Awit 211
May-Kagalakang Nakikibahagi sa Pag-aani
1. Ngayo’y araw ng pag-aani,
Dakila ang pribilehiyo.
Anghel ang mga mang-aani,
At may bahagi rin tayo.
Si Kristo ang nagpasimuno,
Sa bukid binhi’y ’nihasik.
Hinog na ang ating gagapasin;
Sa bunga tayo ay sabik.
2. Ang trigo ay nasa kamalig.
Damo’y madaling kilanlin.
Sila’y umuusig sa atin,
At nagngangalit ang ngipin.
Lingkod ni Jehova’y masipag,
Sa maghapon na paggawa.
Kay dami ng tupang dumaragsa;
Sa pagtulong huwag magsawa.
3. Pag-ibig sa Diyos at sa kapwa,
Nagpapasigla sa atin.
Ang pagtitipo’y apurahan,
Kawakasa’y dumarating.
Sa pag-aani’y magmasipag,
Maaamo ay tulungan.
Galak araw-araw sa larangan
Kung baguha’y tuturuan.
4. Tanaw ni Jesus ang anihin,
Hinog na ang butil ngayon.
Puting-puti na ang bukirin!
Kay daming dapat matipon!
Galak na walang kahulilip,
Ng kamanggagawa ng Diyos.
Magmasipag na may kagalakan;
At makibahaging lubos.