-
Ang Hamon ng Paghahasik ng Binhi ng Kaharian sa Timugang ChileAng Bantayan—1991 | Mayo 15
-
-
pingga ang pinakikilos mo nang paroo’t parito, dahan-dahang gumiginda ka sa kabilang panig. Tiyak na hindi ito para sa mahina ang loob! Gayunman, isang kapatid na babae ang gumagawa nito linggo-linggo upang marating ang isang taong tulad-tupa sa isang malayong nayon sa kabundukan!
Ang magandang halimbawang ipinakikita ng mga payunir at ng iba pang mamamahayag ng Kaharian ay nagpapatibay-loob sa mga interesado na may pagpapahalaga upang gumawa ng kaukulang pagsisikap na dumalo sa mga pulong Kristiyano. (Hebreo 10:24, 25) Isang pamilya ang naglalakbay nang 40 kilometro sakay ng kabayo hanggang sa Ilog Bío-Bío at pagkatapos ay lumalakad nang isa pa uling 12 kilometro hanggang sa Kingdom Hall.
Ano ba ang naaalaala ng mga payunir pagka kanilang ginugunita ang nakalipas na mga taon? Mga bulkan na nababalutan ng niyebe ang taluktok, magagandang kabukiran, at umaagos nang buong bilis na mga ilog? Ang alikabok, ulan, putik, at malalayong paglalakad? Oo, ngunit ang lalong higit nilang natatandaan ay ang palakaibigang mga tao na tumugon at tumanggap ng mabuting balita. Ang tulad-tupang mga taong ito ay tiyak na siyang dahilan upang lahat ng pagsisikap ay maging karapat-dapat. Kaylaking kagalakan na maghasik ng binhi ng Kaharian sa timugang Chile!
-
-
Maliligayahan Ka ba sa Maraming Gawain?Ang Bantayan—1991 | Mayo 15
-
-
Maliligayahan Ka ba sa Maraming Gawain?
MARAMI sa atin ang totoong magawain, kalimita’y may napakahirap na trabaho. Ang walang-patid na mga kagipitan sa modernong-panahong pamumuhay ay humihiling na tayo’y patuluyang magsikap upang patuloy na makaagapay sa takbo ng buhay. Ang mga asawang lalaki at mga ama ay kailangang makatugon sa kanilang mga obligasyon sa kani-kanilang mga pamilya, amo, at mga iba pa. Ang mga asawang babae at mga ina ay kailangang mag-asikaso sa pansambahayang pangangailangan ng kani-kanilang pamilya at malimit na sila’y kailangang maghanapbuhay. Ang mga kabataan din ay nasa ilalim ng panggigipit na tugunan ang kani-kanilang mga obligasyon sa pamilya samantalang kumukuha ng edukasyon na maghahanda sa kanila para sa isang kapaki-pakinabang na pamumuhay sa lipunan.
Subalit kumusta naman tayo na nag-alay ng ating buhay sa Diyos na Jehova at kaniyang bautismadong mga Saksi? Bukod sa lahat ng mga kahilingan sa atin, taglay natin ang ganitong payo ni apostol Pablo: “Mga kapatid kong minamahal, kayo’y magsitatag, huwag makilos, na laging maraming gawain sa Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang-kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.” (1 Corinto 15:58) Oo, maraming karagdagang pananagutan ang bahagi ng mga kahilingan para sa tunay na pagsamba. Papaano natin matutupad ang lahat ng mga obligasyong ito at magkaroon ng kapayapaan ng isip at ng isang maligayang pangmalas?
Ang Nagawa ay Nagdadala ng Kaligayahan
Kaligayahan—isang pagkadama ng kabutihan o pagkakontento—ay may malapit na kaugnayan sa tagumpay sa pagsasagawa ng mga pananagutan sa buhay. Kung ating nagagawa ang ating araw-araw na mga pananagutan sa makatuwiran at mahusay na paraan, paggawa ng mga bagay-bagay nang nasa panahon at nang maayos, tayo’y nakadarama na mayroon tayong nagawa at nasisiyahan tayo. Ganiyan ang dapat mangyari, at ang resulta’y nagdudulot sa atin ng kaligayahan.
Kailanman ay hindi intensiyon ng Diyos na Jehova na ang ating pagsasagawa ng mga pananagutan ay maging isang mapaniil na pasanin. Bagkus, sa tuwina’y hangarin niya na tayo’y ‘magalak at makakita ng kabutihan sa lahat ng ating pagpapagal.’ (Eclesiastes 3:12, 13) Pagka tayo’y maligaya sa ating gawain, karaniwan nang tayo’y maraming nagagawa. Agad tayong natututo sa itinuturo at madali nating makasundo ang iba. Sa kabilang panig naman, kung tayo ay di-maligaya, ang ating gawain ay nagiging kabagut-bagot—isang bagay na iyon at iyon din, nakaiinip, nagpapabigat pa nga ng damdamin. Ito’y umaakay tungo sa mga kinaugalian sa walang naibubungang paggawa at isang negatibong kaisipan. Ang buhay ay nagiging isang araw-araw na pakikipagbaka samantalang sinisikap natin na matugunan ang lahat ng kahilingan sa atin. Gayunman, kung tayo’y makakasumpong ng paraan upang makapamalaging maligaya sa ating ginagawa, mas malamang na tayo’y makaranas ng pamumuhay na nagdadala ng kagantihan at ng katuparan ng tunguhin.
Maging Timbang
Kung nais nating lumigaya kahit na marami tayong gawain, tayo’y kailangang maging timbang. Ano ba ang pagiging timbang? Ito ay “katatagan ng isip at damdamin.” Ang isang taong timbang ay nagsisikap na maging maayos sa kaniyang mga pagkilos. Siya’y nagpaplano ng patiuna, hindi nagpapabukas-bukas, at may pagpipigil sa kaniyang pag-uugali. Siya’y makikitaan ng pagpipigil sa pagkain, sa inumin, sa aliwan, sa mga kinahihiligan, at sa paglilibang. Sa katunayan, siya’y makikitaan ng “pagpipigil-sa-sarili sa lahat ng bagay”!—1 Corinto 9:24-27; ihambing ang Tito 2:2.
Ang panalangin ay gumaganap ng mahalagang bahagi sa pagpapanatiling timbang sa Kristiyano. Ang isang lingkod ni Jehova ay makapananalangin sa paghingi ng banal na espiritu ng Diyos at sa paghingi ng tulong sa kaniyang makalangit na Ama sa paglinang ng mga bunga niyaon, kasali na ang pagpipigil-sa-sarili. (Lucas 11:13; Galacia 5:22, 23) Lalo na dapat manalangin sa Diyos ang isang Kristiyano pagka napapaharap siya sa mga pagsubok na nagbabanta na gambalain ang kaniyang pagiging timbang. “Ihabilin mo kay Jehova ang iyong lakad, at tumiwala ka sa kaniya, at siya mismo ang kikilos,” ang sabi ng salmistang si David. (Awit 37:5) Kung minsan baka kailangan na tayo’y manalangin gaya ni David nang siya’y magsumamo: “Oh Diyos, kumilos kang madali alang-alang sa akin. Ikaw ang tumutulong sa akin at Tagapaglaan sa akin ng kaligtasan. Oh Jehova, huwag kang pakahuli.” (Awit 70:5) Huwag kalilimutan na sa pamamagitan ng pananalangin ay maaaring manatili sa pagiging timbang at tamasahin ang ‘kapayapaan ng Diyos na di-masayod ng pag-iisip at nag-iingat ng ating mga puso at mga pag-iisip.’—Filipos 4:6, 7.
Dahilan sa siya’y kay Jehova umaasa at nagtatamasa ng kapayapaan ng Diyos, ang isang timbang na Kristiyano ay matino ang kaisipan. (Tito 2:11, 12) Ito’y nanggagaling sa pagkakaroon ng isang mabuting pagkaunawa sa mga simulain ng Bibliya at pagkakapit ng mga ito sa kaniyang buhay. Ang gayong tao ay hindi mapagpaimbabaw, ni padalus-dalos man sa paghatol. Ang pagkamakatuwiran ang naglalayo sa kaniya sa pagiging may makitid na opinyon o kalooban na hindi mababali. Siya’y may makatuwirang pagkakilala sa kaniyang sarili at sa kaniyang mga kakayahan, kung kaya siya’y naaaring makipagtulungan sa iba. (Mikas 6:8) Kapuna-puna, ang mga ugali na tumutulong sa isang tao upang maging timbang ay siya ring mga katangian na kahilingan sa mga hinihirang na maglingkod bilang mga tagapangasiwa sa kongregasyong Kristiyano.—1 Timoteo 3:2, 3.
Lalo nating mapalalaki ang ating kaligayahan sa pamamagitan ng pagsisikap na maging lalong timbang sa ating araw-araw na mga gawain. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga katangian na may kinalaman sa mabuting pagkatimbang, magagawa natin na matapos ang kinakailangang mga bagay nang hindi gaanong ginugugulan ng matinding pisikal o emosyonal na panggigipit. Sa ating istilo ng pamumuhay ay makikita ang higit na katatagan, at mas malaki ang magagawa natin. Ang iba ay malulugod nang pakikisama sa atin, at tayo’y magkakaroon ng lalong malaking kasiyahan at kagalakan. Subalit ano ang ilang praktikal na paraan upang makapanatiling timbang?
Praktikal na mga Paraan Upang Makapanatiling Timbang
Upang makapanatiling timbang, sikapin natin na maging nasa hustong panahon at organisado sa pakikitungo sa ating personal na mga buhay-buhay. Tayo’y kailangang magsaplano nang patiuna, na ang mga bagay-bagay ay inaasikaso sa isang maayos, sistematikong paraan. Yaong mga kulang sa mabuting organisasyon at mahilig na magpabukas-bukas ay lalo lamang pinagugulo ang kanilang buhay sa karagdagang tensiyon at pagkabalisa. Ang tagumpay sa larangang ito ng buhay ay tutulong sa atin na madamang tayo’y may kapamahalaan sa halip na madamang tayo’y walang lakas na mga biktima ng mga pagkakataon.
Huwag nating subukin na gawin ang lahat ng bagay ng ating sarili lamang. Yaong mga ayaw tumanggap ng tulong sa iba ay kalimitan malaki ang ibinabayad kung pagkahapo at kabiguan ang pag-uusapan. May sarisaring gawain na maaari namang asikasuhin ng iba. Samakatuwid, isang kapantasan na samantalahin ang kakayahan ng mga handang tumulong. Bukod sa pinagagaang ang ating sariling pasan, ito’y maaaring nakapagpapatibay-loob sa mga taong naghahangad na maging lalong malapit sa atin.
Hindi kapantasan na ang ating sarili’y ihambing sa mga taong marahil ay mas maraming nagagawa kaysa atin. Ang pagsubok na maging katulad ng mga taong sa malas ay higit ang nagagawa kaysa atin ay nakapagpapahina ng loob, anupa’t ating nadarama na tayo’y hindi nila kapantay at di-karapat-dapat. Ang gayong kaisipan ay nakasisira, sinisira ang ating determinasyon at pagtitiwala-sa-sarili. “Patunayan ng bawat isa kung ano ang kaniyang sariling gawa,” ang isinulat ni Pablo, “at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng dahilan upang magalak tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi kahambing ng iba.” (Galacia 6:4) Tandaan na ang pinakamahalagang manggagawa ay yaong isa na sumusunod sa mga instruksiyon, matatag at maaasahan, at ang nagagawa’y mabuting uri ng gawain. Kung tayo’y ganiyan, ang ating mga paglilingkod ay pahahalagahan at hahanapin ng marami.—Kawikaan 22:29.
Kailangang pangalagaan nating mabuti ang ating kalusugan. Isa ito sa ating pinakamahalagang pag-aari, sapagkat kung wala nito ay baka kaunting-kaunti lamang ang magawa natin. Kung gayon, ating sikaping magpatuloy sa nakapagpapalusog na pagkain sa pamamagitan ng masustansiyang mga pagkain na kinakain natin. Tayo’y kailangang magpahinga ayon sa ating kinakailangan, matulog sa rasonableng oras sa gabi. Pagka tayo’y labis na napapagod o nakadaramang tayo’y parang magkakasakit, huwag nating itulak ang ating sarili sa patuloy na paggawa; baka tayo magbayad ng malaking halaga.
Mahalaga na mag-ingat laban sa pagiging mareklamo. Kung tayo’y mahilig sa negatibong kaisipan, tayo’y makasusumpong ng kamalian sa halos anumang bagay o sa kaninuman. Ito’y tiyak na mag-aalis sa atin at sa iba ng kagalakan. Sa halip na magtsismis o magreklamo tungkol sa inaakala nating hindi tama, ating ipagbigay-alam iyon sa mga may pananagutan tungkol doon at ipaubaya sa kanila ang pagtutuwid ng mga bagay-bagay. (Ihambing ang 1 Corinto 1:10-12.) Tayo’y matalino kung mananatili tayong may positibong pangmalas, laging humahanap at umaasang makakakita ng mabuti sa iba at sa mga pangyayaring humuhubog ng ating buhay.—Ihambing ang Judas 3, 4, 16.
Sa pagpaplano ng ating mga gawain, tandaan natin na ang kaybilis-bilis na paggawa ay maaaring magsilbing isang pambihirang rekord, ngunit bihirang mapananatili itong gayon nang matagal. Ang patuloy na labis na pagpapagód ay hindi lamang humahantong sa pagkahapo kundi maaaring magdulot din ng pagkasira ng loob na maaaring sumira ng ating determinasyon na magpatuloy. Kung gayon, magtakda tayo ng bilis na maaari nating ipagpatuloy kahit hanggang kailan. Halimbawa, mabuti na magkaroon ng isang praktikal na iskedyul para sa regular na pakikibahagi sa pangangaral sa bahay-bahay at iba pang mga bahagi ng ministeryong Kristiyano. Kailangang magbigay tayo ng panahon para naman sa pagpapahinga at nakapagpapatibay na mga libangan. At makikita natin na kapaki-pakinabang ang makipag-usap sa mga nakatatandang mga tao na marami nang karanasan, sapagkat maaaring natutuhan nila kung papaano gagawin ang kinakailangang mga bagay na hindi naman hinahapo ang kanilang sarili sa pisikal o sa emosyonal.
Gumamit ng Mabuting Pagpapasiya
Tumpak na makadama ng obligasyon at ng hangarin na matupad ang lahat ng mga pananagutan na iniatang sa atin, kasali na yaong nasa loob ng kongregasyon ng bayan ni Jehova. Ang Diyos ay nalulugod sa masisipag, maaasahang mga manggagawa. (Ihambing ang Mateo 25:21; Tito 2:11-14.) Ngunit ang Kasulatan ay nagpapayo: “Ingatan ang praktikal na karunungan at ang kakayahang umisip.” (Kawikaan 3:21) Ang pagkakapit ng karunungan buhat sa Bibliya ay pakikinabangan natin, at kailangang gumamit
-