-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2003 | Disyembre 15
-
-
Dapat idiin na bago iyon, nang ang balakyot na mga anghel ay nakapupunta pa sa langit, sila ay itinakwil na sa pamilya ng Diyos at nasa ilalim na ng tiyak na mga paghihigpit. Halimbawa, isinisiwalat ng Judas 6 na noon pa mang unang siglo C.E., sila ay “itinaan [na] sa mga gapos na walang hanggan sa ilalim ng pusikit na [espirituwal na] kadiliman ukol sa paghuhukom sa dakilang araw.” Gayundin naman, sinasabi ng 2 Pedro 2:4: “Ang Diyos . . . ay hindi nagpigil sa pagpaparusa sa mga anghel na nagkasala, kundi, sa pamamagitan ng paghahagis sa kanila sa Tartaro [isang sukdulang napakababang kalagayan], ibinulid sila sa mga hukay ng pusikit na [espirituwal na] kadiliman upang itaan sa paghuhukom.”b
-
-
Mga Tanong Mula sa mga MambabasaAng Bantayan—2003 | Disyembre 15
-
-
b Inihalintulad ni apostol Pedro ang espirituwal na katayuang ito ng pagiging itinakwil sa pagiging nasa “bilangguan.” Gayunman, ang tinutukoy niya ay hindi ang “kalaliman” sa hinaharap na doo’y ibubulid ang mga demonyo sa loob ng isang libong taon.—1 Pedro 3:19, 20; Lucas 8:30, 31; Apocalipsis 20:1-3.
-