Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaharian ng Diyos—Nakahihigit sa Lahat ng Paraan
    Ang Bantayan—2006 | Hulyo 15
    • Si Jesus at ang kaniyang mga kasama ay namamahala sa isang nakatataas na posisyon.

      Sa kaniyang panaginip at pangitain, nakita rin ni Daniel na “ang kaharian at ang pamamahala . . . ay ibinigay sa bayan na siyang mga banal.” (Daniel 7:27) Hindi lamang si Jesus ang mamamahala. Mayroon siyang kasamang mamamahala bilang mga hari at maglilingkod bilang mga saserdote. (Apocalipsis 5:9, 10; 20:6) Tungkol sa kanila ay isinulat ni apostol Juan: “Nakita ko, at, narito! ang Kordero na nakatayo sa Bundok Sion, at ang kasama niya ay isang daan at apatnapu’t apat na libo . . . na binili mula sa lupa.”​—Apocalipsis 14:1-3.

      Ang Kordero ay si Jesu-Kristo na nakaluklok na sa Kaharian. (Juan 1:29; Apocalipsis 22:3) Ang Bundok Sion ay tumutukoy sa langit.a (Hebreo 12:22) Si Jesus at ang kaniyang kasamang 144,000 ay mamamahala mula sa langit. Isa ngang napakatayog na dako ng pamamahala! Dahil nasa langit, mas malawak ang natatanaw nila. Yamang sa langit ito nakatatag, ang “kaharian ng Diyos” ay tinatawag ding “kaharian ng langit.” (Lucas 8:10; Mateo 13:11) Walang sandata, ni nuklear na pagsalakay man, ang makaaabot at makapagpapabagsak sa makalangit na pamahalaang iyon. Hindi iyon malulupig sa halip tutuparin nito ang layunin ni Jehova.​—Hebreo 12:28.

  • Kaharian ng Diyos—Nakahihigit sa Lahat ng Paraan
    Ang Bantayan—2006 | Hulyo 15
    • a Inagaw ni Haring David ng sinaunang Israel mula sa mga Jebusita ang moog ng makalupang Bundok Sion at ginawa niya itong kabisera. (2 Samuel 5:6, 7, 9) Inilipat din niya ang sagradong Kaban sa dakong iyon. (2 Samuel 6:17) Yamang ang Kaban ay nauugnay sa presensiya ni Jehova, tinukoy ang Sion bilang tahanang dako ng Diyos, anupat naging angkop na sagisag ng langit.​—Exodo 25:22; Levitico 16:2; Awit 9:11; Apocalipsis 11:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share