” na may “bagong personalidad,” siya’y nakikipagpunyagi laban sa kasalanan. Siya’y “nakatakas na buhat sa kabulukan na nasa sanlibutan dahil sa masamang pita,” at sa kaniyang puso ay wala siyang hangad na mamihasa sa pagkakasala.​—2 Corinto 5:16, 17; Colosas 3:5-11; 2 Pedro 1:4.

  • Patuloy na Mamuhay Bilang mga Anak ng Diyos
    Ang Bantayan—1986 | Hulyo 15
    • 11. (a) Ano ang isa pang paraan upang makilala yaong mga hindi anak ng Diyos? (b) Ang pagbubulay-bulay sa ginawa ni Cain ay dapat mag-udyok sa atin na gawin ang ano?

      11 Gayundin, “hindi sa Diyos [yaong isa] na hindi umiibig sa kaniyang kapatid.” Sa katunayan, ang “pasabi” na narinig natin “buhat nang pasimula” ng ating buhay bilang mga Saksi ni Jehova ay na “mag-ibigan tayo sa isa’t-isa.” (Juan 13:34) Kaya’t tayo’y “hindi gaya ni Cain,” na nagpakitang siya’y “nagmula sa balakyot,” dahil sa ‘pinatay niya ang kaniyang kapatid’ sa marahas na paraan gaya ng kaugalian ng mamamatay-taong si Satanas. (Genesis 4:2-10; Juan 8:44) Pinatay ni Cain si Abel “sapagkat ang kaniyang sariling mga gawa ay balakyot, ngunit yaong sa kaniyang kapatid ay matuwid.” Tunay, ang pagbubulay-bulay sa ginawa ni Cain ay dapat mag-udyok sa atin na mag-ingat laban sa ganoon ding pagkapoot sa ating mga espirituwal na kapatid.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share