Awit 198
Pagkilala sa Ating Diyos
1. Ating nababatid, di nalilingid,
Loobin ng Diyos.
Siya’y may kaawaan ang kalayaan
Natamong lubos.
2. Siya ay maawain at maibigin;
Ating natalos.
Tayo ma’y marupok; yaring alabok,
May habag ang Diyos.
3. Dapat na alamin, ating tantuin,
Ang tungkol sa Diyos.
Araw-araw sundan ang wastong daan,
Tulad ni Jesus.
4. Gawin ngang tularan, kahit na saan,
Ang pagi-big niya.
At ngalan nga ng Diyos ibunying lubos,
Pagka’t tunay siya.