-
Pahalagahan ang Ginawa ni Jehova at ni Jesus Para sa IyoMasayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
3. Ipakita ang pagpapahalaga
Isipin na nalulunod ka at may sumagip sa iyo. Kakalimutan mo na lang ba ang ginawa ng sumagip sa iyo? O gagawa ka ng paraan para maipakita mong nagpapasalamat ka sa kaniya?
Utang natin kay Jehova ang buhay natin. Basahin ang 1 Juan 4:8-10. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:
Bakit espesyal na regalo ang sakripisyo ni Jesus?
Ano ang nararamdaman mo sa ginawa ni Jehova at ni Jesus para sa iyo?
Paano natin maipapakita na pinapahalagahan natin ang ginawa ni Jehova at ni Jesus? Basahin ang 2 Corinto 5:15 at 1 Juan 4:11; 5:3. Sa bawat pagbasa ng teksto, talakayin ang tanong na ito:
Ayon sa teksto, paano natin maipapakita ang pagpapahalaga natin?
-
-
Bakit Dapat Kang Mag-alay at Magpabautismo?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
1. Bakit iaalay ng isang tao ang sarili niya sa Diyos?
Iaalay natin ang ating sarili kay Jehova dahil mahal natin siya. (1 Juan 4:10, 19) Sinasabi ng Bibliya: “Dapat mong ibigin si Jehova na iyong Diyos nang buong puso mo at nang buong kaluluwa mo at nang buong pag-iisip mo at nang buong lakas mo.” (Marcos 12:30) Hindi lang natin sinasabi na mahal natin ang Diyos, ipinapakita rin natin ito sa gawa. Halimbawa, kung talagang mahal ng isang magkasintahan ang isa’t isa, magpapakasal sila. Kaya kung talagang mahal din natin si Jehova, mapapakilos tayong mag-alay sa kaniya at magpabautismo.
-