-
LangitNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
patid sa Diyos dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ni Jehova, sapagka’t pinili kayo ng Diyos mula sa pasimula sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pagbanal sa inyo sa espiritu at sa pamamagitan ng pananampalataya ninyo sa katotohanan. Sa pag-asang ito’y tinawag kayo sa pamamagitan ng mabuting balita na aming inihahayag, sa layuning tamuhin ang kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesu-Kristo.”
Roma 9:6, 16: “Hindi lahat ng nagbubuhat sa Israel ay tunay ngang ‘Israel.’ . . . Ito’y nasasalig, hindi sa may ibig ni sa tumatakbo, kundi sa Diyos, na may awa.”
-
-
LupaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Lupa
Kahulugan: Ang taguring “lupa” ay may maraming kahulugan ayon sa pagkakagamit sa Kasulatan. Karaniwan nang tumutukoy ito sa mismong planeta, na saganang pinagpala ni Jehova upang makatustos sa buhay ng tao sa isang kasiyasiyang paraan. Gayumpaman, dapat maunawaan na ang “lupa” ay maaari ding gamitin sa makasagisag na diwa, at tumutukoy, bilang halimbawa, sa mga taong namumuhay sa planetang ito o sa isang lipunan ng tao na may ilang tiyak na mga katangian.
Mawawasak ba ang planetang Lupa sa isang nukleyar na digmaan?
Ano ang ipinakikita ng Bibliya na layunin ng Diyos tungkol sa lupa?
Mat. 6:10: “Dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyari nawa ang iyong kalooban, kung papaano sa langit, ay gayon din naman sa lupa.”
Awit 37:29: “Ang mga matuwid ay magmamana ng lupa, at sila’y tatahan dito magpakailanman.”
Tingnan din ang Eclesiastes 1:4; Awit 104:5.
Posible kaya, yamang walang gaanong pagpapahalaga ang mga bansa sa layunin ng Diyos, na baka sila na rin ang lubusang magwasak sa lupa upang hindi na ito matirahan?
Isa. 55:8-11: “[Ang kapahayagan ni Jehova ay:] Sapagka’t kung paanong ang mga langit ay lalong mataas kaysa lupa, kaya ang aking mga pamamaraan ay lalong mataas kaysa inyong mga
-