Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/94 p. 7
  • Ministerial Training School

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ministerial Training School
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
km 1/94 p. 7

Ministerial Training School

1 Sa 1993 Yearbook, pahina 26 at 27, iniulat na gumagawa ng kaayusan para paabutin ang mga kapakinabangan ng Ministerial Training School sa ibang lupain. Nalulugod kaming ipatalastas sa inyo na ang mga kapakinabangang ito ay magpapasimulang tamuhin sa Pilipinas sa buwan ng Enero.

2 Sa Enero 6, 24 na mga estudyante para sa unang klase sa Pilipinas ay darating para sa pagpapatala, at ang paaralan mismo ay magpapasimula sa Lunes, Enero 10. Ang paaralan ay idaraos sa Bethel at magpapatuloy sa loob ng walong linggo hanggang Marso 5, 1994.

3 Ang sinumang matatanda at ministeryal na lingkod na walang asawa na interesado sa pagdalo sa paaralan ay maaaring dumalo sa pulong kasama ng tagapangasiwa ng sirkito at distrito sa pansirkitong asamblea. Sila’y kailangang mga kapatid na lalake na walang pamilya o pinansiyal na obligasyon at dapat na nakababasa at matatas na nakapagsasalita ng Ingles. Ang karagdagan pang impormasyon sa layunin ng paaralan at ang mga kahilingan na dapat matugunan upang maging karapatdapat sa pagpapatala ay ibibigay sa pansirkitong asamblea.

4 Mula sa pagpapasinaya ng Ministerial Training School sa Estados Unidos noong 1987, ang Yearbook ay nagtaglay ng maiikling ulat sa pagsulong ng paaralan at nagpakita kung papaanong ang mga nagtapos ay higit na nasasangkapan upang magampanan ang mga pananagutan at atas na ibinigay sa kanila. Marami ang babalik sa kanilang sariling kongregasyon, kung saan maikakapit nila ang kanilang natutuhan at makatutulong din sa iba na sumulong sa paghawak ng kanilang pananagutan. Ang ilan ay maaaring hilingang tumulong sa ibang kongregasyon kung saan malaki ang pangangailangan.

5 Tunay na isang pribilehiyo para sa Pilipinas na magdaos ng gayong paaralan at kami’y nakatitiyak na ito’y makatutulong nang malaki sa pagsulong sa hinaharap at sa espirituwalidad ng bansang ito.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share