Magplano na Ngayon Para sa Oktubre at Nobyembre
1 Magplano na ngayon para sa pamamahagi ng mas maraming magasin sa Oktubre at Nobyembre. Magkakaroon ng mga pantanging artikulo na kapanapanabik sa mga magasin sa mga buwang ito anupa’t magnanais ang mga mamamahayag na lubusang makibahagi sa pamamahagi nito. Ang mga kongregasyon ay dapat na umorder ng ekstrang suplay para sa layuning ito.
2 Kadalasan ang Oktubre at Nobyembre ay mabubuting buwan upang makibahagi din sa auxiliary na pagpapayunir. Noong 1985, tayo ay nagkaroon ng 4,425 mga auxiliary payunir ng Oktubre at 5,548 ng Nobyembre. Kaya pinasisigla namin ang lahat na maingat na isaalang-alang ang pakikibahagi sa auxiliary na pagpapayunir sa dalawang buwang ito.
3 Maaaring tanungin ng bawa’t isa ang sarili: Maaari ko bang isaayos ang aking panahon upang higit pa ang aking magawa sa ministeryo sa larangan sa Oktubre at Nobyembre? Kung hindi ako makapagpapayunir sa dalawang buwan, magagawa ko ba ang kahit na isang buwan lamang? Mapasisigla ko ba ang iba pang mamamahayag na sumama sa akin sa pagpapayunir? Habang lahat tayo bilang indibiduwal ay tumutugon sa malaking pangangailangan sa larangan at tumutulong sa isa’t isa, walang alinlangan na isang malaking patotoo ang maibibigay sa susunod na dalawang buwan.