-
Ano ang Sanhi ng Pagdurusa ng Pamilya?Ang Bantayan—1991 | Mayo 15
-
-
alam kung papaano maiiwasan ang suliranin ng pamilya bilang mga adulto.
May mga tagapagmasid na marahil ang pagdurusa ng pamilya ay isisisi sa mga bagong pangkabuhayan, panlipunan, at pangmoral na dinaranas sa mga lupaing industriyalisado. Halimbawa, ang maramihang paglahok ng mga babae sa larangan ng paggawa ay nagbigay-daan sa kadalasan nakalilitong bagong kaayusan ng mga papel na ginagampanan at mga pananagutan sa tahanan. Ang mga ina ay nanginginig na nag-eensayo ng kinakalawang nang kadalubhasaan sa trabaho, ang mga ama naman ay bantulot na nakikipagpunyagi sa gawaing-bahay, at ang mga anak ay nag-iiyakan upang maibagay ang sarili sa pamumuhay sa mga ampunan na pinaglalagakan ng mga bata kung araw.
Maraming pamilya ang nasa ilalim ng matinding panggigipit sa mga bansa sa buong globo. Isang nagtatrabahong magulang ang naghambing nito sa “pamumuhay sa isang palaging kalagayan ng kagipitan.” Hindi nga katakataka na halos kalahati ng mga sinurbey kamakailan sa Gallup surbey ang nagsabi na ang ‘pamilyang Amerikano ay mas malala ngayon ang suliranin kaysa noong 10 taóng lumipas,’ at kakaunti ang naniniwala na bubuti pa ang kalagayan.
Ang pagdurusa ng pamilya kung gayon ay isang palagiang paksa ng talakayan sa telebisyon at mga pagtatanghal sa radyo. Ang publiko ay totoong nasasabik sa mga aklat tungkol sa pamilya na nagbibigay ng sariling tulong, ang iba ay nagbibigay ng payo na may kaunting kabutihan at praktikal. Bagaman ang payo na ‘makipagtalastasan nang lalong hayagan’ o ‘ibahagi sa iba ang damdamin ng isa’ ay makatutulong, ito’y kulang ng kaunawaan sa tunay na sanhi ng mga suliranin sa sambahayan. Ang susunod na artikulo ang gagawa niyan at ipakikita niyaon kung papaano dapat pakitunguhan ang suliranin ng pamilya.
-
-
Unahin ang Diyos sa Inyong Buhay Bilang Isang Pamilya!Ang Bantayan—1991 | Mayo 15
-
-
Unahin ang Diyos sa Inyong Buhay Bilang Isang Pamilya!
SI Bob at si Jean—ang mag-asawang ipinakilala sa naunang artikulo—ay hindi kumuha ng diborsiyo. Sa halip, kanilang tinalakay ang kanilang mga suliranin sa tulong ng isang ministrong Kristiyano. Hindi nagtagal at kaniyang naunawaan na ang kanilang mga suliranin ay resulta ang kalakhang bahagi ng kanilang nagkakaibang pinagmulan.
Halimbawa, palibhasa si Bob ay galing sa isang pamilya ng mga manggagawa at mga karaniwang obrero at naging mismong obrero, ang ibig niya’y isang todong almusal tuwing umaga. Si Jean naman, na galing sa isang pamilya ng mga manggagawang de-opisina, ay walang isinilbi sa kaniya kundi kape at tostadong tinapay. Kaya ang isang pag-aaway dahil sa almusal ay unti-unting napauwi sa isang lubos na paggigiyera!
Kailangang pagbutihin ni Bob at ni Jean ang kanilang talastasan. Gayunman, ang talagang sanhi ng kanilang suliranin ay mas malalim. “Inyo bang tinitingnan ang isa’t isa sa liwanag ng 1 Corinto 13:4?” ang tanong ng ministro. Ang tekstong iyan ng Bibliya ay kababasahan: “Ang pag-ibig ay matiisin at magandang-loob. Ang pag-ibig ay hindi nananaghili, ito’y hindi nagmamapuri, hindi mapagpalalo.” Ang susunod na talata2Cor 13:5 ay nagsasabi na ang pag-ibig ay “hindi nag-uugaling mahalay, hindi hinahanap ang sariling kapakanan, hindi nayayamot. Hindi inaalumana ang masama.” Kapuwa si Jean at si Bob ay handang ikapit ang mga salitang ito sa kanilang ugnayan.
Ang mga suliranin ng mag-asawang ito ay nangangailangan unang-una ng isang espirituwal na solusyon. Yamang si Bob at si Jean ay naghahangad na makapanatili sa isang mabuting kaugnayan sa Diyos, higit sa lahat kailangang ikapit nila ang mga simulain ng Bibliya at matanto nila na “malibang si Jehova mismo ang nagtatayo ng bahay, walang kabuluhan ang masikap na pagpapagal doon ng mga nagsisipagtayo.” (Awit 127:1) Ang Aw 127 talatang 3 hanggang 5 ay tungkol sa pagtatayo ng isang pamilya. At ang pinakadakilang tagumpay sa pagtataguyod ng kaligayahan sa sambahayan ay dumarating kung inuuna ng isang pamilya ang Diyos sa kanilang buhay.—Efeso 3:14, 15.
Kung Ano ang Nasasangkot Kapag Inuuna ang Diyos
Kung inyong inuuna ang Diyos sa inyong buhay bilang isang pamilya higit pa ang kailangan kaysa kasabihan lamang na, “Ang pamilya na nananalanging sama-sama ay nananatiling sama-sama.” Sang-ayon sa lathalaing Family Relations, marami ang naniniwala na “ang relihiyon ay nagpapabilis nang positibo at malusog na ugnayan ng pamilya at nagpapasulong ng kasiyahan sa buhay ng mga miyembro nito.” Subalit ang basta pagsunod sa isang relihiyon ay hindi kapareho ng bagay na paglalagay ng Diyos sa unahan. Marami ang pormalang kumakapit sa isang relihiyon dahilan lamang sa ito’y nakaugalian, tradisyon ng pamilya, o bentaha sa lipunan. Ang Diyos ay may bahagyang impluwensiya sa kanilang araw-araw na pamumuhay. Higit na mahalaga, hindi lahat ng relihiyon ay “ang anyo ng pagsamba na malinis at walang bahid dungis sa paningin ng ating Diyos.”—Santiago 1:27.
Upang magawa natin na unahin ang Diyos sa ating buhay bilang isang pamilya, tayo at ang ating mga mahal sa buhay ay kailangang sumamba kay Jehova, “ang Kataas-taasan sa buong lupa,” ayon sa kaniyang mga kahilingan. (Awit 83:18) Ang Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, ay nagsasabi: “Dumarating ang oras, at ngayon na, na sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat, talaga ngang, ang mga gayon ang hinahanap ng Ama na sumamba sa kaniya. Ang Diyos ay isang Espiritu, at yaong mga sumasamba sa kaniya ay kinakailangang sumamba sa kaniya sa espiritu at katotohanan.” (Juan 4:23, 24) Upang masamba natin ang Diyos na Jehova “sa espiritu,” ang ating banal na paglilingkod sa kaniya ay kailangang udyok ng isang pusong punô ng pag-ibig at pananampalataya. (Marcos 12:28-31; Galacia 2:16) Ang pagsamba kay Jehova sa “katotohanan” ay nangangailangan na itakuwil natin ang relihiyosong mga kabulaanan at lubusang sumunod sa kaniyang kalooban ayon sa isiniwalat sa Bibliya. Hindi natin magagawang unahin ang Diyos na Jehova maliban sa ang ating relihiyon ay nakaaabot sa kaniyang mga pamantayan.a Ano ba ang ilan sa mga ito? At papaanong ang pagkakapit ng mga ito ay pakikinabangan ng inyong pamilya?
Unahin ang Diyos Bilang Isang Asawang Lalaki
Sa 1 Corinto 11:3, sinasabi ng Bibliya: “Ang ulo ng bawat lalaki ay ang Kristo; ang ulo naman ng isang babae ay ang lalaki; ang ulo naman ng Kristo ay ang Diyos.” Kung ikaw ay isang asawang lalaki, taglay mo ang bigay-Diyos na pananagutan na maging nangungunang tagapagpasiya sa iyong pamilya. Ngunit ito’y hindi nagbibigay sa kaninumang asawang lalaki ng kalayaan na maging mapang-api o makadiktador.
Hinihimok ng Bibliya ang mga asawang lalaki na isaalang-alang ang damdamin ng kani-kanilang asawa pagka gumagawa ng mga pasiya na may epekto sa kanila. (Ihambing ang Genesis 21:9-14.) Oo, tayong lahat ay hinihimok ng Kasulatan na ‘tingnan, hindi lamang ang ating sariling kapakanan, kundi pati ang sariling kapakanan ng iba.’ (Filipos 2:2-4) Kung sakaling walang simulain ang Bibliya na kasangkot, ang isang asawang lalaking Kristiyano ay kalimitan magbibigay-daan na sa kagustuhan ng kaniyang asawa. Palibhasa’y mayroon siyang pagmamalasakit dito, kaniyang titiyakin na ang asawang babae ay hindi naman labis na napabibigatan ng mga pananagutan. Halimbawa, kaniyang matutulungan ito sa mga gawaing-bahay, lalo na kung ang babae’y naghahanap-buhay pa.
Si apostol Pablo ay sumulat: “Dapat ibigin ng mga lalaki ang kani-kanilang asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang umiibig sa asawa niya ay umiibig sa sarili niya, sapagkat wala pang lalaking napoot sa sarili niyang laman; kundi pinakakain niya ito at inaalagaan ito, tulad din ng Kristo sa kongregasyon.” (Efeso 5:28, 29) Ang mga miyembro ng kongregasyon ay pinakikitunguhan ni Jesu-Kristo sa maibiging paraan.
Kapuna-puna rin ang payo ni apostol Pedro: “Kayong mga lalaki, patuloy na makipamahay kayong kasama [ng inyu-inyong asawa] ayon sa pagkakilala, na pakundanganan sila na gaya ng marupok na sisidlan, ang babae, yamang kayo rin naman ay mga tagapagmanang kasama nila ng di-sana-nararapat na biyaya ng buhay, upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.” (1 Pedro 3:7) Hindi baga nakalulungkot isipin na ang di-nararapat na pakikitungo sa asawang babae ng asawang lalaki ay makapipigil sa mga panalangin niya (ng asawang lalaki)? Oo, ang isang lalaki ay kailangang makitungo sa kaniyang asawa sa isang maibiging paraan upang pakinggan at sagutin ng Diyos ang kaniyang mga panalangin.
Pagka inuna ang Diyos ay naaapektuhan din ang kaugnayan ng isang ama sa kaniyang mga anak. Siya ay dapat na maging lubhang palaisip tungkol sa kanilang espirituwal na kapakanan. Subalit, sa isang pangunahing surbey sa E.U., kalahati lamang ng mga lalaki ang nagsabi na “ang pakikibahagi sa pag-aaral ng Kasulatan o sa mga panggrupong talakayan” ang ‘pinakamahalaga sa espirituwal na pag-unlad ng kani-kanilang pamilya.’ Ang natitirang bahagi ay bumanggit ng mga bagay na gaya baga ng “panonood o pakikinig sa pagsasahimpapawid ng mga serbisyong relihiyoso” o ‘pagbubulay-bulay sa kahulugan ng buhay.’
Gayunman, sinasabi ng Bibliya sa mga ama: “Huwag ninyong ibuyo sa galit ang inyong mga anak, kundi patuloy na palakihin sila sa disiplina at pangkaisipang-patnubay ni Jehova.” (Efeso 6:4) Sa mga Saksi ni Jehova, ang mga ama ang inaasahang mangunguna sa pamilya sa kanilang pagsamba. Sa pamamagitan ng regular na pangunguna sa pampamilyang pag-aaral sa Bibliya, pagdalo sa mga pulong Kristiyano, at pagsunod sa iba pang mga kahilingan ng Kasulatan, ang Diyos ang inuuna sa kanilang buhay ng gayong mga lalaki bilang isang pamilya.
Unahin ang Diyos Bilang Isang Asawang Babae
Kung ikaw ay isang asawang babae, magagawa mong unahin ang Diyos kung susuportahan mo ang iyong asawa sa kaniyang bahagi bilang ulo ng pamilya. Ang sabi ng Bibliya: “Kayong mga babae, pasakop kayo sa inyu-inyong asawa, gaya ng nararapat sa nasa Panginoon.” (Colosas 3:18) Baka ito ay may kahirapan kung ang isang lalaki ay hindi palasalita o walang sigla na manguna sa pampamilyang pagsamba. Magkagayon man, ang palaging pagtatawag-pansin sa kaniyang mga kahinaan, o lalong masama pa, ang paghamon sa kaniya ay lalo lamang magpapalaki ng igtingan sa pamilya.
Ang Kawikaan 14:1 ay nagsasabi: “Ang talagang marunong na babae ay nagpapatibay ng kaniyang sambahayan, ngunit ang mangmang ay nagwawasak niyaon ng kaniyang sariling mga kamay.” Ang isang paraan upang ang isang talagang marunong na babaing may asawa ay magawang unahin ang Diyos at ‘patibayin ang kaniyang sambahayan’ ay sa pamamagitan ng pagpapasakop sa kaniyang asawa. (1 Corinto 11:3) Palibhasa ‘ang kautusan ng kagandahang-loob ay nasa kaniyang dila,’ iniiwasan niya ang di-kinakailangang pamimintas sa kaniyang asawa. (Kawikaan 31:26) Siya’y puspusang nagpapagal din upang ang mga pasiya nito ay magtagumpay.
Ang isa pang paraan upang ang Diyos ang magawang unahin ng isang babaing may asawa ay ang maging isang masipag na asawang babae. Mangyari pa, kung siya’y naghahanap-buhay, marahil ay wala siyang panahon o lakas na mag-asikaso pa ng kaniyang tahanan gaya ng kaniyang nais. Magagawa pa rin niya na matularan ang “mahusay na babae” na tinutukoy ng Bibliya na: “Kaniyang tinitingnang mabuti ang mga lakad ng kaniyang sambahayan, at hindi kumakain ng tinapay ng katamaran.”—Kawikaan 31:10, 27.
Higit sa lahat, sa kaniyang buhay ay laging uunahin ng asawang babae ang pagsamba sa Diyos. Marami na dumadalaw sa isang Kingdom Hall ng mga Saksi ni Jehova sa unang pagkakataon ang pumupuri sa malinis na hitsura ng mga bata. Sa bagay na ito ang trabaho ng isang asawang babae ay totoong mahalaga. Ngunit siya’y kailangan ding gumawa upang mapanatili ang kaniyang espirituwalidad sa pamamagitan ng panalangin, pag-aaral, at paglilingkod sa Diyos.
Unahin ang Diyos Bilang Kabataan
Isang artikulo sa Adolescent Counselor ang nagsasabi: “Ang mga bata ay nahilig na luminang ng mga saloobin at mga pilosopya na umakay sa kanila na masupil ang kanilang mga magulang. . . . Palibhasa’y napahantad sa isang lipunan na nagdiriin at nagpapahalaga sa agad-agad na pagkatamo ng naisin nila at ng materyal na kayamanan, ang mga bagong sibol ay nakalinang ng saloobin na ‘ang gusto ko’y ngayon na.’ ” Kung ikaw ay isang kabataan, ganiyan ba ang iyong saloobin?
Ang Colosas 3:20 ay nagsasabi: “Kayong mga anak, maging masunurin kayo sa inyong mga magulang sa lahat ng bagay, sapagkat ito ay nakalulugod na mainam sa Panginoon.” Ang isang kabataan na isang banal na kahilingan ang tingin sa gayong pagsunod ay makikipagtulungan sa kaniyang mga magulang. Halimbawa, siya’y hindi lihim na susuway sa kanila sa pamamagitan ng pakikihalubilo sa mga kamag-aral na hindi nila sinasang-ayunan; ni kaniyang paglalalangan ang alinman sa magulang upang makamit niya ang kaniyang sariling kagustuhan. (Kawikaan 3:32) Bagkus, sinumang kabataan na ang Diyos ang inuuna sa kaniyang buhay ay magpapasakop sa maibiging patnubay ng kaniyang mga magulang.
Laging Unahin ang Diyos!
Anuman ang ating dako sa sambahayan, unahin natin ang Diyos sa ating buhay at paunlarin ang isang matalik na kaugnayan sa kaniya. Kayo bang magkakasambahay ay gumagawa niyan?
Sa “mga huling araw” na ito, lahat tayo ay nakaharap sa “mapanganib na mga panahon.” (2 Timoteo 3:1-5) Gayunman, posible na umunlad sa espirituwal at makaligtas sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay. (Mateo 24:3-14) Sa pagkilos na kasuwato ng tumpak na kaalaman sa Bibliya, ikaw at ang iyong pamilya ay maaaring magkaroon ng pag-asa sa buhay na walang-hanggan sa isang lupang paraiso. (Lucas 23:43; Juan 17:3; Apocalipsis 21:3, 4) Oo, maaari ngang magkagayon kung ang Diyos ang uunahin ninyo sa inyong buhay bilang isang pamilya.
[Talababa]
a Tingnan ang kabanata 22 ng aklat na Maaari Kayong Mabuhay Magpakailanman sa Paraiso sa Lupa, lathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.
[Larawan sa pahina 5]
Ang isang mahusay na asawang babae ay lubhang pinahahalagahan
[Larawan sa pahina 7]
Hinihimok ng Bibliya ang mga asawang lalaki na manguna sa pagsamba ng pamilya
-