Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pananampalataya
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • niya ito niyayayang pakasal, ipinakikita ba niya na ang kaniyang pag-ibig ay talagang lubus-lubusan? Sa gayon ding paraan, sa pamamagitan ng mga gawa ay naitatanghal natin ang pagiging-totoo ng ating pananampalataya at pag-ibig. Kung hindi natin sinusunod ang Diyos hindi natin siya tunay na iniibig at wala tayong pananampalataya sa pagiging-matuwid ng kaniyang mga daan. (1 Juan 5:3, 4) Sa kabila nito hindi tayo magiging karapatdapat sa kaligtasan ano man ang ating gawin. Ang buhay na walang-hanggan ay isang kaloob mula sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Kristo, at hindi isang kabayaran sa ating mga gawa.​—Efe. 2:8, 9.

  • Pantubos
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
    • Pantubos

      Kahulugan: Ang halagang ibinabayad sa layuning tumubos o magpalaya mula sa isang obligasyon o gipit na kalagayan. Ang pinakamahalagang pantubos ay ang itinigis na dugo ni Jesu-Kristo. Sa pamamagitan ng pagbabayad ng halaga ng pantubos na iyon sa langit, binuksan ni Jesus ang daan upang ang mga supling ni Adan ay mailigtas sa kasalanan at kamatayan na minana nating lahat dahil sa kasalanan ng ating ninunong si Adan.

      Paanong ang kamatayan ni Jesu-Kristo ay naiiba sa kamatayan ng iba na naging mga martir?

      Si Jesus ay isang sakdal na tao. Isinilang siya na walang anomang bahid ng kasalanan at pinanatili niya ang kasakdalang iyon sa buong buhay niya. “Siya’y hindi nagkasala.” Siya’y “walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan.”​—1 Ped. 2:22; Heb. 7:26.

      Siya ang bukod-tanging Anak ng Diyos. Ito’y pinatunayan mismo ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasalita mula sa langit. (Mat. 3:17; 17:5) Ang Anak na ito ay dating namuhay sa langit; sa pamamagitan niya pinairal ng Diyos ang lahat ng iba pang mga persona at mga bagay sa buong sansinukob. Upang maganap ang Kaniyang kalooban, makahimalang inilipat ng Diyos ang buhay ng Anak na ito sa bahay-bata ng isang dalaga upang maipanganak siya bilang tao. Bilang pagdidiin sa bagay na siya’y naging isang tunay na tao, tinukoy ni Jesus ang kaniyang sarili bilang Anak ng tao.​—Col. 1:15-20; Juan 1:14; Luc. 5:24.

      Siya’y hindi walang kapangyarihan nang nasa harap ng mga papatay sa kaniya. Sinabi niya: “Ibinibigay ko ang aking kaluluwa . . . Sinoma’y hindi nag-aalis nito sa akin, kundi kusa kong ibinibigay.” (Juan 10:17, 18) Siya’y tumangging humingi ng tulong sa mga anghelikong hukbo. (Mat. 26:53, 54) Bagama’t pinahintulutan

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share