Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pampatibay-loob
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • at puspos ng kaawaan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob.”

      2 Ped. 3:9, 15: “Si Jehova ay hindi mapagpaliban tungkol sa kaniyang pangako, gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba, kundi siya ay matiisin sa inyo sapagka’t hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak kundi ang lahat ay magsipagsisi. Kaya, ariin ninyo na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas.”

  • Mga Panaginip
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Mga Panaginip

      Kahulugan: Mga pag-iisip o mga larawang pangkaisipan ng tao habang natutulog. Ang Bibliya ay bumabanggit ng likas na mga panaginip, mga panaginip mula sa Diyos, at mga panaginip na nagsasangkot ng panghuhula.​—Job 20:8; Bil. 12:6; Zac. 10:2.

      Ang mga panaginip ba’y may pantanging kahulugan sa ating kapanahunan?

      Ano ang natuklasan ng mga mananaliksik tungkol sa mga panaginip?

      “Lahat ay nananaginip,” sabi ng The World Book Encyclopedia (1984, Tomo 5, p. 279). “Karamihan ng mga nasa hustong gulang ay nananaginip ng mga 100 minuto sa loob ng walong oras na pagtulog.” Kaya ang mga panaginip ay normal na karanasan ng tao.

      Sinabi ni Dr. Allan Hobson, ng Harvard Medical School: “Ang mga ito ay mga pampasigla na walang tiyak na kahulugan at na maaaring ipaliwanag ng isang manggagamot sa alinmang paraan na kinahihiligan niya. Subali’t ang kahulugan nito ay nasa mata ng nakakakita​—wala sa mismong panaginip.” Nang iniuulat ito, ganito ang idinagdag ng seksiyong “Science Times” ng The New York Times: “Sa grupo na nag-uukol ng malaking pagpapahalaga sa mga panaginip, may iba’t-ibang paraan ng pagtuklas sa sikolohikal na mensahe ng isang panaginip, at bawa’t isa ay nagpapaaninaw ng magkakaibang teoretikong pangmalas. Ang isang tagasunod ni Freud ay makakasumpong ng isang uri ng kahulugan sa isang panaginip, samantalang iba naman ang matutuklasan ng isang tagasunod ni Jung, at ang isang nagtuturo ayon kay Gestalt ay makakasumpong ng iba pa ring kahulugan. . . . Subali’t tumanggap ng mahigpit na pag-atake mula sa mga neuroscientist ang paniwala na ang mga panaginip ay may tunay ngang sikolohikal na kahulugan.”​—Hulyo 10, 1984, p. C12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share