KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | APOCALIPSIS 7-9
Isang Malaking Pulutong ang Pinagpala ni Jehova
Bakit pinagpapala ni Jehova ang malaking pulutong?
Sila ay “nakatayo sa harap ng trono” ni Jehova na nagpapakita ng kanilang suporta sa kaniyang soberanya
Nakasuot sila ng “mahabang damit na puti” na nagpapakita ng kanilang malinis at matuwid na katayuan sa harap ni Jehova dahil sa pananampalataya nila sa sakripisyo ni Kristo
Gumagawa sila ng “sagradong paglilingkod sa kaniya araw at gabi” na nagpapakita ng kanilang patuluyan at buong-pusong pagsamba kay Jehova
Ano ang dapat kong gawin para mapabilang sa malaking pulutong?