Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w94 12/1 p. 31
  • ‘Ang Kaniyang mga Gawa ay Sumusunod sa Kaniya’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Ang Kaniyang mga Gawa ay Sumusunod sa Kaniya’
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1994
w94 12/1 p. 31

‘Ang Kaniyang mga Gawa ay Sumusunod sa Kaniya’

GANAP na 8:50 n.u. ng Huwebes, Hulyo 28, 1994, nang matapos ni George D. Gangas ang kaniyang buhay sa lupa. Siya ay 98 taóng gulang. Bilang isa sa mga pinahiran, naging miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Saksi ni Jehova si George Gangas sapol noong Oktubre 15, 1971.

Lahat ng personal na nakakakilala kay Brother Gangas ay nakababatid ng kaniyang pag-ibig sa katuwiran at pagkapoot sa kasamaan. Tandang-tanda nila kung papaano niya paulit-ulit na inilarawan si Satanas bilang isang mahalay, nakapangingilabot, ubod-samâ, imbì, at kasuklam-suklam na sinungaling. Sa kabaligtaran, tinutukoy niya si Jehova bilang isang maibigin, mabait, madamayin, malumanay, at nagmamalasakit na Ama. Naaalaala rin ng marami ang kaniyang sigasig sa pagtatanong tungkol sa Bibliya. Sa anumang usapan, palagi siyang may mga tanong​—ang ilan sa mga ito ay payak, ang ilan naman ay mahihirap. Oo, mahal niya ang katotohanan sa Bibliya.

Nabautismuhan si Brother Gangas noong Hulyo 15, 1921. Sinimulan niya ang kaniyang karera sa buong-panahong ministeryo sa pangangaral (pagpapayunir) noong Marso 1928. Kaya naman, may kabuuang 66 na taon na siya ay nasa buong-panahong paglilingkuran. Naging isa siya sa mga tauhan sa punung-tanggapan ng Watch Tower Bible and Tract Society sa Brooklyn noong Oktubre 31, 1928.

Ang kasaysayan ng kaniyang buhay ay nasa Oktubre 15, 1966, isyu ng Ang Bantayan (sa Ingles). Inilarawan nito ang isang totoong espirituwal na taong maka-Diyos. Sa artikulong iyan, ganito ang kaniyang nagpapasigla-sa-pusong kapahayagan: “Iniibig ko ang buhay at ibig kong magtamo ng buhay ang aking mga kapatid. Itinuturing ko, kagaya ni apostol Pablo, na ang lahat ng iba pang bagay ay ‘kawalan dahil sa nakahihigit na halaga ng kaalaman tungkol kay Kristo Jesus.’ ”​—Filipos 3:8.

Ipinakita ni Brother Gangas sa pamamagitan ng kaniyang mga gawa na tunay ngang inibig niya ang buhay, at may pananabik na ibinahagi niya sa iba ang kaniyang “kaalaman tungkol kay Kristo Jesus.” Mangungulila tayo sa kaniya, ngunit nagsasaya tayo sapagkat tinanggap na niya ngayon ang kaniyang gantimpala sa langit! Ngayon, ‘siya ay mamamahinga mula sa kaniyang pagpapagal, sapagkat ang kaniyang mga gawa ay sumusunod sa kaniya.’​—Apocalipsis 14:13, New International Version.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share