Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 12/86 p. 1-2
  • Ingatang Nasa Unahan ang Kaharian sa Disyembre

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ingatang Nasa Unahan ang Kaharian sa Disyembre
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
  • Subtitulo
  • GAWAING PAGPAPAYUNIR
  • GAWAIN HINGGIL SA KUMBENSIYON
  • GAMITIN ANG AKLAT NA MGA KUWENTO SA BIBLIYA
Ating Ministeryo sa Kaharian—1986
km 12/86 p. 1-2

Ingatang Nasa Unahan ang Kaharian sa Disyembre

1 Kung Disyembre, sinasamantala ng maraming taong taga-sanlibutan ang mga pista opisyal upang ‘paglaanan ang pita ng laman.’ (Roma 13:14) Subali’t para sa bayan ni Jehova sa Pilipinas, ang Disyembre ay isang magawaing buwan sa Kaharian. Sinasamantala rin nila ang pista opisyal upang ‘samantalahin ang panahon’ para sa iba pang gawain ukol sa Kaharian, kapuwa sa ministeryo sa larangan at sa mga kumbensiyon. (Efe. 5:16) Oo, ‘hinahanap muna nila ang Kaharian.’—Mat. 6:33.

GAWAING PAGPAPAYUNIR

2 Nang nakaraang Disyembre isang kagalakang makita ang 3,834 na nakibahagi sa pagpapayunir. Sa taong ito, posible na higit pa ang makibahagi sa paglilingkurang ito. Marami ang walang kumbensiyon hanggang sa Enero anupa’t mayroon silang isang buong buwan upang abutin ang tunguhin sa oras. Gayundin, para sa nakararami, bakasyon ito mula sa trabaho at sa paaralan na makatutulong upang maabot ang ating oras. Kahit na yaong mga dadalo sa mga kumbensiyon pasimula sa Disyembre 25, mayroon pa ring 24 na araw na maaaring gamitin bago magpasimula ang mga kumbensiyon para sa pag-aauxiliary payunir. Bakit hindi maingat na isaalang-alang ito upang sa pantanging paraan ay maingatan sa unahan ang Kaharian sa inyong buhay sa Disyembre?

GAWAIN HINGGIL SA KUMBENSIYON

3 Gumawa na ba kayo ng tiyak na plano para makadalo sa isa sa mga “Banal na Kapayapaan” na pandistritong kumbensiyon, na isinasaayos ang inyong transportasyon at tuluyan, kung kinakailangan? Sa inyong mga plano sa kumbensiyon, maaari ba ninyong isama ang sinuman sa kongregasyon na nangangailangan ng tulong upang makadalo sa kumbensiyon? Ito’y isang mainam na paraan upang maipakita ang pag-ibig at higit na makilala ang inyong mga kapatid. Upang magkaroon ng tamang pangmalas at makinabang nang ganap sa programa ng kumbensiyon, lubusan naming iminumungkahi na basahing muli ang insert ng Ating Ministeryo sa Kaharian noong Oktubre at sikaping ikapit ang mga mungkahi at payo nito.

4 Sa inyong paglalakbay mula at patungong kumbensiyon, maaari kayong magkaroon ng pagkakataong makapagpatotoo anupa’t mabuti kung lagi ninyong isusuot ang inyong lapel card sa lahat ng panahon. Sa mismong kumbensiyon, may pagkakataong makabahagi sa paglilingkod sa larangan sa Biyernes ng hapon.

GAMITIN ANG AKLAT NA MGA KUWENTO SA BIBLIYA

5 Palibhasa’y panahon ng pista opisyal ang Disyembre, maraming mga tao ang nag-iisip na magregalo sa kanilang mga kaibigan at kamag-anak. Ito’y nagbibigay sa atin ng mainam na pagkakataon na maialok ang aklat na Mga Kuwento sa Bibliya. Ano pang higit na kaloob kaysa rito ang maibibigay nila sa mga kabataan o mga magulang? Kaya maging masigasig tayo sa paghaharap ng aklat na ito sa larangan sa Disyembre.

6 Oo, ang Disyembre ay magiging isang magawaing buwan para sa ating lahat, subali’t isa na magbibigay ng karangalan kay Jehova at malaking kagalakan para sa atin habang inuuna natin ang Kaharian.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share