-
‘Maghasik Nang Sagana, Umani Nang Sagana’Ang Bantayan—1986 | Hunyo 15
-
-
Bibliya tayo’y aani nang matibay na pananampalataya, ng maaliwalas na pag-asa, at ng pagiging handa para sa ating ministeryo. Kung tayo’y naghahasik nang sagana sa ating mga pulong, ang ating sariling pananampalataya ay titibay, at magpapatibay din tayo sa pananampalataya ng iba. Kung tayo’y naghahasik nang sagana sa ating mga panalangin, tayo’y aani nang mabuting relasyon sa ating makalangit na Ama at sasagutin ang ating mga panalangin. At kung tayo’y naghahasik nang sagana sa ating pagpapatotoo, tayo’y makikinabang nang personal, at makakaasang magkakaroon tayo ng mga liham na rekomendasyon na nagpapakita ng ating pagsisikap.
22 Huwag din nating kaliligtaan na ang simulaing ito ay kumakapit sa ating mga relasyong pampamilya. Sa paghahasik nang sagana dahil sa maibiging konsiderasyon at mga gawang walang pag-iimbot, tayo bilang mga asawang lalake, asawang babae, mga magulang, o mga anak ay makaaasang aani ng isang buhay pampamilya na sagana sa kasiya-siyang mga pagsasamahan at mga karanasan. Ito’y magbibigay rin ng mabuting patotoo sa mga nasa labas, at magrerekomenda ng ating paraan ng pamumuhay.
23. Makabubuting sundin natin ang anong payo?
23 Kaya’t tanungin ng bawat Kristiyanong Saksi ni Jehova ang kaniyang sarili: Maaari kaya na ako’y higit pang maghasik nang sagana? Ang mga salita ni Pablo sa 1 Tesalonica 4:1 ay mabuting tandaan: “Katapus-tapusan nga, mga kapatid, kayo’y aming pinakikiusapan at pinapayuhan sa Panginoong Jesus, ayon sa tinanggap ninyong tagubilin buhat sa amin tungkol sa kung paano kayo dapat lumakad at magbigay-lugod sa Diyos, na gaya nga ng inyong paglakad, na ito’y patuloy na gawin ninyo nang lalong higit.” Oo, lahat tayo ay magsumikap na maghasik nang lalong sagana upang tayo’y umani nang lalong sagana, sa ikapupuri ni Jehova at sa ikapagpapala ng ating sarili at ng ating mga kapatid.
Mga Puntong Rerepasuhin
◻ Paanong si Jehovang Diyos ang uliran sa pagsunod sa katotohanang nasa 2 Corinto 9:6?
◻ Ano ang maaari mong gawin upang umani nang lalong sagana sa pag-aaral ng Bibliya at sa mga pulong Kristiyano?
◻ Paano ka makapaghahasik at makapag-aani nang lalong higit sa paglilingkod sa larangan?
◻ Anong praktikal na mga hakbang ang maaaring tumulong sa iyong pamilya upang maghasik at umani nang lalong sagana?
-
-
Paano Mo Masusupil ang Iyong Emosyon?Ang Bantayan—1986 | Hunyo 15
-
-
Paano Mo Masusupil ang Iyong Emosyon?
MARAMI sa ngayon ang naghahangad na mapukaw ang kanilang emosyon. Ibig nilang mangyari ito sa pamamagitan ng mabilis na pagmamaneho, mapanganib na sports, bawal na paggamit ng sekso, at nagpapasiglang mga droga. Oo, ang daigdig ng komersiyo at libangan ang nagdiriin ng pangangailangan ng emosyonal na mga karanasan. Kaya naman, marami ang walang hilig sa kapayapaan at katahimikan, at inaakala nilang dapat na magpakasawa sila sa buhay.
Totoo, lahat tayo ay may emosyon. Halimbawa, pagka tayo’y ngumingiti, tumatawa, o umiiyak, nakikita sa atin ang panloob na damdamin natin sa sandaling iyon. Subalit alam mo ba na ang emosyon ay maaaring makaapekto sa iyong katawan, nababago nito ang presyon ng dugo, ang bilis ng pintig ng puso, at ang pagpapawis
-