Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nagsalita si Kristo sa mga Kongregasyon
    Ang Bantayan—2003 | Mayo 15
    • 7, 8. Anong malubhang problema ang umiral sa kongregasyon sa Efeso, at paano natin mahaharap ang gayunding situwasyon?

      7 Gayunman, may malubhang problema ang mga Kristiyano sa Efeso. ‘Mayroon akong laban sa inyo,’ ang sabi ni Jesus, ‘na iniwan ninyo ang pag-ibig na taglay ninyo noong una.’ Kailangan na muling paningasin ng mga miyembro ng kongregasyon ang kanilang unang pag-ibig kay Jehova. (Marcos 12:28-30; Efeso 2:4; 5:1, 2) Tayo mismo ay dapat mag-ingat na huwag maiwala ang ating unang pag-ibig sa Diyos. (3 Juan 3) Subalit paano kung ang mga bagay na tulad ng paghahangad ng materyal na kayamanan o pagtataguyod ng kaluguran ay nagiging pangunahin na sa ating buhay? (1 Timoteo 4:8; 6:9, 10) Kung gayon, dapat na marubdob tayong manalangin ukol sa tulong ng Diyos upang mapalitan ang gayong mga hilig ng taimtim na pag-ibig kay Jehova at ng pasasalamat sa lahat ng ginawa niya at ng kaniyang Anak para sa atin.​—1 Juan 4:10, 16.

  • Nagsalita si Kristo sa mga Kongregasyon
    Ang Bantayan—2003 | Mayo 15
    • 11. Paano natin maitataguyod ang pag-ibig kay Jehova?

      11 Naiwala ng mga taga-Efeso ang kanilang unang pag-ibig, ngunit paano kung lumilitaw ang gayunding situwasyon sa isang kongregasyon sa ngayon? Itaguyod natin bilang indibiduwal ang pag-ibig kay Jehova sa pamamagitan ng pagsasalita hinggil sa kaniyang maibiging mga daan. Maipahahayag natin ang ating pasasalamat sa pag-ibig na ipinakita ng Diyos sa kaniyang paglalaan ng pantubos sa pamamagitan ng kaniyang mahal na Anak. (Juan 3:16; Roma 5:8) Kapag naaangkop, maaari nating banggitin ang pag-ibig ng Diyos sa mga komento at sa mga bahagi sa programa sa mga pulong. Maipakikita natin ang atin mismong pag-ibig kay Jehova sa pamamagitan ng pagpuri sa kaniyang pangalan sa ministeryong Kristiyano. (Awit 145:10-13) Oo, malaki ang magagawa ng ating mga salita at mga gawa upang muling mapaningas o mapatibay ang unang pag-ibig ng kongregasyon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share