Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • mwbr18 Hulyo p. 1-16
  • Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo
  • Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo (2018)
  • Subtitulo
  • HULYO 2-8
  • HULYO 9-15
  • HULYO 16-22
  • HULYO 23-29
  • HULYO 30–AGOSTO 5
Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo (2018)
mwbr18 Hulyo p. 1-16

Mga Reperensiya Para sa Workbook sa Buhay at Ministeryo

HULYO 2-8

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LUCAS 6-7

“Magbigay Nang Sagana”

(Lucas 6:37) Isa pa, huwag na kayong humatol, at hindi kayo sa anumang paraan hahatulan; at huwag na kayong magpataw ng hatol, at hindi kayo sa anumang paraan papatawan ng hatol. Patuloy na magpalaya, at kayo ay palalayain.

nwtsty study note sa Luc 6:37

Patuloy na magpalaya, at kayo ay palalayain: O “Patuloy na magpatawad, at kayo ay patatawarin.” Ang terminong Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “pakawalan; paalisin; palayain (halimbawa, ang isang bilanggo).” Ginamit ito sa tekstong ito na kabaligtaran ng panghuhusga at paghatol, kaya nangangahulugan ito ng pagpapawalang-sala at pagpapatawad kahit parang nararapat ang parusa o paghihiganti.

w08 5/15 9-10 ¶13-14

Patuloy na Gumawa ng Mabuti

13 Sinipi sa Ebanghelyo ni Mateo ang sinabi ni Jesus: “Huwag na kayong humatol upang hindi kayo mahatulan.” (Mat. 7:1) Ayon kay Lucas, sinabi ni Jesus: “Huwag na kayong humatol, at hindi kayo sa anumang paraan hahatulan; at huwag na kayong magpataw ng hatol, at hindi kayo sa anumang paraan papatawan ng hatol. Patuloy na magpalaya, at kayo ay palalayain.” (Luc. 6:37) Ang mga Pariseo noong unang siglo ay may-kalupitang humahatol sa iba salig sa di-makakasulatang mga tradisyon. Sinumang tagapakinig ni Jesus na gumagawa nito ay kailangang “huwag nang humatol.” Sa halip, dapat silang “patuloy na magpalaya,” samakatuwid nga, magpatawad sa mga pagkukulang ng iba. Nagbigay si apostol Pablo ng gayunding payo tungkol sa pagpapatawad, gaya ng binanggit sa itaas.

14 Kapag nagpapatawad, mauudyukan ng mga alagad ni Jesus ang mga tao na magpatawad din. “Sa hatol na inyong inihahatol ay hahatulan kayo,” ang sabi ni Jesus, “at ang panukat na inyong ipinanunukat ay ipanunukat nila sa inyo.” (Mat. 7:2) May kinalaman sa ating pakikitungo sa iba, aanihin natin ang ating inihasik.—Gal. 6:7.

(Lucas 6:38) Ugaliin ang pagbibigay, at ang mga tao ay magbibigay sa inyo. Ibubuhos nila sa inyong kandungan ang sukat na mainam, pinikpik, niliglig at umaapaw. Sapagkat ang panukat na inyong ipinanunukat ay ipanunukat nila sa inyo bilang ganti.

nwtsty study note sa Luc 6:38

Ugaliin ang pagbibigay: O “Patuloy na magbigay.” Ang pandiwang Griego na ginamit dito ay nagpapahiwatig ng patuluyang pagkilos.

(Lucas 6:38) Ugaliin ang pagbibigay, at ang mga tao ay magbibigay sa inyo. Ibubuhos nila sa inyong kandungan ang sukat na mainam, pinikpik, niliglig at umaapaw. Sapagkat ang panukat na inyong ipinanunukat ay ipanunukat nila sa inyo bilang ganti.

nwtsty study note sa Luc 6:38

inyong kandungan: Ang salitang Griego ay literal na nangangahulugang “inyong dibdib.” Pero sa kontekstong ito, malamang na tumutukoy ito sa tupi ng maluwag na tela ng panlabas na kasuotan, na nagsisilbing bulsa sa bandang itaas ng sinturon. Ang ‘pagbubuhos sa kandungan’ ay posibleng tumutukoy sa kaugalian ng ilang nagtitinda na ibuhos sa tuping ito ang produkto na binili sa kanila.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Lucas 6:12, 13) Sa paglakad ng mga araw na ito ay umalis siya patungo sa bundok upang manalangin, at nagpatuloy siya sa pananalangin sa Diyos nang buong gabi. 13 Ngunit nang maging araw na ay tinawag niya ang kaniyang mga alagad at pumili sa kanila ng labindalawa, na tinawag din niyang “mga apostol”:

w07 8/1 6 ¶1

Paano Ka Magkakaroon ng Tunay na Espirituwalidad?

Madalas na maraming oras ang ginugugol ni Jesus sa pananalangin. (Juan 17:1-26) Halimbawa, bago siya pumili ng 12 lalaki para maging apostol, “umalis [si Jesus] patungo sa bundok upang manalangin, at nagpatuloy siya sa pananalangin sa Diyos nang buong gabi.” (Lucas 6:12) Bagaman hindi naman kailangang manalangin nang buong gabi, tinutularan ng mga taong palaisip sa espirituwal ang halimbawa ni Jesus. Bago gumawa ng mabibigat na pasiya, gumugugol din sila ng maraming panahon sa pananalangin sa Diyos at humihiling ng gabay ng banal na espiritu upang ang kanilang pasiya ay makapagpatibay ng kanilang espirituwalidad.

(Lucas 7:35) Gayunpaman, ang karunungan ay pinatutunayang matuwid ng lahat ng mga anak nito.

nwtsty study note sa Luc 7:35

mga anak nito: O “mga bunga nito.” Dito, inihalintulad sa tao ang karunungan at sinasabing may mga anak ito. Sa katulad na ulat sa Mat 11:19, sinasabing ang karunungan ay may mga “gawa.” Ang mga anak, o gawa, ng karunungan, na kitang-kita sa buhay ni Juan Bautista at ni Jesus, ay nagpapatunay na hindi totoo ang mga akusasyon laban sa kanila. Kaya parang sinasabi ni Jesus: ‘Tingnan ninyo ang matuwid na mga gawa at paggawi, at malalaman ninyong hindi totoo ang paratang.’

Pagbabasa ng Bibliya

(Lucas 7:36-50) At isa sa mga Pariseo ang patuloy na humihiling sa kaniya na kumaing kasama niya. Alinsunod dito ay pumasok siya sa bahay ng Pariseo at humilig sa mesa. 37 At, narito! isang babae na kilala sa lunsod bilang isang makasalanan ang nakaalam na nakahilig siya sa kainan sa bahay ng Pariseo, at nagdala ito ng isang sisidlang alabastro ng mabangong langis, 38 at, pagkatapos na lumagay sa likuran ng kaniyang mga paa, tumangis ang babae at pinasimulang basain ng kaniyang mga luha ang kaniyang mga paa at pinunasan niya ang mga iyon ng buhok ng kaniyang ulo. Gayundin, magiliw na hinalikan ng babae ang kaniyang mga paa at pinahiran ng mabangong langis. 39 Nang makita ito, ang Pariseo na nag-anyaya sa kaniya ay nagsabi sa loob niya: “Ang taong ito, kung siya nga ay propeta, ay makakakilala kung sino at kung anong uri ng babae ang humihipo sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.” 40 Ngunit bilang tugon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Simon, mayroon akong sasabihin sa iyo.” Sinabi niya: “Guro, sabihin mo!” 41 “Dalawang tao ang may utang sa isang nagpapahiram; ang isa ay nagkautang ng limang daang denario, ngunit ang isa pa ay limampu. 42 Nang wala silang anumang maibayad, kapuwa niya sila pinatawad nang lubusan. Kung gayon, sino sa kanila ang iibig sa kaniya nang higit?” 43 Bilang sagot ay sinabi ni Simon: “Sa palagay ko ay ang isa na lubusan niyang pinatawad nang higit.” Sinabi niya sa kaniya: “Wasto ang iyong paghatol.” 44 Nang magkagayon ay bumaling siya sa babae at sinabi kay Simon: “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay; hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa. Ngunit binasâ ng babaing ito ng kaniyang mga luha ang aking mga paa at pinunasan ng kaniyang buhok. 45 Wala kang halik na ibinigay sa akin; ngunit ang babaing ito, mula nang oras na pumasok ako, ay hindi tumigil sa magiliw na paghalik sa aking mga paa. 46 Hindi mo pinahiran ng langis ang aking ulo; ngunit pinahiran ng babaing ito ng mabangong langis ang aking mga paa. 47 Dahil dito, sinasabi ko sa iyo, ang kaniyang mga kasalanan, bagaman marami, ay pinatatawad na, sapagkat umibig siya nang higit; ngunit siya na pinatatawad nang kaunti ay umiibig nang kaunti.” 48 Nang magkagayon ay sinabi niya sa babae: “Ang iyong mga kasalanan ay pinatatawad na.” 49 Dahil dito yaong mga kasama niyang nakahilig sa mesa ay nagsimulang magsabi sa kanilang sarili: “Sino ang taong ito na nagpapatawad nga ng mga kasalanan?” 50 Ngunit sinabi niya sa babae: “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya; humayo ka nang payapa.”

HULYO 9-15

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LUCAS 8-9

“Maging Tagasunod Kita—Ano ang Kailangan?”

(Lucas 9:57, 58) Habang humahayo nga sila sa daan, may nagsabi sa kaniya: “Susundan kita saan ka man pumaroon.” 58 At sinabi ni Jesus sa kaniya: “Ang mga sorra ay may mga lungga at ang mga ibon sa langit ay may mga dapuan, ngunit ang Anak ng tao ay walang dakong mahihigan ng kaniyang ulo.”

it-2 980

Pugad

Nang sabihin ng isang eskriba kay Jesus: “Guro, susundan kita saan ka man pumaroon,” tumugon si Jesus: “Ang mga sorra ay may mga lungga at ang mga ibon sa langit ay may mga dapuan, ngunit ang Anak ng tao ay walang dakong mahihigan ng kaniyang ulo.” (Mat 8:19, 20; Luc 9:57, 58) Dito, ipinakita ni Jesus na upang maging kaniyang tagasunod, dapat kalimutan ng lalaki ang pagtatamasa ng karaniwang kaginhawahan at kaalwanan, at dapat siyang lubusang magtiwala kay Jehova. Makikita ang simulaing iyan sa modelong panalanging itinuro ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Ibigay mo sa amin ngayon ang aming tinapay para sa araw na ito,” at sa kaniyang pananalita: “Sa gayon, makatitiyak kayo, walang sinuman sa inyo na hindi nagpapaalam sa lahat ng kaniyang mga pag-aari ang maaaring maging alagad ko.”—Mat 6:11; Luc 14:33.

(Lucas 9:59, 60) Sa gayon ay sinabi niya sa isa pa: “Maging tagasunod kita.” Sinabi ng lalaki: “Pahintulutan mo muna akong umalis at ilibing ang aking ama.” 60 Ngunit sinabi niya sa kaniya: “Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay, ngunit humayo ka at ipahayag nang malawakan ang kaharian ng Diyos.”

nwtsty study note sa Luc 9:59, 60

ilibing ang aking ama: Maliwanag na hindi ito nangangahulugang kamamatay lang ng ama ng lalaking iyon at gusto muna niyang isaayos ang libing nito. Kung ganoon kasi ang sitwasyon, malamang na wala siya roon para makipag-usap kay Jesus. Sa Gitnang Silangan noon, kapag namatay ang isang kapamilya, inililibing ito agad, kadalasan nang sa araw ding iyon. Kaya malamang na may sakit o may edad na ang ama ng lalaking iyon, hindi patay. Siguradong hindi rin sasabihin ni Jesus sa lalaki na pabayaan ang magulang niyang may sakit at nangangailangan ng tulong, kaya malamang na may ibang kapamilya na puwedeng mag-asikaso rito. (Mar 7:9-13) Kaya para bang ang sinasabi ng lalaki ay ‘Susundan kita, pero hihintayin ko munang mamatay ang ama ko at mailibing siya.’ Pero sa pananaw ni Jesus, pinalalampas ng lalaking ito ang pagkakataong unahin ang Kaharian ng Diyos sa buhay niya.—Luc 9:60, 62.

Hayaan mong ilibing ng mga patay ang kanilang mga patay: Gaya ng ipinapakita ng study note sa Luc 9:59, malamang na ang ama ng lalaking kausap ni Jesus ay may sakit o may edad, at hindi pa patay. Kaya maliwanag na ang sinasabi ni Jesus ay ‘Hayaan mong ilibing ng mga patay sa espirituwal ang kanilang mga patay,’ o, hayaan ng lalaki ang mga kamag-anak niya na alagaan ang kaniyang ama hanggang sa mamatay ito at ilibing. Kung susunod siya kay Jesus, aakayin siya nito sa buhay na walang hanggan at hindi siya mapapasama sa mga patay sa espirituwal sa paningin ng Diyos. Sa sagot ni Jesus, ipinakita niyang para manatiling buháy sa espirituwal, mahalagang unahin ang Kaharian ng Diyos at ihayag ito sa lahat.

(Lucas 9:61, 62) At may isa pang nagsabi: “Susundan kita, Panginoon; ngunit pahintulutan mo muna akong magpaalam sa aking mga kasambahay.” 62 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Walang taong naglagay ng kaniyang kamay sa araro at tumitingin sa mga bagay na nasa likuran ang karapat-dapat sa kaharian ng Diyos.”

nwtsty media

Pag-aararo

Ang pag-aararo ay kadalasan nang ginagawa sa taglagas, kapag napalambot na ng ulan ang lupang tumigas dahil sa tag-init. (Tingnan ang Ap. B15.) Ang ilang araro ay isang piraso lang ng kahoy na matulis ang dulo, marahil ay nilagyan ng metal, at nakakabit sa isa pang piraso ng kahoy na hinihila ng isa o higit pang mga hayop. Matapos araruhin ang lupa, inihahasik ang binhi. Pamilyar ang mga tao noon sa pag-aararo, kaya madalas itong gamitin sa mga ilustrasyon sa Hebreong Kasulatan. (Huk 14:18; Isa 2:4; Jer 4:3; Mik 4:3) Madalas ding gamiting halimbawa ni Jesus ang mga gawaing pang-agrikultura para magturo ng mahahalagang aral. Halimbawa, ginamit niya ang pag-aararo para idiin ang kahalagahan ng buong-pusong paglilingkod bilang alagad. (Luc 9:62) Kung ang isang nag-aararo ay magagambala habang nagtatrabaho, mapapaling ang mga tudling na ginagawa niya. Sa katulad na paraan, ang alagad ni Kristo na nagagambala o umiiwas sa pagganap sa mga pananagutan niya ay nagiging di-karapat-dapat sa Kaharian ng Diyos.

w12 4/15 15-16 ¶11-13

Panatilihin ang Isang Sakdal na Puso kay Jehova

11 Para mas maunawaan natin ang aral sa ilustrasyon ni Jesus, dagdagan natin ito ng ilang detalye. Isang magbubukid ang abala sa pag-aararo. Pero habang nag-aararo, iniisip-isip niya ang kaniyang tahanan kung saan naroon ang kaniyang mga kapamilya at kaibigan, may pagkain, musika, tawanan, at masisilungan. Nasasabik siya sa mga ito. Pagkatapos mag-araro nang matagal-tagal, tumindi nang tumindi ang pagnanais niya sa mga bagay na iyon anupat lumingon siya at tumingin “sa mga bagay na nasa likuran.” Bagaman napakarami pang dapat gawin bago matamnan ang bukid, hindi na siya makapagpokus kaya naapektuhan ang kaniyang trabaho. Siyempre pa, dismayadung-dismayado ang amo sa kawalan ng pagtitiyaga ng kaniyang tauhan.

12 Isaalang-alang naman natin kung paano ito maaaring mangyari sa ngayon. Ang magbubukid ay maaaring lumarawan sa sinumang Kristiyano na mukhang mahusay naman pero ang totoo’y nanganganib sa espirituwal. Kuning halimbawa ang isang brother na regular namang dumadalo sa pulong at abala sa kaniyang ministeryo. Sa kabila nito, hindi maalis-alis sa isip niya ang ilang bagay sa sanlibutan na kaakit-akit sa kaniya. Sa kaibuturan ng kaniyang puso, gustung-gusto niya ang mga ito. Pagkatapos niyang maglingkod sa Diyos sa loob ng maraming taon, ang paghahangad niya sa mga bagay ng sanlibutan ay tumindi nang tumindi anupat lumingon siya at tumingin “sa mga bagay na nasa likuran.” Bagaman marami pang gawain sa ministeryo, hindi siya ‘mahigpit na kumapit sa salita ng buhay,’ at napabayaan niya ang kaniyang mga gawaing teokratiko. (Fil. 2:16) Tiyak na nalulungkot si Jehova, ang “Panginoon ng pag-aani,” sa gayong kawalan ng pagtitiyaga.—Luc. 10:2.

13 Malinaw ang aral. Hindi sapat ang pagiging regular sa mga pulong at sa ministeryo para makapaglingkod kay Jehova nang may sakdal na puso. (2 Cro. 25:1, 2, 27) Kung sa kaibuturan ng puso ng isang Kristiyano ay patuloy niyang iniibig ang “mga bagay na nasa likuran”—samakatuwid nga, mga bagay na bahagi ng pamumuhay ng sanlibutang ito—nanganganib ang kaniyang mabuting katayuan sa Diyos. (Luc. 17:32) Magiging “karapat-dapat [lang tayo] sa kaharian ng Diyos” kung ‘kamumuhian natin ang balakyot at kakapit tayo sa mabuti.’ (Luc. 9:62; Roma 12:9) Kahit may mga bagay sa sanlibutan ni Satanas na tila kapaki-pakinabang o kanais-nais, dapat nating tiyakin na walang makapagpapahinto sa atin sa buong-pusong paglilingkod sa Diyos.—2 Cor. 11:14; basahin ang Filipos 3:13, 14.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Lucas 8:3) at si Juana na asawa ni Cuza, na tauhang tagapangasiwa ni Herodes, at si Susana at marami pang ibang babae na naglilingkod sa kanila mula sa kanilang mga tinatangkilik.

nwtsty study note sa Luc 8:3

naglilingkod sa kanila: O “sumusuporta (naglalaan para) sa kanila.” Ang salitang Griego na di·a·ko·neʹo ay puwedeng tumukoy sa pag-aasikaso sa pangangailangan ng iba sa pamamagitan ng pagbili, pagluluto, at paghahain ng pagkain, at iba pa. Ganiyan ang pagkakagamit sa salitang ito sa Luc 10:40 (“mag-asikaso sa mga bagay-bagay”), Luc 12:37 (“maglilingkod”), Luc 17:8 (“paglingkuran”), at Gaw 6:2 (“mamahagi ng pagkain”), pero puwede rin itong tumukoy sa lahat ng iba pang katulad na paglilingkod. Dito, inilalarawan kung paano sinuportahan si Jesus at ang kaniyang mga alagad ng mga babaeng nabanggit sa talata 2 at 3 kaya nagampanan nila ang kanilang bigay-Diyos na atas. Sa paggawa nito, naluwalhati ng mga babaeng ito ang Diyos. Ipinakita naman ng Diyos ang pagpapahalaga niya nang ipasulat niya sa Bibliya ang kanilang pagkabukas-palad para mabasa ng susunod na mga henerasyon. (Kaw 19:17; Heb 6:10) Sa Mat 27:55 at Mar 15:41, iniugnay rin sa mga babae ang terminong Griego na ito.

(Lucas 9:49, 50) Bilang tugon ay sinabi ni Juan: “Tagapagturo, nakita namin ang isang tao na nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng paggamit ng iyong pangalan at sinikap naming pigilan siya, sapagkat hindi siya sumusunod na kasama namin.” 50 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: “Huwag ninyo siyang tangkaing pigilan, sapagkat siya na hindi laban sa inyo ay panig sa inyo.”

w08 3/15 31 ¶3

Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Lucas

9:49, 50—Bakit hindi pinigilan ni Jesus ang isang taong nagpapalayas ng mga demonyo, gayong hindi naman niya ito kasama? Hindi pinigilan ni Jesus ang lalaki dahil hindi pa naman naitatatag noon ang kongregasyong Kristiyano. Kaya hindi kahilingang sumama kay Jesus ang taong iyon para manampalataya sa pangalan ni Jesus at makapagpalayas ng mga demonyo.—Mar. 9:38-40.

Pagbabasa ng Bibliya

(Lucas 8:1-15) Di-kalaunan ay naglakbay siya sa bawat lunsod at sa bawat nayon, na ipinangangaral at ipinahahayag ang mabuting balita ng kaharian ng Diyos. At ang labindalawa ay kasama niya, 2 at ang ilang babae na napagaling sa mga balakyot na espiritu at mga sakit, si Maria na tinatawag na Magdalena, na nilabasan ng pitong demonyo, 3 at si Juana na asawa ni Cuza, na tauhang tagapangasiwa ni Herodes, at si Susana at marami pang ibang babae na naglilingkod sa kanila mula sa kanilang mga tinatangkilik. 4 At nang isang malaking pulutong ang maipong kasama niyaong mga pumaroon sa kaniya sa bawat lunsod, siya ay nagsalita sa pamamagitan ng isang ilustrasyon: 5 “Isang manghahasik ang lumabas upang maghasik ng kaniyang binhi. Buweno, habang naghahasik siya, ang ilan sa mga iyon ay nahulog sa tabi ng daan at nayurakan, at inubos ito ng mga ibon sa langit. 6 Ang iba ay nahulog sa ibabaw ng batong-limpak, at, pagkasibol, ito ay natuyo sapagkat walang halumigmig. 7 Ang iba ay nahulog sa gitna ng mga tinik, at sinakal ito ng mga tinik na tumubong kasama nito. 8 Ang iba ay nahulog sa mabuting lupa, at, pagkasibol, ito ay nagluwal ng bunga na isang daang ulit.” Habang sinasabi niya ang mga bagay na ito, siya ay sumigaw: “Siya na may mga tainga upang makinig ay makinig.” 9 Ngunit ang kaniyang mga alagad ay nagsimulang magtanong sa kaniya kung ano ang kahulugan ng ilustrasyong ito. 10 Sinabi niya: “Sa inyo ay ipinagkakaloob na maunawaan ang mga sagradong lihim ng kaharian ng Diyos, ngunit para sa iba ito ay nasa mga ilustrasyon, upang, bagaman tumitingin, sila ay makatingin nang walang kabuluhan at, bagaman nakaririnig, ay hindi nila makuha ang kahulugan. 11 Ito nga ang kahulugan ng ilustrasyon: Ang binhi ay ang salita ng Diyos. 12 Yaong mga nasa tabi ng daan ay ang mga nakarinig, pagkatapos ay dumarating ang Diyablo at kinukuha ang salita mula sa kanilang mga puso upang hindi sila maniwala at maligtas. 13 Ang mga nasa ibabaw ng batong-limpak ay yaong mga tumatanggap sa salita nang may kagalakan kapag narinig nila ito, ngunit ang mga ito ay walang ugat; sila ay naniniwala sa loob ng isang kapanahunan, ngunit sa kapanahunan ng pagsubok ay humihiwalay sila. 14 Kung tungkol doon sa nahulog sa gitna ng mga tinik, ito yaong mga nakarinig, ngunit, sa pagpapadala sa mga kabalisahan at mga kayamanan at mga kaluguran sa buhay na ito, sila ay lubusang nasasakal at walang anumang dinadala sa kasakdalan. 15 Kung tungkol doon sa nasa mainam na lupa, ito yaong mga pagkarinig sa salita taglay ang mainam at mabuting puso ay nagpapanatili nito at nagbubunga nang may pagbabata.

HULYO 16-22

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LUCAS 10-11

“Ang Talinghaga Tungkol sa Mapagkawanggawang Samaritano”

(Lucas 10:29-32) Ngunit, sa pagnanais na patunayang matuwid ang kaniyang sarili, sinabi ng lalaki kay Jesus: “Sino ba talaga ang aking kapuwa?” 30 Bilang tugon ay sinabi ni Jesus: “Isang tao ang bumababa mula sa Jerusalem patungong Jerico at nahulog sa kamay ng mga magnanakaw, na siya ay kapuwa hinubaran at pinaghahampas, at nagsialis, na iniwan siyang halos patay na. 31 At, nagkataon naman, isang saserdote ang bumababa sa daang iyon, ngunit, nang makita siya nito, dumaan ito sa kabilang tabi. 32 Gayundin, ang isang Levita rin, nang makababa ito sa dakong iyon at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.

nwtsty media

Ang Daan Mula sa Jerusalem Patungong Jerico

Ang daan (1) na makikita sa maikling video na ito ay malamang na katulad ng sinaunang daan na nagdurugtong sa Jerusalem at sa Jerico. Ang daang iyon ay mahigit 20 km, matarik, at paliko-liko. Dahil walang katao-tao rito, napakadalas ng nakawán sa lugar na ito kaya naglagay roon ng isang himpilan ng mga sundalo para protektahan ang mga manlalakbay. Ang Romanong Jerico (2) ay matatagpuan malapit sa daang palabas sa ilang ng Judea. Ang mas matandang lunsod ng Jerico (3) ay matatagpuan halos 2 km (mahigit 1 mi lang) mula sa Romanong lunsod.

w02 9/1 16-17 ¶14-15

“Kung Walang Ilustrasyon ay Hindi Siya Nagsasalita sa Kanila”

14 Ikalawa, alalahanin ang talinghaga hinggil sa mapagkawanggawang Samaritano. Nagsimula si Jesus sa pagsasabing: “Isang tao ang bumababa mula sa Jerusalem patungong Jerico at nahulog sa kamay ng mga magnanakaw, na siya ay kapuwa hinubaran at pinaghahampas, at nagsialis, na iniwan siyang halos patay na.” (Lucas 10:30) Kapansin-pansin, ginamit ni Jesus ang daang bumabagtas “mula sa Jerusalem patungong Jerico” upang palitawin ang kaniyang punto. Nang ilahad niya ang talinghagang ito, siya ay nasa Judea, hindi kalayuan mula sa Jerusalem; kaya malamang na alam ng kaniyang mga tagapakinig ang tungkol sa inilarawang daan. Ang partikular na daang iyon ay kilalang mapanganib, lalo na para sa sinuman na mag-isang naglalakbay. Paliku-liko ito sa iláng na lugar, anupat maraming mapagkukublihan ang mga magnanakaw.

15 May isang bagay pa na kapansin-pansin sa pagbanggit ni Jesus sa daang ‘pababa mula sa Jerusalem patungong Jerico.’ Ayon sa istorya, una ay isang saserdote at pagkatapos ay isang Levita naman ang dumaan din sa daang iyon—bagaman pareho silang hindi huminto upang tulungan ang biktima. (Lucas 10:31, 32) Ang mga saserdote ay naglilingkod sa templo sa Jerusalem, at tinutulungan naman sila ng mga Levita. Maraming saserdote at Levita ang naninirahan sa Jerico kapag hindi sila nagtatrabaho sa templo, sapagkat ang Jerico ay 23 kilometro lamang mula sa Jerusalem. Kaya, walang alinlangan na nakapaglalakbay sila sa daang iyon. Pansinin din na ang saserdote at Levita ay dumaraan doon “mula sa Jerusalem,” sa gayon ay palayo mula sa templo. Kaya walang makatuwirang makapagdadahilan sa pagwawalang-bahala ng mga lalaking ito sa pagsasabing, ‘Iniwasan nila ang sugatang lalaki dahil mukhang patay na siya, at ang paghawak sa isang bangkay ay magpapangyari sa kanila na pansamantalang maging di-karapat-dapat sa paglilingkod sa templo.’ (Levitico 21:1; Bilang 19:11, 16) Hindi ba’t malinaw na inilalarawan ng mga ilustrasyon ni Jesus ang mga bagay na pamilyar sa kaniyang mga tagapakinig?

(Lucas 10:33-35) Ngunit isang Samaritano na naglalakbay sa daang iyon ang dumating sa kaniya at, sa pagkakita sa kaniya, siya ay nahabag. 34 Kaya nilapitan niya siya at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binubuhusan iyon ng langis at alak. Nang magkagayon ay isinakay niya siya sa kaniyang sariling hayop at dinala siya sa isang bahay-tuluyan at inalagaan siya. 35 At nang sumunod na araw ay naglabas siya ng dalawang denario, ibinigay iyon sa may-ari ng bahay-tuluyan, at sinabi, ‘Alagaan mo siya, at anuman ang gugugulin mo bukod pa rito, babayaran ko sa iyo pagbalik ko rito.’

nwtsty study note sa Luc 10:33, 34

isang Samaritano: Karaniwan na, hinahamak ng mga Judio ang mga Samaritano at ayaw makihalubilo sa mga ito. (Ju 4:9) Ginagamit pa nga ng ilang Judio ang terminong “Samaritano” para manlait. (Ju 8:48) Sa Mishna, sinipi ang isang rabbi: “Ang kumakain ng tinapay ng mga Samaritano ay gaya ng kumakain ng karne ng baboy.” (Shebith 8:10) Maraming Judio ang hindi naniniwala sa patotoo ng isang Samaritano at ayaw ring tumanggap ng serbisyo mula rito. Alam ni Jesus na ganito ang pananaw ng karamihan sa mga Judio, kaya nagturo siya ng isang napakahalagang aral sa ilustrasyong ito na karaniwang tinatawag na “Mabuting Samaritano.” 

tinalian ang kaniyang mga sugat, na binubuhusan iyon ng langis at alak: Detalyadong iniulat ng doktor na si Lucas ang ilustrasyon ni Jesus at inilarawan ang paraan ng paggamot noon sa mga sugat. Karaniwang ginagamit dito ang langis at alak. Kung minsan, ginagamit ang langis para palambutin ang mga sugat (ihambing ang Isa 1:6) at ang alak naman para linisin ang sugat at patayin ang mikrobyo. Binanggit din ni Lucas na tinatalian, o binebendahan, ang mga sugat para huwag lumala.

isang bahay-tuluyan: Ang salitang Griego ay literal na nangangahulugang “isang lugar kung saan ang lahat ay tinatanggap o pinapatuloy.” Puwedeng tumuloy rito ang mga manlalakbay at ang kanilang mga hayop. Ang may-ari ng bahay-tuluyan ay naglalaan ng pangunahing pangangailangan ng mga manlalakbay, at puwede rin siyang bayaran para asikasuhin ang mga iiwan sa pangangalaga niya.

(Lucas 10:36, 37) Sino sa tatlong ito sa wari mo ang naging kapuwa ng taong nahulog sa kamay ng mga magnanakaw?” 37 Sinabi niya: “Ang isa na kumilos nang may awa sa kaniya.” Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa kaniya: “Humayo ka at gayundin ang gawin mo.”

w98 7/1 31 ¶2

Isang Samaritano ang Napatunayang Isang Mabuting Kapuwa

Ipinakikita ng talinghaga ni Jesus na ang isang taong talagang matuwid ay isa na hindi lamang sumusunod sa mga batas ng Diyos kundi tinutularan din ang kaniyang mga katangian. (Efeso 5:1) Halimbawa, sinasabi sa atin ng Bibliya na ang “Diyos ay hindi nagtatangi.” (Gawa 10:34) Tinutularan ba natin ang Diyos sa bagay na ito? Ang nakapagpapakilos na talinghaga ni Jesus ay nagpapakita na ang ating pakikipagkapuwa ay dapat na napagtatagumpayan ang pambansa, kultural, at relihiyosong mga hadlang. Tunay, ang mga Kristiyano ay pinayuhan na “gumawa ng mabuti sa lahat”—hindi lamang sa mga tao ng katulad na antas sa lipunan, lahi, o bansa at hindi lamang sa kapuwa mananampalataya.—Galacia 6:10.

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Lucas 10:18) Sa gayon ay sinabi niya sa kanila: “Namamasdan ko na si Satanas na nahulog na tulad ng kidlat mula sa langit.

nwtsty study note sa Luc 10:18

Namamasdan ko na si Satanas na nahulog na tulad ng kidlat mula sa langit: Maliwanag na isang hula ang sinabi ni Jesus; nakikita na niyang napatalsik si Satanas sa langit, na para bang nangyari na iyon. Inilalarawan sa Apo 12:7-9 ang digmaan sa langit, at iniugnay nito ang pagbagsak ni Satanas sa pagsilang ng Mesiyanikong Kaharian. Idiniriin dito ni Jesus na tiyak na matatalo si Satanas at ang mga demonyo nito sa digmaang iyon, dahil kahit di-perpekto ang 70 alagad, nakapagpalayas sila ng mga demonyo dahil sa kapangyarihang ibinigay ng Diyos.—Luc 10:17.

w08 3/15 31 ¶12

Mga Tampok na Bahagi sa Aklat ng Lucas

10:18—Ano ang ibig sabihin ni Jesus nang sabihin niya sa kaniyang 70 alagad: “Namamasdan ko na si Satanas na nahulog na tulad ng kidlat mula sa langit”? Hindi ibig sabihin ni Jesus na pinalayas na noon si Satanas mula sa langit. Nangyari lamang iyon noong 1914, di-nagtagal matapos iluklok si Kristo bilang Hari sa langit. (Apoc. 12:1-10) Lumilitaw na sinabi ni Jesus ang isang pangyayaring magaganap pa lamang na para bang naganap na, upang maidiin niyang tiyak na mangyayari iyon.

(Lucas 11:5-9) Karagdagan pa, sinabi niya sa kanila: “Sino sa inyo ang magkakaroon ng isang kaibigan at paroroon sa kaniya sa hatinggabi at magsasabi sa kaniya, ‘Kaibigan, pautangin mo ako ng tatlong tinapay, 6 sapagkat isang kaibigan ko ang kararating lamang sa akin mula sa isang paglalakbay at wala akong maihain sa kaniya’? 7 At ang isang iyon mula sa loob ay magsasabi bilang tugon, ‘Tigilan mo na ang panggugulo sa akin. Ang pinto ay naitrangka na, at ang aking mga anak ay kasama ko sa higaan; hindi ako maaaring bumangon at magbigay sa iyo ng anuman.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, Bagaman hindi siya babangon at magbibigay sa kaniya ng anuman dahil sa pagiging kaibigan niya, tiyak na dahil sa kaniyang may-tapang na pagpupumilit ay titindig siya at ibibigay sa kaniya ang anumang bagay na kailangan niya. 9 Alinsunod dito ay sinasabi ko sa inyo, Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy na maghanap, at kayo ay makasusumpong; patuloy na kumatok, at bubuksan ito sa inyo.

nwtsty study note sa Luc 11:5-9

Kaibigan, pautangin mo ako ng tatlong tinapay: Sa Gitnang Silangan, napakamapagpatuloy ng mga tao, gaya ng makikita sa ilustrasyong ito. Kahit dumating ang bisita nang di-inaasahan sa hatinggabi, marahil dahil sa mga aberya sa paglalakbay noon, hindi maatim ng may-bahay na wala man lang maipakain dito. Kaya hindi na siya nahiyang istorbohin ang kapitbahay niya para humingi ng pagkain.

Tigilan mo na ang panggugulo sa akin: Sa ilustrasyong ito, ayaw sanang tumulong ng kapitbahay, hindi dahil maramot siya, kundi dahil nakahiga na siya. Kadalasan nang isang malaking kuwarto lang ang mga bahay noon, lalo na ng mahihirap. Kung babangon ang tatay, malamang na maiistorbo ang buong pamilya, pati na ang mga natutulog na bata.

may-tapang na pagpupumilit: Ang salitang Griego para dito ay literal na nangangahulugang “hindi mapagpakumbaba” o “walang kahihiyan.” Pero sa kontekstong ito, tumutukoy ito sa pagiging mapilit at malakas ang loob. Sa ilustrasyon ni Jesus, hindi nahiya ang lalaki at naging mapilit siya hanggang sa makuha ang kailangan niya. Kaya itinuturo ni Jesus na dapat ding maging matiyaga ang mga alagad niya sa pananalangin.—Luc 11:9, 10.

Pagbabasa ng Bibliya

(Lucas 10:1-16) Pagkatapos ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay nag-atas ng pitumpung iba pa at isinugo sila nang dala-dalawa sa unahan niya sa bawat lunsod at dako na kaniya mismong paroroonan. 2 Sa gayon ay pinasimulan niyang sabihin sa kanila: “Tunay nga, ang aanihin ay marami, ngunit ang mga manggagawa ay kakaunti. Kaya nga magsumamo kayo sa Panginoon ng pag-aani na magpadala ng mga manggagawa sa kaniyang pag-aani. 3 Humayo kayo. Narito! Isinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo. 4 Huwag kayong magdala ng supot ng salapi, ni supot ng pagkain, ni mga sandalyas, at huwag yakapin sa daan ang sinuman bilang pagbati. 5 Saanman kayo pumasok sa isang bahay ay sabihin muna, ‘Magkaroon nawa ng kapayapaan ang bahay na ito.’ 6 At kung naroon ang isang kaibigan ng kapayapaan, ang inyong kapayapaan ay mananatili sa kaniya. Ngunit kung wala, babalik ito sa inyo. 7 Kaya manatili kayo sa bahay na iyon, na kinakain at iniinom ang mga bagay na inilalaan nila, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat sa kaniyang kabayaran. Huwag kayong magpalipat-lipat sa bahay-bahay. 8 “Gayundin, saanman kayo pumasok sa isang lunsod at tanggapin nila kayo, kainin ninyo ang mga bagay na inihahain sa inyo, 9 at pagalingin ang mga maysakit doon, at patuloy na sabihin sa kanila, ‘Ang kaharian ng Diyos ay malapit na sa inyo.’ 10 Ngunit saanman kayo pumasok sa isang lunsod at hindi nila kayo tanggapin, lumabas kayo sa malalapad na daan nito at sabihin, 11 ‘Maging ang alabok na dumikit sa aming mga paa mula sa inyong lunsod ay ipinupunas namin laban sa inyo. Gayunpaman, ingatan ninyo ito sa isipan, na ang kaharian ng Diyos ay malapit na.’ 12 Sinasabi ko sa inyo na higit na mababata ng Sodoma ang araw na iyon kaysa sa lunsod na iyon. 13 “Sa aba mo, Corazin! Sa aba mo, Betsaida! sapagkat kung ang makapangyarihang mga gawa na naganap sa inyo ay naganap sa Tiro at Sidon, matagal na sana silang nagsisi, na nakaupong may telang-sako at abo. 14 Dahil dito ay higit na mababata ng Tiro at Sidon ang paghuhukom kaysa sa inyo. 15 At ikaw, Capernaum, itataas ka kaya sa langit? Sa Hades ka ibababa! 16 “Siya na nakikinig sa inyo ay nakikinig din sa akin. At siya na nagwawalang-halaga sa inyo ay nagwawalang-halaga rin sa akin. Isa pa, siya na nagwawalang-halaga sa akin ay nagwawalang-halaga rin sa kaniya na nagsugo sa akin.”

HULYO 23-29

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LUCAS 12-13

“Mas Mahalaga Kayo Kaysa sa Maraming Maya”

(Lucas 12:6) Ang limang maya ay ipinagbibili sa dalawang barya na maliit ang halaga, hindi ba? Gayunma’y walang isa man sa kanila ang nalilimutan sa harap ng Diyos.

nwtsty study note sa Luc 12:6

maya: Ang salitang Griego na strou·thiʹon ay nasa anyong diminutive at tumutukoy sa anumang maliit na ibon, pero madalas itong tumukoy sa maya, ang pinakamurang ibon na ipinagbibili bilang pagkain.

(Lucas 12:7) Ngunit maging ang mga buhok ng inyong mga ulo ay biláng na lahat. Huwag kayong matakot; mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.

nwtsty study note sa Luc 12:7

maging ang mga buhok ng inyong mga ulo ay biláng na lahat: Karaniwan na, mahigit 100,000 ang bilang ng buhok sa ulo ng isang tao. Dahil alam ni Jehova kahit ang napakaliit na detalyeng ito, garantiya ito na talagang interesado siya sa bawat tagasunod ni Kristo.

(Lucas 12:7) Ngunit maging ang mga buhok ng inyong mga ulo ay biláng na lahat. Huwag kayong matakot; mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.

cl 241 ¶4-5

Walang “Makapaghihiwalay sa Atin sa Pag-ibig ng Diyos”

4 Una, tuwirang itinuturo ng Bibliya na nakikita ng Diyos ang halaga ng bawat lingkod niya. Halimbawa, sinabi ni Jesus: “Hindi ba ang dalawang maya ay ipinagbibili sa isang barya na maliit ang halaga? Gayunma’y walang isa man sa kanila ang mahuhulog sa lupa nang hindi nalalaman ng inyong Ama. Ngunit ang mismong mga buhok ng inyong ulo ay biláng na lahat. Kaya nga huwag kayong matakot: nagkakahalaga kayo nang higit kaysa sa maraming maya.” (Mateo 10:29-31) Isaalang-alang ang kahulugan ng mga salitang iyan sa mga tagapakinig ni Jesus noong unang siglo.

5 Maaaring magtaka tayo kung bakit may bumibili pa ng maya. Buweno, noong kapanahunan ni Jesus, ang maya ang pinakamura sa mga ibong ipinagbibili bilang pagkain. Pansinin na sa isang barya na maliit ang halaga, ang nakabili ay nagkaroon ng dalawang maya. Subalit sa ibang pagkakataon ay sinabi ni Jesus na kung handang gumugol ang isang tao ng dalawang barya, magkakaroon siya, hindi ng apat na maya, kundi lima. Ang isa pang ibon ay idinagdag na para bang wala itong anumang halaga. Marahil ay wala ngang halaga ang gayong mga kinapal sa paningin ng mga tao, subalit ano naman kaya ang pangmalas ng Maylalang sa kanila? Sinabi ni Jesus: “Walang isa man sa kanila [kahit na ang isa na idinagdag] ang nalilimutan sa harap ng Diyos.” (Lucas 12:6, 7) Maaaring maunawaan na natin ngayon ang punto ni Jesus. Kung si Jehova ay nagpapahalaga sa isang maya, lalo pa ngang higit na mahalaga ang isang tao! Gaya ng ipinaliwanag ni Jesus, alam ni Jehova ang bawat detalye tungkol sa atin. Aba, ang mismong mga buhok ng ating ulo ay biláng!

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Lucas 13:24) “Magpunyagi kayo nang buong-lakas upang makapasok sa makipot na pinto, sapagkat, sinasabi ko sa inyo, marami ang maghahangad na makapasok ngunit hindi ito magagawa.

nwtsty study note sa Luc 13:24

Magpunyagi kayo nang buong-lakas: O “Patuloy na makipaglaban.” Idiniriin dito ni Jesus na kailangang ibigay ng isa ang buong makakaya niya para makapasok sa makipot na pinto. Ayon sa iba’t ibang reperensiya, puwede rin itong isalin sa tekstong ito na “Magsikap nang husto; Gawin ang lahat.” Ang pandiwang Griego na a·go·niʹzo·mai ay nauugnay sa pangngalang Griego na a·gonʹ, na madalas gamitin para tumukoy sa kompetisyon ng mga atleta. Sa Heb 12:1, ginamit ang terminong ito para sa Kristiyanong “takbuhan” tungo sa buhay. Isinasalin din itong “pakikipagpunyagi” (Fil 1:30; Col 2:1) o “pakikipaglaban” (1Ti 6:12; 2Ti 4:7). Ang mga anyo ng pandiwang Griego na ginamit sa Luc 13:24 ay isinaling “nakikibahagi sa isang paligsahan” (1Co 9:25), “nagpupunyagi” (Col 1:29; 4:12; 1Ti 4:10), at “ipakipaglaban” (1Ti 6:12). Dahil iniuugnay ang ekspresyong ito sa kompetisyon ng mga atleta, sinasabi ng ilan na pinasisigla ni Jesus ang mga alagad niya na magsikap na katulad ng isang atleta na ibinubuhos ang buong makakaya para mapanalunan ang gantimpala.

(Lucas 13:33) Gayunpaman, dapat akong humayo ngayon at bukas at sa susunod na araw, sapagkat hindi marapat na ang isang propeta ay mapuksa sa labas ng Jerusalem.

nwtsty study note sa Luc 13:33

hindi marapat: O “imposible (malayong mangyari).” Walang hula sa Bibliya na tuwirang nagsasabi na sa Jerusalem mamamatay ang Mesiyas, pero puwedeng makuha ang ideyang ito sa Dan 9:24-26. Makatuwiran ding isipin na kung ang mga Judio ay papatay ng propeta, partikular na ang Mesiyas, gagawin nila iyon sa Jerusalem. Doon nagtitipon ang 71 miyembro ng Sanedrin, ang mataas na hukuman, kaya doon lilitisin ang mga inaakusahan bilang huwad na propeta. Baka naisip din ni Jesus na sa Jerusalem regular na inihahandog ang mga hain sa Diyos at pinapatay ang kordero ng Paskuwa. At nagkatotoo nga ang sinabi ni Jesus. Dinala siya sa harap ng Sanedrin sa Jerusalem at hinatulan. Doon din siya namatay bilang kordero ng Paskuwa, sa labas lang ng mga pader nito.—1Co 5:7.

Pagbabasa ng Bibliya

(Lucas 12:22-40) Sa gayon ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad: “Dahil dito ay sinasabi ko sa inyo, Tigilan na ninyo ang pagkabalisa tungkol sa inyong mga kaluluwa kung ano ang inyong kakainin o tungkol sa inyong mga katawan kung ano ang inyong isusuot. 23 Sapagkat ang kaluluwa ay higit na mahalaga kaysa sa pagkain at ang katawan kaysa sa pananamit. 24 Pansinin ninyong mabuti na ang mga uwak ay hindi naghahasik ng binhi ni gumagapas, at wala silang bangan ni kamalig man, at gayunma’y pinakakain sila ng Diyos. Gaano pa ngang higit ang halaga ninyo kaysa sa mga ibon? 25 Sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa haba ng kaniyang buhay? 26 Samakatuwid, kung hindi ninyo magagawa ang pinakamaliit na bagay, bakit kayo mababalisa tungkol sa iba pang mga bagay? 27 Pansinin ninyong mabuti kung paanong tumutubo ang mga liryo; hindi sila nagpapagal ni nag-iikid; ngunit sinasabi ko sa inyo, Kahit si Solomon sa kaniyang buong kaluwalhatian ay hindi nagayakan na gaya ng isa sa mga ito. 28 Kung dinaramtan nga ng Diyos nang gayon ang pananim sa parang na umiiral ngayon at bukas ay inihahagis sa pugon, lalo pa ngang higit na daramtan niya kayo, kayo na may kakaunting pananampalataya! 29 Kaya tigilan na ninyo ang paghahanap ng inyong kakainin at ng inyong iinumin, at tigilan na ninyo ang labis na pagkabalisa; 30 sapagkat ang lahat ng ito ang mga bagay na masikap na hinahanap ng mga bansa ng sanlibutan, ngunit nalalaman ng inyong Ama na kailangan ninyo ang mga bagay na ito. 31 Gayunpaman, patuluyan ninyong hanapin ang kaniyang kaharian, at ang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo. 32 “Huwag kang matakot, munting kawan, sapagkat sinang-ayunan ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. 33 Ipagbili ninyo ang inyong mga pag-aari at magbigay kayo ng mga kaloob ng awa. Gumawa kayo para sa inyong sarili ng mga supot na hindi naluluma, isang di-nabibigong kayamanan sa langit, kung saan ang magnanakaw ay hindi nakalalapit ni ang tangà man ay nang-uubos. 34 Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan, doroon din ang inyong mga puso. 35 “Bigkisan ninyo ang inyong mga balakang at paningasin ang inyong mga lampara, 36 at kayo mismo ay maging tulad ng mga taong naghihintay sa kanilang panginoon kapag bumalik siya mula sa kasalan, upang sa kaniyang pagdating at pagkatok ay karaka-raka nilang mapagbuksan siya. 37 Maligaya ang mga aliping iyon na sa pagdating ng panginoon ay masumpungang nagbabantay! Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bibigkisan niya ang kaniyang sarili at pahihiligin sila sa mesa at lalapit at maglilingkod sa kanila. 38 At kung dumating siya sa ikalawang pagbabantay, kahit pa sa ikatlo, at masumpungan silang gayon, maligaya sila! 39 Ngunit alamin ninyo ito, na kung nalaman lamang ng may-bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, patuloy sana siyang nagbantay at hindi hinayaang malooban ang kaniyang bahay. 40 Kayo rin, manatiling handa, sapagkat sa oras na hindi ninyo sukat akalain ang Anak ng tao ay darating.”

HULYO 30–AGOSTO 5

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | LUCAS 14-16

“Ang Talinghaga Tungkol sa Alibughang Anak”

(Lucas 15:11-16) Nang magkagayon ay sinabi niya: “Isang tao ang may dalawang anak na lalaki. 12 At ang nakababata sa kanila ay nagsabi sa kaniyang ama, ‘Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng ari-arian na mapupunta sa akin.’ Nang magkagayon ay hinati niya sa kanila ang kaniyang kabuhayan. 13 Nang maglaon, pagkatapos ng hindi karamihang araw, tinipon ng nakababatang anak ang lahat ng mga bagay at naglakbay sa ibang bayan sa isang malayong lupain, at doon nilustay ang kaniyang ari-arian sa buktot na pamumuhay. 14 Nang maubos na niya ang lahat, nagkaroon ng isang matinding taggutom sa buong lupaing iyon, at nagpasimula siyang mangailangan. 15 Yumaon pa man din siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan ng lupaing iyon, at pinapunta siya nito sa kaniyang parang upang mag-alaga ng mga baboy. 16 At ninasa niyang mabusog sa mga bunga ng algarroba na kinakain ng mga baboy, at walang sinumang magbigay sa kaniya ng anuman.

nwtsty study note sa Luc 15:11-16

Isang tao ang may dalawang anak na lalaki: Natatangi ang ilang bagay sa ilustrasyon tungkol sa alibughang anak. Isa ito sa pinakamahahabang ilustrasyon ni Jesus. Kapansin-pansin dito ang inilarawan niyang ugnayang pampamilya. Sa ibang ilustrasyon, madalas gamitin ni Jesus ang walang-buhay na mga bagay, gaya ng iba’t ibang uri ng binhi o lupa, o ang kaugnayan ng panginoon sa mga alipin niya. (Mat 13:18-30; 25:14-30; Luc 19:12-27) Pero sa ilustrasyong ito, itinampok ni Jesus ang napakalapít na kaugnayan ng isang ama at ng mga anak niya. Baka marami sa mga nakakarinig ng ilustrasyong ito ang hindi nakaranas na magkaroon ng isang mabait at mapagmahal na ama. Ipinapakita ng ilustrasyong ito ang matinding malasakit at pag-ibig ng ating makalangit na Ama para sa kaniyang mga anak sa lupa, kapuwa ang mga nananatiling tapat sa kaniya at ang mga nanumbalik pagkatapos maligaw ng landas.

ang nakababata: Ayon sa Kautusang Mosaiko, dobleng bahagi ang napupunta sa panganay. (Deu 21:17) Kung ang nakatatandang anak sa ilustrasyong ito ay panganay, ang mana ng nakababata ay kalahati ng mana ng kaniyang kuya.

nilustay: Ang salitang Griego na ginamit dito ay literal na nangangahulugang “ikalat (sa iba’t ibang direksiyon).” (Luc 1:51; Gaw 5:37) Sa Mat 25:24, 26, isinalin itong “nagtahip.” Sa kontekstong ito, nangangahulugan naman ito ng pagiging maaksaya at gastador.

buktot na pamumuhay: O “maaksayang (pariwarang; walang-direksiyong) pamumuhay.” Isang kaugnay na salitang Griego na may gayon ding kahulugan ang ginamit sa Efe 5:18; Tit 1:6; 1Pe 4:4. Dahil ang salitang Griego ay nangangahulugan din ng pagiging gastador o maaksaya, ginagamit ng ilang salin ng Bibliya ang pananalitang “maluhong pamumuhay.”

mag-alaga ng mga baboy: Ayon sa Kautusan, marumi ang mga baboy, kaya ito ay isang hamak at kasuklam-suklam na hanapbuhay para sa isang Judio.—Lev 11:7, 8.

bunga ng algarroba: Ang mga bunga ay may makintab, tulad-katad, at kulay-talong na kayumangging balat; ito rin ay hugis-sungay na pakurba, kaayon ng literal na kahulugan ng katawagan dito sa Griego (ke·raʹti·on, “maliit na sungay”). Ang mga bunga ng algarroba ay ginagamit pa rin ngayon na pagkain ng kabayo, baka, at baboy. Talagang naghirap sa buhay ang kabataan sa ilustrasyon dahil gusto na rin niyang kainin kahit ang pagkain ng baboy.—Tingnan ang study note sa Luc 15:15.

(Lucas 15:17-24) “Nang bumalik siya sa kaniyang katinuan, sinabi niya, ‘Kay raming taong upahan ng aking ama ang nananagana sa tinapay, samantalang namamatay ako rito dahil sa taggutom! 18 Titindig ako at maglalakbay patungo sa aking ama at sasabihin sa kaniya: “Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. 19 Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong gaya ng isa sa iyong mga taong upahan.” ’ 20 Kaya siya ay tumindig at pumaroon sa kaniyang ama. Habang siya ay nasa malayo pa, nakita siya ng kaniyang ama at nahabag, at ito ay tumakbo at sumubsob sa kaniyang leeg at magiliw siyang hinalikan. 21 Sa gayon ay sinabi ng anak sa kaniya, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat na tawaging anak mo. Gawin mo akong gaya ng isa sa iyong mga taong upahan.’ 22 Ngunit sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, ‘Madali! maglabas kayo ng isang mahabang damit, ang pinakamainam, at damtan ninyo siya nito, at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay at ng mga sandalyas ang kaniyang mga paa. 23 At dalhin ninyo ang pinatabang guyang toro, patayin ninyo iyon at kumain tayo at magpakasaya, 24 sapagkat ang anak kong ito ay patay na at muling nabuhay; siya ay nawala at nasumpungan.’ At nagsimula silang magpakasaya.

nwtsty study note sa Luc 15:17-24

laban sa iyo: O “sa paningin mo.” Ang Griegong pang-ukol na e·noʹpi·on ay literal na nangangahulugang “sa harap; sa paningin.” Ganiyan din ang pagkakagamit sa terminong ito sa 1Sa 20:1 sa Septuagint. Sa talatang iyon, tinanong ni David si Jonatan: “Paano ako nagkasala laban sa iyong ama?”

taong upahan: Pagkauwi niya, gustong sabihin ng nakababatang anak sa ama niya na tanggapin siya, hindi bilang anak, kundi bilang isang taong upahan. Ang taong upahan ay hindi bahagi ng sambahayan, di-gaya ng mga alipin. Isa siyang tagalabas na inuupahan, kadalasan nang arawan lang.—Mat 20:1, 2, 8.

magiliw siyang hinalikan: O “buong pagmamahal siyang hinalikan.” Ang terminong Griego na isinaling ‘magiliw na halikan’ ay ipinapalagay na isang pinatinding anyo (intensive form) ng pandiwang phi·leʹo, na kung minsan ay isinasaling “halikan” (Mat 26:48; Mar 14:44; Luc 22:47) pero kadalasan ay nangangahulugang “mahalin; magkaroon ng pagmamahal” (Ju 5:20; 11:3; 16:27). Dahil sa mainit na pagsalubong ng ama sa ilustrasyon, ipinakita niyang buong puso niyang tinatanggap ang kaniyang nagsisising anak.

tawaging anak mo: Idinagdag ng ilang manuskrito: “Gawin mo akong gaya ng isa sa iyong mga taong upahan,” pero ang pag-aalis ng bahaging ito ay sinusuportahan ng iba’t ibang mas nauna at mapananaligang manuskrito. Ipinapalagay ng ilang iskolar na idinagdag lang ang mga pananalitang ito para tumugma sa Luc 15:19. Kaya sa 2013 New World Translation, hindi makikita ang pangungusap na ito sa Luc 15:21.

mahabang damit . . . singsing . . . mga sandalyas: Ang mahabang damit na ito ay hindi isang simpleng damit kundi ang pinakamaganda—posibleng isang kasuotan na may magarbong burda at ibinibigay sa isang espesyal na panauhin. Ang paglalagay ng singsing sa kamay ng kaniyang anak ay nagpapakita ng pabor at pagmamahal ng ama, pati na ng dignidad, karangalan, at katayuang ipinagkakaloob sa anak na nanumbalik. Kadalasan na, hindi nagsusuot ng singsing at sandalyas ang mga alipin. Kaya naman nililinaw ng ama na muling tinatanggap ang kaniyang anak bilang miyembro ng pamilya.

(Lucas 15:25-32) “At ang kaniyang nakatatandang anak ay nasa bukid; at nang dumating siya at mapalapit sa bahay ay nakarinig siya ng isang konsyerto ng musika at sayawan. 26 Kaya tinawag niya ang isa sa mga lingkod at itinanong kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito. 27 Sinabi nito sa kaniya, ‘Ang iyong kapatid ay dumating, at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guyang toro, sapagkat nabalik siya sa kaniya na nasa mabuting kalusugan.’ 28 Ngunit napoot siya at ayaw pumasok. Sa gayon ay lumabas ang kaniyang ama at nagsimulang mamanhik sa kaniya. 29 Bilang tugon ay sinabi niya sa kaniyang ama, ‘Narito, napakaraming taon na akong nagpapaalipin sa iyo at ni minsan ay hindi ko sinalansang ang iyong utos, at gayunma’y ni minsan ay hindi mo ako binigyan ng batang kambing upang magpakasaya akong kasama ng aking mga kaibigan. 30 Ngunit nang sandaling dumating ang anak mong ito na umubos sa iyong kabuhayan kasama ng mga patutot, pinatay mo ang pinatabang guyang toro para sa kaniya.’ 31 Sa gayon ay sinabi niya sa kaniya, ‘Anak, lagi na kitang kasama, at lahat ng mga bagay na akin ay iyo; 32 ngunit kailangang magpakasaya tayo at magalak, sapagkat ang kapatid mong ito ay patay na at nabuhay, at siya ay nawala at nasumpungan.’ ”

Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas

(Lucas 14:26) “Kung ang sinuman ay pumaparito sa akin at hindi napopoot sa kaniyang ama at ina at asawang babae at mga anak at mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, oo, at maging sa kaniyang sariling kaluluwa, hindi siya maaaring maging alagad ko.

nwtsty study note sa Luc 14:26

napopoot: Sa Bibliya, ang terminong “poot” ay may iba’t ibang kahulugan. Puwede itong tumukoy sa galit na nag-uudyok sa isang tao na ipahamak ang iba. Puwede rin itong tumukoy sa pagkasuklam sa sinuman o anuman, kaya iiwasan na niya ito. Puwede rin itong mangahulugan na mas kaunti ang pag-ibig niya. Halimbawa, nang sabihing “kinapopootan” ni Jacob si Lea at minamahal niya si Raquel, ang ibig sabihin ay mas mahal niya si Raquel kaysa kay Lea (Gen 29:31; Deu 21:15), at ginamit din ng iba pang sinaunang panitikang Judio ang terminong ito sa ganitong paraan. Kaya hindi ibig sabihin ni Jesus na dapat magalit o masuklam sa kanilang pamilya o sa kanilang sarili ang mga alagad niya, dahil magiging salungat ito sa iba pang bahagi ng Kasulatan. (Ihambing ang Mar 12:29-31; Efe 5:28, 29, 33.) Sa kontekstong ito, ang pariralang “hindi napopoot sa kaniyang ama” ay maaaring isalin na “mas mahal ang kaniyang ama.”

(Lucas 16:10-13) Ang taong tapat sa pinakakaunti ay tapat din sa marami, at ang taong di-matuwid sa pinakakaunti ay hindi rin matuwid sa marami. 11 Samakatuwid, kung hindi pa ninyo napatutunayang tapat kayo may kaugnayan sa di-matuwid na kayamanan, sino ang magkakatiwala sa inyo niyaong tunay? 12 At kung hindi pa ninyo napatutunayang tapat kayo may kaugnayan sa pag-aari ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng para sa inyo? 13 Walang tagapaglingkod sa bahay ang maaaring maging alipin ng dalawang panginoon; sapagkat, alinman sa kapopootan niya ang isa at iibigin ang ikalawa, o pipisan siya sa isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maging mga alipin ng Diyos at ng Kayamanan.

w17.07 8-9 ¶7-8

Hanapin ang Tunay na Kayamanan

7 Basahin ang Lucas 16:10-13. Ang katiwala sa ilustrasyon ni Jesus ay nakipagkaibigan para sa pansariling kapakinabangan. Pero hinimok ni Jesus ang mga tagasunod niya na magkaroon ng mga kaibigan sa langit. Ipinakikita ng sumunod na mga talata sa ilustrasyon na ang paggamit ng “di-matuwid na kayamanan” ay nauugnay sa katapatan sa Diyos. Ang punto ni Jesus? ‘Mapatutunayan nating tayo ay tapat’ sa paraan ng paggamit natin sa kayamanang iyon. Paano?

8 Ang isang paraan para maipakitang tapat tayo sa paggamit ng materyal na mga bagay ay ang pag-aabuloy sa pambuong-daigdig na gawaing pangangaral na inihula ni Jesus. (Mat. 24:14) Isang batang babae sa India ang may maliit na kahon na pinag-iipunan niya ng mga barya, kasama ng pambili sana niya ng mga laruan. Nang mapunô ang kahon, ibinigay niya ang pera para magamit sa gawaing pangangaral. Isang brother sa India na may taniman ng buko ang nagbigay sa Malayalam remote translation office ng napakaraming buko. Naisip niya na dahil bumibili ng buko ang translation office, mas makatutulong siya kung buko ang iaabuloy niya sa halip na pera. Iyan ay “praktikal na karunungan.” Ang mga kapatid naman sa Greece ay regular na nagbibigay ng olive oil, keso, at iba pang pagkain para sa pamilyang Bethel.

Pagbabasa ng Bibliya

(Lucas 14:1-14) At sa isang pagkakataon nang pumaroon siya sa bahay ng isa sa mga tagapamahala ng mga Pariseo nang sabbath upang kumain, maingat nila siyang binabantayan. 2 At, narito! sa harap niya ay may isang taong minamanas. 3 Kaya bilang tugon ay nagsalita si Jesus doon sa mga bihasa sa Kautusan at sa mga Pariseo, na sinasabi: “Kaayon ba ng kautusan ang magpagaling kapag sabbath o hindi?” 4 Ngunit nanatili silang tahimik. Sa gayon ay hinawakan niya ang lalaki, pinagaling siya at pinayaon. 5 At sinabi niya sa kanila: “Sino sa inyo, kung ang kaniyang anak o toro ay mahulog sa balon, ang hindi siya kaagad hahanguin sa araw ng sabbath?” 6 At hindi sila nakasagot tungkol sa mga bagay na ito. 7 Sa gayon ay inilahad niya sa mga taong inanyayahan ang isang ilustrasyon, yamang napansin niya kung paanong pinipili nila ang pinakatanyag na mga dako para sa kanilang sarili, na sinasabi sa kanila: 8 “Kapag inanyayahan ka ng sinuman sa isang piging ng kasalan, huwag kang humilig sa pinakatanyag na dako. Baka may inanyayahan siya sa pagkakataong iyon na isang higit na kilala kaysa sa iyo, 9 at siya na nag-anyaya sa iyo at sa kaniya ay lalapit at magsasabi sa iyo, ‘Ibigay mo ang dako sa taong ito.’ At kung magkagayon ay magsisimula kang lumagay sa pinakamababang dako nang may pagkapahiya. 10 Ngunit kapag inanyayahan ka, pumaroon ka at humilig sa pinakamababang dako, upang kapag lumapit ang taong nag-anyaya sa iyo ay sasabihin niya sa iyo, ‘Kaibigan, pumaroon ka sa mas mataas.’ Kung magkagayon ay magkakaroon ka ng karangalan sa harap ng lahat ng iyong mga kapuwa panauhin. 11 Sapagkat ang bawat isa na nagtataas ng kaniyang sarili ay ibababa at siya na nagbababa ng kaniyang sarili ay itataas.” 12 Kasunod nito ay sinabi rin niya sa taong nag-anyaya sa kaniya: “Kapag naghanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mong tawagin ang iyong mga kaibigan o ang iyong mga kapatid o ang iyong mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay. Baka balang-araw ay anyayahan ka rin nila bilang ganti at iyon ay magiging kabayaran sa iyo. 13 Kundi kapag naghanda ka ng piging, anyayahan mo ang mga taong dukha, ang mga lumpo, ang mga pilay, ang mga bulag; 14 at magiging maligaya ka, sapagkat wala silang maigaganti sa iyo. Sapagkat gagantihin ka sa pagkabuhay-muli ng mga matuwid.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share