Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 16—Nehemias
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • ang mga anak ni Israel at hiniwalayan nila ang lahat ng dayuhan. Nakinig sila sa isang grupo ng mga Levita ukol sa pantanging pagbasa ng Kautusan at sa nagsusuri-sa-pusong repaso ng pakikitungo ng Diyos sa Israel. Ang naging tema ay: “Tumayo kayo, purihin si Jehova na inyong Diyos mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. Purihin nila ang iyong maluwalhating pangalan, na itinanghal nang mas mataas sa lahat ng pagpapala at papuri.” (Neh. 9:5) Ipinagtapat nila ang kasalanan ng kanilang mga ninuno at buong pagpapakumbabang nagsumamo ukol sa pagpapala ni Jehova. Ito’y bilang resolusyon na pinagtibay ng tatak ng mga kinatawan ng bansa. Sumang-ayon ang lahat na huwag mag-asawa sa mga katutubo sa lupain, mangilin ng mga Sabbath, at mag-abuloy sa paglilingkod at mga manggagawa sa templo. Nagpalabunutan sila at isa sa bawat sampung tao ang pinili upang manirahan nang palagian sa Jerusalem, sa loob ng pader.

      13. Anong palatuntunan ang idinaos nang ialay ang pader, at anong mga kaayusan ang ibinunga nito?

      13 Inialay ang pader (12:27–​13:3). Ang pag-aalay ng bagong pader ay panahon ng awitan at pagsasaya. Panahon na naman para sa isang asambleya. Nagsaayos si Nehemias ng dalawang malalaking koro at prusisyon ng pasasalamat upang lumakad sa ibabaw ng pader sa magkabilang direksiyon hanggang magsalubong at sabay na maghain sa bahay ni Jehova. Isinaayos ang materyal na pag-aabuloy upang sustentuhan ang mga saserdote at Levita sa templo. Isiniwalat ng karagdagang pagbabasa sa Bibliya na ang mga Amonita at Moabita ay hindi dapat pahintulutang makapasok sa kongregasyon, kaya inihiwalay nila ang haluang pulutong mula sa Israel.

      14. Ilarawan ang mga bisyo na bumangon noong wala si Nehemias, at ang mga hakbang na ginawa upang alisin ito.

      14 Pag-aalis ng karumihan (13:4-31). Pagkatapos ng sandaling pagdalaw sa Babilonya, nagbalik si Nehemias sa Jerusalem at natuklasan na ang mga Judio may bagong mga bisyo. Kay-daling nabago ang mga bagay-bagay! Nagpagawa ang mataas na saserdoteng si Eliashib ng bulwagang-kainan sa looban ng templo para kay Tobias, isang Amonita na kaaway ng Diyos. Hindi nag-aksaya ng panahon si Nehemias. Itinapon niya ang mga gamit ni Tobias at ipinalinis ang lahat ng bulwagang-kainan. Natuklasan din niya na ang abuloy para sa mga Levita ay nahinto, kaya sila ay lumabas na sa Jerusalem upang maghanap-buhay. Palasak ang komersiyalismo. Hindi ipinangingilin ang Sabbath. Sinabi ni Nehemias: “Dinagdagan ninyo ang nag-aalab na galit laban sa Israel sa paglapastangan ninyo sa sabbath.” (13:18) Isinara niya ang mga pintuan ng lungsod kapag Sabbath upang huwag makapasok ang mga negosyante, at pinaalis niya sila sa pader. Ngunit may nangyaring mas masahol, isang bagay na isinumpa nilang hindi na uulitin. Dinala nila sa lungsod ang kanilang mga dayuhan, paganong asawa. Ang mga anak ng pagsasamang ito ay hindi na nagsasalita ng wikang Judio. Ipinaalaala sa kanila ni Nehemias na si Solomon ay nagkasala dahil sa mga dayuhang asawa. Dahil dito, itinaboy ni Nehemias ang apo ni Eliashib na mataas na saserdote.c Muli niyang isinaayos ang pagkasaserdote at ang gawain ng mga Levita.

      15. Ano ang mapagpakumbabang kahilingan ni Nehemias?

      15 Nagwakas ang aklat ni Nehemias sa payak at mapagpakumbabang hiling: “Alalahanin mo akong mabuti, O Diyos ko.”​—13:31.

      BAKIT KAPAKI-PAKINABANG

      16. Sa anong mga paraan mahusay na halimbawa si Nehemias para sa lahat ng umiibig sa matuwid na pagsamba?

      16 Ang maka-diyos na debosyon ni Nehemias ay dapat maging inspirasyon sa lahat ng umiibig sa matuwid na pagsamba. Tinalikdan niya ang mataas na tungkulin upang maging abang tagapangasiwa ng bayan ni Jehova. Tinanggihan din niya ang abuloy na karapatan niya at tahasang hinatulan ang materyalismo bilang isang silo. Itinuro ni Nehemias sa bansa ang masigasig na pagtataguyod at pag-aasikaso sa pagsamba ni Jehova. (5:14, 15; 13:10-13) Si Nehemias ay mahusay na halimbawa sa pagiging bukas-palad at matalino, aktibo, walang-takot ukol sa katuwiran sa harap ng panganib. (4:14, 19, 20; 6:3, 15) May wastong takot siya sa Diyos at interesado siya sa pagpapatibay sa mga kapananampalataya niya. (13:14; 8:9) Buong-sigasig niyang ikinapit ang batas ni Jehova, lalo na may kinalaman sa tunay na pagsamba at pagtatakwil sa mga impluwensiyang dayuhan, gaya ng pag-aasawa ng mga pagano.​—13:8, 23-29.

      17. Papaano rin naging halimbawa si Nehemias sa kaalaman at pakakapit ng mga kautusan ng Diyos?

      17 Maliwanag na si Nehemias ay bihasa sa batas ni Jehova, at ikinapit niya itong mabuti. Hiniling niya ang pagpapala ng Diyos salig sa pangako ni Jehova sa Deuteronomio 30:1-4, at lubusang umasa na kikilos nang may pagtatapat si Jehova alang-alang sa kaniya. (Neh. 1:8, 9) Nagsaayos siya ng maraming asambleya, pangunahin na upang ituro sa mga Judio ang mga bagay na nasulat nang patiuna. Sa pagbabasa ng Kautusan, sinikap nina Nehemias at Ezra na ipaliwanag sa mga tao ang Salita ng Diyos at sundin ito sa pamamagitan ng pagkakapit niyaon.​—8:8, 13-16; 13:1-3.

      18. Ang madasaling pangunguna ni Nehemias ay dapat magdiin ng anong aral sa lahat ng tagapangasiwa?

      18 Ang lubos na pagtitiwala kay Jehova at ang mapakumbabang pagsamo ni Nehemias ay dapat magpasigla sa atin na linangin ang madasaling saloobin ng pananalig sa Diyos. Pansinin na ang kaniyang mga panalangin ay lumuwalhati sa Diyos, kumilala sa pagkakasala ng bayan, at humiling na pakabanalin ang pangalan ni Jehova. (1:4-11; 4:14; 6:14; 13:14, 29, 31) Ang pagkukusa ng bayan na sumunod sa kaniyang matalinong patnubay at ang kagalakan na nasumpungan nila sa pagganap ng kalooban ng Diyos ay patotoo na ang masigasig na tagapangasiwang ito ay moog ng kalakasan para sa kanila. Tunay na isang halimbawang nakapagpapatibay. Gayunman, kapag walang pantas na tagapangasiwa, madaling mag-ugat ang materyalismo, katiwalian at apostasya! Idiniriin nito sa lahat ng tagapangasiwa ng bayan ng Diyos ngayon na dapat silang maging gising, listo, at masigasig sa kapakanan ng kanilang mga kapatid na Kristiyano, maging maunawain at matatag sa pag-akay sa kanila sa tunay na pagsamba.

      19. (a) Papaano ginamit ni Nehemias ang Salita ng Diyos upang patatagin ang tiwala sa mga pangako ng Kaharian? (b) Papaano pinasisigla ng pag-asa ng Kaharian ang mga lingkod ng Diyos ngayon?

      19 Nagpakita si Nehemias ng lubos na tiwala sa Salita ng Diyos. Hindi lamang siya naging masigasig na guro ng mga Kasulatan kundi ginamit din niya ito sa pagtiyak sa mana ng mga angkan at sa paglilingkod ng mga saserdote at Levita sa naisauling bayan ng Diyos. (Neh. 1:8; 11:1–​12:26; Jos. 14:1–​21:45) Tiyak na naging malaking pampatibay-loob ito sa Judiong nalabi. Pinatatag nito ang kanilang pagtitiwala sa dakilang mga pangako na patiunang naibigay tungkol sa Binhi at sa lalong-dakilang pagsasauli na magaganap sa ilalim ng Kaniyang Kaharian. Ang pag-asa sa pagsasauli na gagawin ng Kaharian ay nagpapasigla sa mga lingkod ng Diyos upang buong-tapang na ipagtanggol ang mga kapakanan ng Kaharian at maging abala sa pagtatayo ng tunay na pagsamba sa buong lupa.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 17—Esther
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • Aklat ng Bibliya Bilang 17​—Esther

      Manunulat: Si Mardokeo

      Saan Isinulat: Sa Susan, Elam

      Natapos Isulat: c. 475 B.C.E.

      Panahong Saklaw: 493–​c. 475 B.C.E.

      1. Ano ang isinasalaysay sa aklat ng Esther?

      ITO’Y payak na salaysay tungkol kay Ahasuero, hari ng Persya, inaakalang si Jerjes I, na ang masuwaying asawang si Vashti ay hinalinhan ng Judiong si Esther, pinsan ni Mardokeo. Binalak ng Agagitang si Haman na patayin si Mardokeo at lahat ng Judio, ngunit siya ang nabitay sa sarili niyang tulos, at si Mardokeo ay nataas bilang punong ministro at ang mga Judio ay nailigtas.

      2. (a) Bakit alinlangan ang iba sa pagiging-kinasihan ng aklat ng Esther? (b) Sa anong anyo lumilitaw ang pangalan ng Diyos sa aklat ng Esther?

      2 Totoo, may nagsasabi na ang aklat ng Esther ay hindi kinasihan at hindi kapaki-pakinabang kundi isa lamang magandang alamat. Di-umano hindi binabanggit ng aklat ang pangalan ng Diyos. Bagaman totoo na ang Diyos ay hindi tuwirang binabanggit, nasa tekstong Hebreo ang apat na hiwalay na akrostiko ng Tetragramaton, unang mga titik ng apat na sunud-sunod na salita, YHWH (Hebreo, יהוה), o Jehova. Ang mga initial na ito ay itinatampok ng di-kukulangin sa tatlong sinaunang manuskritong Hebreo at minamarkahan din sa Masora sa mga pulang titik. At sa Esther 7:5 waring umiiral din ang isang akrostiko sa banal na kapahayagang “Aking patutunayan.”​—Tingnan ang mga talababa sa Esther 1:20; 5:4, 13; 7:7, gayundin ang 7:5.

      3. Anong mga kaganapan ang nagpapahiwatig ng pananampalataya at pananalangin sa Diyos, at ano ang nagpahiwatig na Diyos ang nagmamaneobra sa mga bagay-bagay?

      3 Nililiwanag ng buong ulat ang pagtanggap at pagsunod ni Mardokeo sa kautusan ni Jehova. Tumanggi siyang yumukod bilang parangal sa isang tao na marahil ay isang Amalekita; ang mga ito ay itinakda ng Diyos sa pagkalipol. (Esther 3:1, 5; Deut. 25:19; 1 Sam. 15:3) Ipinahihiwatig ng mga salita ni Mardokeo sa Esther 4:14 na siya ay umasa sa pagliligtas ni Jehova at sumampalataya sa banal na patnubay sa lahat ng pangyayari. Ang tatlong araw na pag-aayuno ni Esther bago humarap sa hari, at ang katulad na pagkilos ng mga Judio, ay nagpapakita ng pananalig sa Diyos. (Esther 4:16) Ang pagmamaneobra ng Diyos sa mga bagay-bagay ay ipinakikita rin ng pagkalugod ni Hegai, tagapag-alaga ng mga babae, kay Esther, at ang di-pagkakatulóg ng hari nang gabing ipakuha niya ang opisyal na mga ulat at matuklasan na si Mardokeo ay hindi naparangalan sa nagawang kabutihan noong nakaraan. (Esther 2:8, 

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share