Awit 221
Mga Kabataan! Tularan ang Kanilang Pananampalataya
1. Musmos pa si Samuel nang siya’y magtungo
Upang maglingkod sa templo sa Shilo.
Sa b’ong Israel siya’y naging propeta,
Bilang Nazareo, Diyos pinuri niya.
Si Eli’y may mga anak na suwail.
Maisisinsay ba nila si Samuel?
Hindi, kundi masunurin talaga.
Di siya lumihis sa Diyos na Jehova.
2. Nang ang batang Timoteo’y lumaki,
Bilang tagapangasiwa’y nagsilbi.
Ikinapit niya mga natutuhan.
Pagiging tapat ay pinagsikapan.
Sa kongregasyon may mabuting ngalan,
Kaya’t sa tungkulin siya’y inatasan.
Pribilehiyo niyang sumama kay Pablo;
Pinagpala siya bilang misyonero.
3. Mga dalagita, inyong tandaan
Ang batang Isr’elita no’ng nagdaan.
Kahit siya ay bihag, hindi nasindak;
Sa kanyang sigasig iba’y naganyak.
Sa ginang ni Naaman siya’y nagsabi:
‘Sa propeta ng Diyos sakit bubuti.’
Pinuno ng Sirya ay tumalima.
Pinagpala dahil sa dalagita.
4. Mga kabataan, tularan ninyo
Mga magandang halimbawang ito.
Sa panahon natin ng kawakasan,
Pinili ng Diyos kanyang kinatawan.
Mga kabataan, kayo’y lumahok,
Bumahagi sa matwid na paghamok.
Pumuri sa Diyos, magbigay babala.
Sa katapusan mayro’ng gantimpala.