Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maria (Ina ni Jesus)
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • ng sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa kaniya ay aming pinaniniwalaan, at tiyakang sinasabi nito na siya’y isang birhen nang isilang niya si Jesus. Nagustuhan ko rin ang ibang sinasabi nito hinggil kay Maria pati na rin ang mga aral na mapupulot natin mula sa kaniya. (Gamitin ang materyal sa pahina 232.)’

      ‘Hindi kayo naniniwala kay Birheng Maria’

      Maaari kayong sumagot: ‘Alam ko na may mga taong ayaw maniwala na ang Anak ng Diyos ay ipinanganak ng isang birhen. Nguni’t talagang pinaniniwalaan namin ito. (Buksan ang isa sa mga aklat natin sa isang pahinang tumatalakay sa bagay na ito at ipakita sa maybahay.)’ Pagkatapos ay maaaring idagdag: ‘Nguni’t mayroon pa bang kailangan upang magtamo ng kaligtasan? . . . Pansinin ang sinabi ni Jesus sa panalangin sa kaniyang Ama. (Juan 17:3)’

  • Memoryal (Hapunan ng Panginoon)
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Memoryal (Hapunan ng Panginoon)

      Kahulugan: Isang hapunan na nagpapagunita sa kamatayan ni Jesu-Kristo; anupa’t, isang memoryal ng kaniyang kamatayan, na ang bisa nito ay nakahihigit kaysa kamatayan ng sinopaman. Ito lamang ang okasyong ipinag-utos ng Panginoong Jesu-Kristo sa kaniyang mga alagad na alalahanin. Ito ay tinatawag din na Hapunan ng Panginoon o Panggabing Pagkain ng Panginoon.​—1 Cor. 11:20.

      Ano ang kahalagahan ng Memoryal?

      Sa kaniyang tapat na mga alagad ay sinabi ni Jesus: “Patuloy ninyong gawin ito sa pag-aalaala sa akin.” (Luc. 22:19) Nang siya’y sumulat sa mga miyembro ng pinahiran-ng-espiritung kongregasyong Kristiyano, idinagdag ni Pablo: “Sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito at inuman ninyo ang sarong ito, ay inihahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa dumating siya.” (1 Cor. 11:26) Samakatuwid, binibigyan ng pantanging pansin ng Memoryal ang kahalagahan ng kamatayan ni Jesu-Kristo sa pagsasakatuparan ng layunin ni Jehova. Itinatampok nito ang kahulugan ng kamatayan ni Jesus bilang hain lalo na may kaugnayan sa bagong tipan at sa epekto ng kaniyang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share