Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pantubos ni Kristo—Ang Paraan ng Diyos Ukol sa Kaligtasan
    Ang Bantayan—1999 | Pebrero 15
    • pagpapahalaga sa pantubos? Nang malapit na siyang dakpin, sinabi ni Jesus: “Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, ay tutuparin niya ang aking salita.” (Juan 14:23) Kasali sa “salita” ni Jesus ang kaniyang utos na masigasig tayong makibahagi sa pagtupad sa atas: “Humayo kayo samakatuwid at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, na binabautismuhan sila.” (Mateo 28:19) Kailangan din sa pagsunod kay Jesus ang pagpapakita natin ng pag-ibig sa ating espirituwal na mga kapatid.​—Juan 13:34, 35.

      21. Bakit dapat tayong dumalo sa pagdiriwang ng Memoryal sa Abril 1?

      21 Ang isa sa pinakamainam na paraan na maipakikita natin ang pagpapahalaga sa pantubos ay sa pamamagitan ng pagdalo sa Memoryal ng kamatayan ni Kristo, na sa taóng ito ay idaraos sa Abril 1.a Ito rin naman ay bahagi ng “salita” ni Jesus, sapagkat nang pasinayaan ang pagdiriwang na ito, iniutos ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-alaala sa akin.” (Lucas 22:19) Sa pagdalo natin sa pinakamahalagang pangyayaring ito at sa ating maingat na pagsunod sa lahat ng iniutos ni Kristo, ipakikita natin ang ating matatag na pananalig na ang pantubos ni Jesus ang siyang paraan ng Diyos ukol sa kaligtasan. Oo, “walang kaligtasan sa kaninumang iba.”​—Gawa 4:12.

  • Hindi Kailanman Nabibigo ang Daan ng Pag-ibig
    Ang Bantayan—1999 | Pebrero 15
    • Hindi Kailanman Nabibigo ang Daan ng Pag-ibig

      “Patuloy na hanapin nang may kasigasigan ang mas dakilang mga kaloob. Gayunma’y ipakikita ko sa inyo ang isang nakahihigit na daan.”​—1 CORINTO 12:31.

      1-3. (a) Paanong ang pagkatutong magpamalas ng pag-ibig ay katulad na katulad ng pagkatuto ng isang bagong wika? (b) Anong mga salik ang nagpapangyaring maging isang hamon ang pagkatutong magpamalas ng pag-ibig?

      NASUBUKAN mo na bang mag-aral ng isang bagong wika? Sabihin pa, isa itong hamon! Totoo, sa pagkarinig lamang dito ay matututuhan na ng isang munting bata ang isang wika. Talagang sinisipsip ng kaniyang utak ang tunog at kahulugan ng mga salita, kung kaya hindi nagtatagal at ang paslit ay nakapagsasalita nang may kahusayan, marahil nang walang tigil. Hindi gayon sa mga nasa hustong gulang na. Paulit-ulit tayong naghahanap sa isang diksyunaryo ng ibang wika upang makabisado lamang ang ilang saligang pananalita sa isang banyagang wika. Subalit sa kalaunan at kung may sapat na pagsasanay, nagsisimula tayong mag-isip sa bagong wika at nagiging madali na ang pagsasalita nito.

      2 Ang pagkatutong magpamalas ng pag-ibig ay katulad na katulad ng pagkatuto ng isang bagong wika. Totoo, likas na sa mga tao ang isang antas ng ganitong makadiyos na katangian. (Genesis 1:27; ihambing ang 1 Juan 4:8.) Gayunpaman, higit sa karaniwang pagsisikap ang kailangan upang matutong magpamalas ng pag-ibig​—lalo na sa ngayon, na may kasalatan sa likas na pagmamahal. (2 Timoteo 3:1-5) Ito kung minsan ang kalagayan sa pamilya mismo. Oo, marami ang lumalaki sa isang malupit na kapaligiran kung saan bihirang marinig ang maibiging pananalita​—kung naririnig man ito. (Efeso 4:29-​31; 6:4) Paano tayo, kung gayon, matututong magpamalas

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share