Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Salot ni Jehova sa Sangkakristiyanuhan
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 29. Ano ang isinasagisag ng “malaking bituin na nagniningas na gaya ng lampara,” at bakit?

      29 Natalakay na natin ang simbolismo ng bituin sa mga mensahe ni Jesus sa pitong kongregasyon, kung saan ang pitong bituin ay sumasagisag sa matatanda sa mga kongregasyon.b (Apocalipsis 1:20) Ang mga pinahirang “bituin,” kasama ang lahat ng iba pang pinahiran, ay tumatahan sa makalangit na mga dako sa espirituwal na diwa mula nang tatakan sila ng banal na espiritu bilang tanda ng kanilang makalangit na mana. (Efeso 2:6, 7) Gayunman, nagbabala si apostol Pablo na sa gitna ng mga tulad-bituing ito ay lilitaw ang mga apostata, mga tagapagtaguyod ng sekta, na magliligaw sa kawan. (Gawa 20:29, 30) Ang gayong pagtataksil ay magbubunga ng malaking apostasya, at ang nahulog na matatandang ito ang bubuo sa makasagisag na taong tampalasan na magtatanyag sa kaniyang sarili sa isang tulad-diyos na katayuan sa gitna ng sangkatauhan. (2 Tesalonica 2:3, 4) Natupad ang mga babala ni Pablo nang ang klero ng Sangkakristiyanuhan ay lumitaw sa eksena ng daigdig. Ang “malaking bituin na nagniningas na gaya ng lampara” ay angkop na sumasagisag sa grupong ito.

  • Mga Salot ni Jehova sa Sangkakristiyanuhan
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • b Bagaman ang pitong bituin sa kanang kamay ni Jesus ay lumalarawan sa mga pinahirang tagapangasiwa sa Kristiyanong kongregasyon, ang matatanda sa karamihan ng mga 100,000 kongregasyon sa daigdig sa ngayon ay kabilang sa malaking pulutong. (Apocalipsis 1:16; 7:9) Ano ang katayuan nila? Yamang tinanggap nila ang kanilang atas mula sa banal na espiritu sa pamamagitan ng pinahirang uring tapat at maingat na alipin, masasabing nasa ilalim ng kapangyarihan ng kanang kamay ni Jesus ang mga ito, sapagkat sila rin ay kaniyang mga katulong na pastol. (Isaias 61:5, 6; Gawa 20:28) Tinutulungan nila ang “pitong bituin” sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga dakong walang kuwalipikadong pinahirang mga kapatid na lalaki.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share