Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Patuloy na Lumakad Ayon sa Liwanag ng Diyos
    Ang Bantayan—1986 | Hulyo 15
    • 16. Anong pag-ibig ang di-dapat nating taglayin, subalit ano ang matutupad sa atin kung tayo’y may makasanlibutang mga kuru-kuro at mithiin?

      16 Nakababata man tayo o nakatatandang mga Kristiyano, may pag-ibig na di-dapat nating taglayin. (Basahin ang 1 Juan 2:15-17.) Hindi natin ‘dapat ibigin ang sanlibutan ni ang mga bagay na nasa sanlibutan.’ Bagkus pa nga, tayo’y kailangang lumayo upang huwag mahawa sa kabulukan ng likong lipunan ng mga tao at huwag tayong makalanghap ng “espiritu” nito, o maganyak ng makasalanang hilig nito. (Efeso 2:1, 2; Santiago 1:27) Kung tayo’y magkakaroon ng makasanlibutang pangmalas at mga mithiin, “ang pag-ibig ng Ama” ay hindi sasa-atin. (Santiago 4:4) Iyan ay talagang dapat pag-isipan, di ba?

  • Patuloy na Lumakad Ayon sa Liwanag ng Diyos
    Ang Bantayan—1986 | Hulyo 15
    • 19. Ano ang mangyayari sa sanlibutang ito, at paano dapat tayong maapektuhan ng bagay na ito?

      19 Alalahanin na “ang sanlibutan ay lumilipas” at pupuksain. (2 Pedro 3:6) Ang mga pita at mga pag-asa nito ay kasama nitong papanaw, pati na rin ang mga taong umiibig dito. “Datapuwat,” ang sabi ni Juan, “ang gumagawa ng kalooban ng Diyos ay mananatili magpakailanman.” Kaya’t lagi nating asam-asamin ang buhay na walang hanggan sa pamamagitan ng ‘pagtanggi sa makasanlibutang mga pita’ at patuloy na paglakad sa liwanag ng Diyos.​—Tito 2:11-14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share