Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 2. (a) Anong dakilang tanda ang nakikita ni Juan? (b) Kailan nahayag ang kahulugan ng dakilang tanda?

      2 May nakikita ngayong dakilang tanda si Juan​—isa na may namumukod-tanging interes para sa bayan ng Diyos. Naghaharap ito ng isang kapana-panabik na makahulang pangitain, na ang kahulugan ay unang inilathala sa Marso 1, 1925, isyu ng The Watch Tower sa artikulo na pinamagatang “Pagsilang ng Bansa” at muli na naman noong 1926 sa aklat na Deliverance. Ang maliwanag na kislap na ito ng kaunawaan sa Bibliya ay naging makasaysayang kabanata sa pagsulong ng gawain ni Jehova. Kaya hayaan nating ilarawan ni Juan ang eksena habang nahahayag ito: “At isang dakilang tanda ang nakita sa langit, isang babaing nagagayakan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa, at sa kaniyang ulo ay may isang koronang labindalawang bituin, at siya ay nagdadalang-tao. At sumisigaw siya dahil sa kaniyang mga kirot at sa kaniyang matinding paghihirap na magsilang.”​—Apocalipsis 12:1, 2.

  • Isinilang ang Kaharian ng Diyos!
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 6. (a) Ano ang ipinahihiwatig ng bagay na ang babae na nakita ni Juan ay nagagayakan ng araw, na nasa ilalim ng kaniyang mga paa ang buwan, at nakokoronahan ng mga bituin? (b) Ano ang isinasagisag ng kirot ng pagdaramdam ng babaing nagdadalang-tao?

      6 Nakikita ni Juan ang babae na nagagayakan ng araw at ang buwan ay nasa ilalim ng kaniyang mga paa. Yamang nakokoronahan din siya ng mga bituin, lubusan siyang napaliligiran ng makalangit na mga tanglaw. Ang lingap ng Diyos ay sumisinag sa kaniya araw at gabi. Napakaangkop ngang sagisag ng maringal at makalangit na organisasyon ni Jehova! Siya rin ay nagdadalang-tao at nagtitiis ng kirot ng pagdaramdam. Ipinahihiwatig ng kaniyang pagsigaw upang humingi ng tulong sa Diyos na oras na para magsilang siya. Sa Bibliya, ang kirot ng pagdaramdam ay madalas na sumasagisag sa pagpapagal na kinakailangan upang makamit ang isang mahalagang resulta. (Ihambing ang Awit 90:2; Kawikaan 25:23; Isaias 66:7, 8.) Walang-alinlangang naranasan ang ganitong kirot ng pagdaramdam habang naghahanda ang makalangit na organisasyon ni Jehova sa makasaysayang pagsilang na ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share