Awit 25
Maririkit na Gawa ng Diyos
1. Bawa’t gawa ng Diyos
Lubos na marikit.
Pagkai’t paggawa
Ay hulog ng langit.
Ang kawalang hanggan
Sa puso’y ’nilakip.
Ang pag-asang taglay
Walang kahulilip.
2. Upang ibigin siya,
Nilayon nga ng Diyos,
Na ipagkaloob
Pagpapalang lubos.
Sa magandang gawa
Tao’y mag-abala.
At magpakailanman
Diyos sasakanila.
3. May dakilang gawa,
Ating minamahal,
Ang magpatotoo,
Siya nating itanghal.
Kaloob nga ng Diyos
Na walang kapantay.
Gawaing marikit,
Ngayo’y ating taglay.
4. Araw-araw tayo’y
Mabuhay nang pantas,
At layunin ng Diyos
Ay ipatalastas.
Kayamanang ito
Ay dapat tanggapin.
Alang-alang sa Diyos
Ay ating gagawin.