Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Bagay na Kailangang Maganap sa Di-kalaunan
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • Alulod ng Pakikipagtalastasan

      5. Paano ipinatalastas ang Apocalipsis kay apostol Juan at pagkatapos ay sa mga kongregasyon?

      5 Ang Apocalipsis 1:1b, 2 ay nagpapatuloy: “At isinugo niya [ni Jesus] ang kaniyang anghel at iniharap ito [ang Apocalipsis] sa mga tanda sa pamamagitan niya sa kaniyang aliping si Juan, na nagpatotoo sa salita na ibinigay ng Diyos at sa patotoo na ibinigay ni Jesu-Kristo, maging sa lahat ng bagay na kaniyang nakita.” Kaya tinanggap ni Juan ang kinasihang ulat sa pamamagitan ng isang mensaherong anghel. Isinulat niya ito sa isang balumbon, at ipinamahagi ito sa mga kongregasyon noong panahon niya. Mabuti na lamang at iningatan ito ng Diyos para mapatibay-loob ang halos 100,000 kongregasyon ng kaniyang nagkakaisang mga lingkod sa lupa ngayon.

      6. Paano tinukoy ni Jesus ang alulod na gagamitin niya sa pagbibigay ng espirituwal na pagkain para sa kaniyang mga “alipin” sa ngayon?

      6 Ang Diyos ay may ginamit na alulod nang ipatalastas niya ang Apocalipsis noong panahon ni Juan, at si Juan ang makalupang bahagi ng alulod na iyon. Sa ngayon, ang Diyos ay gumagamit din ng alulod sa paghahatid ng espirituwal na pagkain sa kaniyang mga “alipin.” Sa kaniyang dakilang hula hinggil sa katapusan ng sistema ng mga bagay, tinukoy ni Jesus ang makalupang bahagi ng alulod na ito bilang “ang tapat at maingat na alipin na inatasan ng kaniyang panginoon sa kaniyang mga lingkod ng sambahayan, upang magbigay sa kanila ng kanilang pagkain sa tamang panahon.” (Mateo 24:3, 45-47) Ginagamit niya ang uring Juan na ito sa pagsisiwalat ng kahulugan ng hula.

      7. (a) Paano dapat makaapekto sa atin ang mga tanda na masusumpungan sa Apocalipsis? (b) Gaano katagal nang nakikibahagi ang ilan sa uring Juan sa katuparan ng mga pangitain sa Apocalipsis?

      7 Isinulat ni apostol Juan na ang Apocalipsis ay iniharap ni Jesus “sa [pamamagitan ng] mga tanda,” o simbolo. Detalyado ang mga ito at kapana-panabik na suriin. Inilalarawan ng mga ito ang makapangyarihang mga gawa, na dapat namang magpakilos sa atin na maging masigasig sa paghahayag sa iba tungkol sa hula at sa kahulugan nito. Inihaharap sa atin ng Apocalipsis ang ilang nakapagpapasiglang pangitain, at sa bawat isa sa mga ito, aktibong nakibahagi o naging tagapagmasid si Juan. Ang mga kabilang sa uring Juan, na ilan sa kanila’y maraming dekada nang nakikibahagi sa katuparan ng mga pangitaing ito, ay maligaya na isiniwalat ng espiritu ng Diyos ang kahulugan nito upang maipaliwanag nila sa iba.

  • Mga Bagay na Kailangang Maganap sa Di-kalaunan
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 9. (a) Gaya ni Juan, anong saloobin ang ipinakikita ng uring Juan? (b) Ano ang sinabi ni Juan na dapat nating gawin upang maging maligaya?

      9 Naging tapat si Juan sa pagpapatotoo sa mensahe na ibinigay sa kaniya ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo. Detalyado niyang inilarawan ang “lahat ng bagay na kaniyang nakita.” Ang uring Juan ay taimtim na humihingi ng patnubay sa Diyos at kay Jesu-Kristo upang lubusan nilang maunawaan ang hula at nang maituro nila ang mahuhusay na punto nito sa bayan ng Diyos. Para sa kapakinabangan ng pinahirang kongregasyon (at gayundin ng pandaigdig na malaking pulutong na ililigtas ng Diyos sa malaking kapighatian), ganito ang isinulat ni Juan: “Maligaya ang bumabasa nang malakas at yaong mga nakikinig sa mga salita ng hulang ito, at tumutupad sa mga bagay na nakasulat dito; sapagkat ang takdang panahon ay malapit na.”​—Apocalipsis 1:3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share