Tanong
◼ Dapat ba tayong tumilepono sa Samahan para sa mga kasagutan sa mga tanong sa Bibliya o para sa personal na payo?
Maraming tao ang gumagamit ng telepono para mabilis na magawa ang mga bagay-bagay, subalit higit pa sa bilis ang nasasangkot. Karaniwan sa sanlibutan na unahin ang personal na kaalwanan; umiiwas ang mga tao na magsikap sa ganang sarili.
Kabaligtaran nito ang ating masusumpungan sa payo ng Diyos! Hinihimok niya tayo upang hanapin ang kaalaman gaya ng natatagong kayamanan, na nagpapakita ng ating kusang pagsisikap sa ganang sarili. Ang karanasan ay nagpapatunay na ang paggawa natin nito ay nagdudulot ng higit na namamalaging kasiyahan.—Kaw. 2:1-4.
Ang gayong pagsisikap ay angkop kapag may lumitaw na tanong samantalang tayo’y naghahanda para sa pulong, o tayo ay napapaharap sa isang personal na suliranin. Sa halip na tumilepono sa Samahan, tayo’y makikinabang sa pamamagitan ng paggawa ng personal na pagsasaliksik sa Bibliya at sa ating mga publikasyon, lalo na ang Watch Tower Publications Index.
Pagkatapos nating ‘hanapin ang natatagong kayamanan,’ sa ganitong paraan, makalalapit tayo sa lokal na matanda kung kailangan pa rin natin ang tulong. Ang mga matatanda ay may karanasan sa pagsasaliksik ng impormasyon. Ang kanilang timbang na tulong ay lalo nang angkop kung kailangan natin ang payo sa isang personal na suliranin o desisyon, yamang sila’y malapit sa atin at sa ating kalagayan.—Ihambing ang Gawa 8:30, 31.
Kung waring kailangan pa rin ang higit na impormasyon nang tuwiran mula sa Samahan, karaniwang mas mabuting magpadala ng sulat. Ang gayong sulat ay magbibigay ng sapat na panahon upang ang kasagutan ay lubusang masaliksik, na kadalasang hindi nagagawa sa telepono.