Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Siya ang Unang Umibig sa Atin”
    Maging Malapít kay Jehova
    • “Ang Diyos ay Pag-ibig”

      15. Anong pangungusap ang binabanggit ng Bibliya tungkol sa katangian ni Jehova na pag-ibig, at sa anong paraan naiiba ang pangungusap na ito? (Tingnan din ang talababa.)

      15 Ang Bibliya ay may binabanggit tungkol sa pag-ibig na hindi nito kailanman binabanggit tungkol sa iba pang pangunahing mga katangian ni Jehova. Hindi sinasabi sa Kasulatan na ang Diyos ay kapangyarihan o na ang Diyos ay katarungan o na ang Diyos ay karunungan pa nga. Siya ay nagtataglay ng mga katangiang ito, ang tanging Bukal ng mga ito, at walang katulad kung tungkol sa lahat ng tatlong ito. Gayunman, tungkol sa ikaapat na katangian, isang bagay na mas malalim ang sinasabi: “Ang Diyos ay pag-ibig.”b (1 Juan 4:8) Ano ang kahulugan niyan?

      16-18. (a) Bakit sinasabi sa Bibliya na “ang Diyos ay pag-ibig”? (b) Sa lahat ng nilalang sa lupa, bakit ang tao ay isang angkop na sagisag ng katangian ni Jehova na pag-ibig?

      16 Ang pangungusap na “ang Diyos ay pag-ibig” ay hindi isang simpleng pagtutumbas na gaya ng pagsasabing “ang Diyos ay katumbas ng pag-ibig.” Hindi tama na baligtarin natin ang pangungusap at sabihing “ang pag-ibig ay Diyos.” Si Jehova ay hindi lang basta isang katangian. Siya’y isang Persona na may napakaraming iba’t ibang katangian at emosyon. Pero ang pag-ibig ay nasa kaibuturan mismo ng puso ni Jehova. Kaya naman isang reperensiya ang nagsabi tungkol sa talatang ito: “Ang likas na katangian ng Diyos ay pag-ibig.” Karaniwan na, maaari natin itong ilarawan nang ganito: Ang kapangyarihan ni Jehova ang nagpapangyari sa kaniya na kumilos. Ang kaniyang katarungan at karunungan ang umuugit sa kaniyang pagkilos. Subalit ang pag-ibig ni Jehova ang nag-uudyok sa kaniya na kumilos. At palaging kaakibat ang kaniyang pag-ibig sa kaniyang paggamit ng iba pa niyang mga katangian.

      17 Madalas sabihing si Jehova ang mismong personipikasyon ng pag-ibig. Kaya naman, kung nais nating matuto tungkol sa may-simulaing pag-ibig, dapat tayong matuto tungkol kay Jehova. Mangyari pa, maaari din naman nating makita ang magandang katangiang ito sa mga tao. Ngunit bakit may kakayahan silang magpakita ng katangiang iyon? Noong panahon ng paglalang, sinabi ni Jehova ang mga salitang ito, malamang na sa kaniyang Anak: “Gawin natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis.” (Genesis 1:26) Sa lahat ng nilalang dito sa lupa, mga tao lamang ang makapagpapasiyang umibig at sa gayon ay matularan ang kanilang Ama sa langit. Alalahanin na si Jehova ay gumamit ng iba’t ibang nilalang upang sumagisag sa kaniyang pangunahing mga katangian. Gayunman, pinili ni Jehova ang kaniyang pinakamataas na uring nilalang sa lupa, ang tao, bilang sagisag ng Kaniyang nangingibabaw na katangian, ang pag-ibig.​—Ezekiel 1:10.

  • “Siya ang Unang Umibig sa Atin”
    Maging Malapít kay Jehova
    • b Ang ibang mga pangungusap sa Kasulatan ay may katulad na pagkakasabi. Halimbawa, “ang Diyos ay liwanag” at “ang Diyos . . . ay isang apoy na tumutupok.” (1 Juan 1:5; Hebreo 12:29) Subalit ang mga ito ay dapat unawain bilang mga metapora, sapagkat itinulad ng mga ito si Jehova sa pisikal na mga bagay. Si Jehova ay tulad ng liwanag, sapagkat siya’y banal at matuwid. Walang “kadiliman,” o karumihan, sa kaniya. At siya’y maitutulad sa apoy sa paggamit niya ng kapangyarihang pumuksa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share