Awit
At ipakipaglaban mo ang aking usapin sa batas+ laban sa bansang hindi matapat.
Mula sa taong mapanlinlang at liko ay paglaanan mo nawa ako ng pagtakas.+
2 Sapagkat ikaw ang Diyos na aking tanggulan.+
Bakit mo ako itinakwil?
Bakit ako naglalakad na malungkot dahil sa paniniil ng kaaway?+
3 Isugo mo ang iyong liwanag at ang iyong katotohanan.+
Patnubayan nawa ako ng mga ito.+
Dalhin nawa ako ng mga ito sa iyong banal na bundok at sa iyong maringal na tabernakulo.+