-
ApostasiyaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
May ibubunga bang malubhang pinsala kung ang isa’y mag-uusisa sa paniwala ng mga apostata?
Kaw. 11:9: “Sa pamamagitan ng kaniyang bibig ay ipinapahamak ng apostata ang kaniyang kapuwa.”
Isa. 32:6: “Ang taong mangmang ay magsasalita ng kasamaan, at ang kaniyang puso ay kakatha ng kapinsalaan, upang magsagawa ng apostasiya at upang magsalita ng may kamalian laban kay Jehova, upang walang makain ang kaluluwa ng nagugutom, at upang ang nauuhaw ay walang mainom.” (Ihambing ang Isaias 65:13, 14.)
Gaano kaselang ang apostasiya?
2 Ped. 2:1: “Sila’y lihim na magpapasok ng nagpapahamak na mga sekta at itatatwa pati ang may-ari na bumili sa kanila, sa gayo’y dinudulutan ang kanilang sarili ng biglang pagkawasak.”
Job 13:16: “Sa harapan niya [ng Diyos] ay walang makalalapit na apostata.”
Heb. 6:4-6: “Sapagka’t tungkol sa mga minsang naliwanagan, at nakalasap ng walang bayad na kaloob ng kalangitan, at nangakabahagi na ng banal na espiritu, at nakalasap ng mabuting salita ng Diyos at ng mga kapangyarihan ng dumarating na pamamalakad ng mga bagay, at saka nahiwalay sa Diyos [“at saka magkasala ng apostasiya,” RS], ay hindi na sila maaaring akaying muli sa pagsisisi, sapagka’t kanilang ipinapakong muli ang Anak ng Diyos ukol sa ganang kanilang sarili at inilalagay na muli siya sa pangmadlang kahihiyan.”
-
-
Apostolikong PaghahaliliNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Apostolikong Paghahalili
Kahulugan: Ang doktrina na ang 12 apostol ay may mga kahalili at na ang karapatang humalili ay isang bigay-Diyos na atas. Sa Iglesiya Katolika Romana, inaangkin na ang mga obispo sa kabuuan ay kahalili ng mga apostol, at na ang papa ay inaangking siyang kahalili ni Pedro. Iginigiit na ang mga papang Romano ay tuwirang kahalili, nanunungkulan sa posisyon at gumaganap ng mga tungkulin ni Pedro, na di-umano’y siyang pinagkalooban ni Kristo ng pangunahing kapamahalaan sa buong Iglesiya. Hindi itinuturo ng Bibliya.
Si Pedro ba ang “bato” na siyang pinagtayuan ng iglesiya?
Mat. 16:18, JB: “Sinasabi ko ngayon sa iyo: Ikaw ay si Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking Iglesiya. At ang mga pintuan ng kalaliman ay hindi mananaig dito.” (Pansinin na sa konteksto [Mat 16 bers. 13, 20] ang pag-uusap ay nakasentro sa pagkakakilanlan kay Jesus.)
Sino ang kinilala nina apostol Pedro at Pablo bilang “bato,” ang “batong-panulok”?
Gawa 4:8-11, JB: “Si Pedro, na puspos ng Banal na Espiritu, ay nagsabi sa kanila, ‘Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda! . . . sa pangalan ni Jesu-Kristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Diyos mula sa mga patay, dahil sa pangalang ito hindi sa kanino pa man kung kaya’t nakatindig ang taong ito nang walang sakit, sa harapan ninyong lahat. Siya ang bato na itinakwil ninyong mga tagapagtayo, subali’t siyang naging pangulong bato [“batong-panulok,” NAB].”
1 Ped. 2:4-8, JB: “Kayo’y magsilapit sa kaniya [ang Panginoong Jesu-Kristo] na kayo rin naman . . . gaya ng mga batong-buháy ay natatayong bahay ukol sa espiritu. Gaya ng sinasabi ng mga kasulatan: Tingnan ninyo kung papaano ko inilalagay sa Sion ang isang mahalagang batong panulok na ako ang pumili at sinomang maglalagak ng tiwala rito ay hindi mapapahiya. Sa inyo ngang nangagsisisampalataya, ito’y mahalaga; datapuwa’t sa hindi sumasampalataya, ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ang siyang naging pangulong bato, batong katitisuran, at bato na pangbuwal.”
Efe. 2:20, JB: “Kayo’y bahagi ng gusali na ang pinakasaligan ay ang mga apostol at propeta, at na si Kristo Jesus mismo ang siyang pangulong bato sa panulok.”
Ano ang paniwala ni Agustin (na itinuring na santo ng Iglesiya Katolika)?
“Sa panahon ding ito ng aking pagpapari, ay sumulat ako ng isang aklat laban sa liham ni Donato . . . Sa isang talata ng aklat na ito, ay sinabi ko tungkol kay Apostol Pedro: ‘Sa ibabaw niya na pinakabato ay itinayo ang Iglesiya.’ . . . Subali’t nalalaman ko na madalas pagkaraan nito, ay ipinaliwanag ko ang sinabi ng Panginoon: ‘Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking Iglesiya,’ upang maunawaan na ito ay nakatayo sa Kaniya na siyang pinagsabihan ni Pedro: ‘Ikaw ang Kristo, ang Anak ng nabubuhay na Diyos,’ kung kaya’t si Pedro, na ang pangala’y nangangahulugang bato, ay kumakatawan sa pagka-persona ng Iglesiya na nakatayo sa ibabaw ng batong ito, at siyang tumanggap ng ‘mga susi ng kaharian ng langit.’ Sapagka’t ang sinabi sa kaniya ay ‘Ikaw ay Pedro’ at hindi ‘Ikaw ang bato.’ Datapuwa’t ‘ang bato ay si Kristo,’ bilang pagpapahayag gaya ng ipinapahayag ng buong Iglesiya, na si Simon ay tinawag na Pedro.”—The Fathers of the Church—Saint Augustine, the Retractations (Washington, D.C.; 1968), isinalin ni Mary I. Bogan, Aklat I, p. 90.
Si Pedro ba ay itinuring ng ibang apostol bilang nakahihigit sa kanilang lahat?
Luc. 22:24-26, JB: “At nagkaroon din naman ng isang pagtatalo sa gitna nila [mga apostol] hinggil sa kung sino ang ibibilang na pinakadakila, nguni’t kaniyang sinabi sa kanila, ‘Sa mga pagano ang mga hari ay namamanginoon sa kanila, at yaong mga may kapamahalaan sa kanila ay tinatawag na Tagapagpala. Hindi ito dapat mangyari sa inyo.’ ” (Kung si Pedro ang “bato,” may alinlangan pa kaya kung sino sa kanila ang “ibibilang na pinakadakila”?)
Yamang si Jesu-Kristo, ang ulo ng kongregasyon, ay nabubuhay, nangangailangan ba siya ng mga kahalili?
Heb. 7:23-25, JB: “At nagkaroon nga ng malaking bilang ng mga saserdote [sa Israel], sapagka’t dahil sa kamatayan ay napigil sila ng pagpapatuloy; datapuwa’t siya [si Jesu-Kristo], palibhasa’y namamalagi magpakailanman, ay hindi maaaring mapalitan bilang saserdote. Dahil din dito, kung kaya’t natitiyak ang kapangyarihan niyang magligtas, yamang siya’y nabubuhay magpakailanman upang mamagitan sa lahat ng nagsisilapit sa Diyos sa pamamagitan niya.”
Roma 6:9, JB: “Si Kristo, gaya ng nalalaman natin, palibhasa’y binuhay na muli sa mga patay ay hindi na muling dadanas ng kamatayan.”
Efe. 5:23, JB: “Si Kristo ang ulo ng Iglesiya.”
Ano ang “mga susi” na ipinagkatiwala kay Pedro?
Mat. 16:19, JB: “Ibinibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit; anomang iyong talian sa lupa ay ituturing na natalian na sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay ituturing na nakalagan na sa langit.”
Sa Apocalipsis, tinukoy ni Jesus ang isang makasagisag na susi na ginamit niya mismo upang buksan ang mga pribilehiyo at pagkakataon para sa mga tao
Apoc. 3:7, 8, JB: “Narito ang mensahe ng banal at tapat na siyang may susi ni David, upang anomang buksan niya, ay walang
-