-
ParaisoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
kita sa Paraiso” (RS), o kaya’y, ‘Katotohanang sinasabi ko sa iyo ngayon, Kakasamahin kita sa Paraiso’? Ang saligan upang matiyak ito ay ang mga turo ni Kristo at ng lahat ng ibang bahagi ng Bibliya, at hindi isang koma na isiningit sa teksto ilang siglo pagkaraang sabihin ni Jesus ang mga salitang iyon.
Ang The Emphasized Bible na isinalin ni J. B. Rotherham ay sumasang-ayon sa pagbabantas ng New World Translation. Sa talababa ng Lucas 23:43, ang Alemang tagapagsalin ng Bibliya na si L. Reinhardt ay nagsasabi: “Ang bantas na ginagamit sa kasalukuyan [ng karamihan ng mga tagapagsalin] sa talatang ito ay walang salang mali at salungat sa nasasa-isip ni Kristo at ng manlalabag-batas. . . . [Si Kristo] ay tiyak na hindi naniwala na ang paraiso ay bahagi ng daigdig ng mga patay, kundi na ito’y ang pagsasauli ng paraiso sa lupa.”
Kailan ang ‘pagdating ni Jesus sa kaniyang kaharian’ upang tuparin ang layunin ng kaniyang Ama na gawing paraiso ang lupa? Ang aklat ng Apocalipsis, na isinulat mga 63 taon pagkatapos sabihin ang mga pangungusap sa Lucas 23:42, 43, ay nagpapahiwatig na ang mga pangyayaring ito ay nasa hinaharap pa. (Tingnan ang mga pahina 340-343, sa ilalim ng “Mga Petsa,” gayon din ang paksang “Mga Huling Araw.”)
-
-
Mga PetsaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Mga Petsa
Kahulugan: Ang mga petsa ay nagtatakda ng panahon kung kailan nagaganap ang mga pangyayari. Binabanggit ng Bibliya ang mga petsa kaugnay ng yugto ng buhay ng mga tao, yugto ng panahon na ipinaghari ng ilang tagapamahala, o iba pang kapansinpansing pangyayari. Naglalaman ito ng tanging kompletong kronolohiya na umaabot pabalik sa panahon ng paglalang kay Adan. Tiniyak din nang patiuna ng kronolohiya ng Bibliya kung kailan magaganap ang ilang mahalagang pangyayari bilang katuparan ng layunin ng Diyos. Ang kalendaryong Gregorian, na ngayo’y siyang kinikilala sa kalakhang bahagi ng daigdig, ay noon lamang 1582 pinasimulang gamitin. Sa sekular na mga reperensiya ang mga petsang ibinibigay ukol sa mga pangyayaring naganap sa sinaunang kasaysayan ay hindi magkakatugma. Gayumpaman, ang ilang partikular na petsa ay natitiyak nang husto, gaya ng 539 B.C.E., nang bumagsak ang Babilonya, at kung magkagayo’y ang 537 B.C.E., nang magbalik ang mga Judio mula sa pagkaalipin. (Ezra 1:1-3) Sa pamamagitan ng paggamit sa mga petsang ito bilang panimula, posibleng sabihin ang mga petsa ukol sa sinaunang mga pangyayari sa Bibliya sa tulong ng kasalukuyang mga kalendaryo.
-