-
ImpiyernoNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Jastrow, Jr., p. 581) Ang unang ebidensiya ng maapoy na impiyerno ng Sangkakristiyanuhan ay masusumpungan sa relihiyon ng sinaunang Ehipto. (The Book of the Dead, New Hyde Park, N. Y., 1960, na may pambungad ni E. A. Wallis Budge, p. 144, 149, 151, 153, 161) Ang Buddhismo, na nagpasimula noong ika-6 na siglo B.C.E., nang maglaon ay nagtampok kapuwa ng mainit at malamig na mga impiyerno. (The Encyclopedia Americana, 1977, Tomo 14, p. 68) Ang mga paglalarawan ng impiyerno na nakaguhit sa mga simbahang Katoliko sa Italya ay tinutunton sa mga ugat na Etruscano.—La civiltà etrusca (Milan, 1979), Werner Keller, p. 389.
Subali’t ang talagang mga ugat ng doktrinang ito na lumalapastangan sa Diyos ay mas malalim pa kaysa rito. Ang buktot na mga paniwala na kaugnay ng isang impiyerno ng paghihirap ay lumalapastangan sa Diyos at nagmumula sa pangunahing maninirang-puri sa Diyos (ang Diyablo, na ang pangala’y nangangahulugan ng “Maninirang-Puri”), ang tinukoy ni Jesu-Kristo na “ama ng kasinungalingan.”—Juan 8:44.
-
-
JehovaNangangatuwiran Mula sa Kasulatan
-
-
Jehova
Kahulugan: Ang personal na pangalan ng tanging tunay na Diyos. Ang katawagan na ipinagkaloob niya sa kaniyang sarili. Si Jehova ang Maylikha at matuwid lamang na siya ang maging Kataastaasang Tagapamahala ng Sansinukob. Ang “Jehova” ay isinalin mula sa Hebreong Tetragrammaton, יהוה, na nangangahulugang “Kaniyang Pinapangyayari.” Ang apat na titik-Hebreong ito ay kinakatawanan sa maraming wika ng mga titik na JHVH o YHWH.
Saan masusumpungan ang pangalan ng Diyos sa mga salin ng Bibliya na karaniwang ginagamit ngayon?
The New English Bible: Ang pangalang Jehova ay lumilitaw sa Exodo 3:15; 6:3. Tingnan din ang Genesis 22:14; Exodo 17:15; Hukom 6:24; Ezekiel 48:35. (Subali’t kung ang “Jehova” ay ginagamit sa maraming dako sa saling ito at sa iba pang salin, bakit hindi laging ginagamit ito sa bawa’t dako na kung saan lumilitaw ang Hebreong Tetragrammaton sa tekstong Hebreo?)
Revised Standard Version: Isang talababa sa Exodo 3:15 ay nagsasabi: “Ang salitang PANGINOON kapag binabaybay sa malalaking titik, ay kumakatawan sa banal na pangalang, YHWH.”
Today’s English Version: Isang talababa sa Exodo 6:3 ay nagsasaad: “ANG PANGINOON: . . . Sa mga dako na kung saan ang
-